Archive for November 4, 2006

the pangasinan adventure

Posted in Pastorals on November 4, 2006 by Padre Salvi

well.. matapos ang hiatus..
eto na ako magbabalik..
kasama ng isang kwento..

ang adventure

umalis kami dito mga alas dos..
the trip went well..
di ako natulog kasi maganda ang sceneries..
sinalubong kami ng isang traffic jam sa tarlac..
tpos masarap magmasid masid sa mga ibinebentang parol sa gerona..
nagkikislapan ang ganda.. grabe
pero may nakapukaw ng pansin ko..
medyo naging berde ang aking isip dahil sa pangalang ito

COCKERS INN

cockers inn?
medyo green nga talaga..
isa ba nila itong pakulo?
bakit kaya ito pinayagan ng dti or whatever agency?

maaga magsara ang commercial life sa probinsya..
sabi ko “alas siyete pa lang ha, natutulog na yata sila”
eh, umuuwi pa lang ako ng bahay nun ha?

sa wakas, nakarating na rin kami sa dagupan..
nagstay kami sa pinakasikat na hotel doon..
ang STAR PLAZA HOTEL..
ung mga sex scandal na kumakalat sa dagupan.. doon lahat ginagawa..
promise!
hehe.. edi nagcheck in na kami..
natuwa ako kasi may cable tv na naman..
wla kasi sa bahay namin..

tpos dumerecho na kami sa bahay ng aming kamag-anak..
merong baby..
di namin alam..
un pala.. magiging bagong pinsan namin iyon
the story: iniwan siya ng kanyang nanay sa hospital sa baguio
ang pinsan ko ang nurse in charge doon at siya na ang kumupkop sa baby
ang pangalan.. danna kate..
si mama, na sabik na sabik sa mga batang babae
(3 kaming magkakapatid na lalake)
gustong gusto umampon..
so may possibility na may umistorbo na sa aking pagbblog
dahil magtitimpla ng gatas.. uh…
hehe..

kinabukasan ay araw na ng patay..
sila ay busy na nagluluto sa bahay..
at ako ay nanonood ng tv..
ang init init nung araw na yun..
pero nung nasa sementeryo na kami..
bigla na lang rumagasa si PAENG!
wah. kawawa ang lechon namin.. di pa ko nakakakain..
nagdecide kami na sa bahay na kumain..
at babalikan na lang ang lolo kong naiwan sa sementeryo..
ayun.. nagtapos ang november one..
noong pauwi naman kami ay meron na namang masayang adventure!
on the road ang kaskasero kong tatay..
ilang beses din napasigaw ang aking nanay..
pero da best ang lasing incident.
grabe.. talagang napatili si mama ng.. LASING!!!
(ginagaya lagi namin iyon, nagagalit siya)
ilang beses na din kaming muntikang mabangga sa kung saan saan..
masaya naman ang araw ko..
pero nung november 3 ay tinambakan ako ng trabaho..
lugmok ako sa trabaho..
stressful!

**
nanalo pala ako ng award mula kay gary tarugo

Danica Sotto International Creativity Award for Technology