shin kam la tin shu kang shen

ung kanta lang ng f4 ang alam kong mandarin chinese. galing kasi kami ng hongkong kahapon kaya di pa rin ako makaget over sa rami ng nagsasalita ng chinese dun. mga chinese kasi dito, mayayaman.. mga makikita sa divisoria.. ayun, limited lang ang pananaw mo sa mga chinese.. ngayon ay nakakita na ako ng mga san cai na nagtitinda sa kalye.. dao na nagbubuhat ng kahon.. lei na nagbebenta sa 7 eleven, tim yap na kumakain sa jollibee, mikee at kim na pumapasok sa school, at kung sinu sino pa.. puro singkit ang makikita mo sa paligid.. pers taym ko kasi mag-eroplano, at lumabas ng luzon.. puro pilipino na lang ang nakapalibot sayo.. pero dun.. chinese naman.. ang weird.

naenjoy ko ang aming airplane trip.. wala lang.. pagbigyan niyo na ang aking innocence. nung biyernes naman ay pumunta kmi sa disneyland.. e2 ang prueba..

ayan.. wala lang.. nasa tren lang yan papuntang disneyland.. find the hidden mickey! hehe.. maganda sa disneyland.. ang kanilang crew ay mga magaganda at gwapong mga binata at dalaga.. oo promise.. matutuwa ka sa kanila.. ang ganda talaga sa disneyland.. gusto ko nga magtrabaho as crew member dun. kaya lang di ako marunong mag-chinese eh. sa america na lang! lahat pa ng crew member nila ay may english names.. ang mga notable members dun ay sina fatrick (oo fatrick..) ung guard na mabait.., si michael - isang gwapong binata na hindi maipronounce ang kanyang pangalan.. si eko- ang tour guide sa jungle cruise attraction na corny.. bilis niya kasi mag-english eh.. di namin maintindihan at monotonic pa.. kaya ung mga jokes niya.. magegets mo na lang pagkatapos ng ride na iyon.. si pure - ang cute nung name.. tpos ang ganda pa niya.. si alex - ung weird na nagsasalita ng mabilis na mandarin na di namin maintindihan.. nakakatawa lang siya magsalita..
nasabi ko na pers taym ko sumakay ng eroplano.. ako.. napahanga ako sa mga nagtatrabaho sa immigration.. wala lang.. kasi ang galing nila magconverse ng kanilang mga talambuhay habang nagtatype ng pangalan at tinatatakan ang pasaporte mo.. sa pilipinas kasi.. puro matatanda ang nasa immigration.. pero sa hongkong.. young ang mga immigration officers nila dun! mga magaganda’t gwapo pa.. parang mga crew members sa disneyland.. wala lang..
ang hilig nga nilang bumati ng hi at hello dun eh.. lalo na sa immigration na hindi mo ieexpect na babatiin ka.. nagiisnab at mga masungit kasi sa pilipinas eh.. hehe..

3 Responses to “shin kam la tin shu kang shen”

  1. Peysbuk « The Padre Salvi Pastorals Says:

    [...] May adventure pala kami mula bukas hanggang Tuesday. Para may clue kayo kung saan, read this post. [...]

  2. Grace Says:

    waw… di pa ako nakakaranas na lumabas ng bansa…

  3. Cai-kulit Says:

    wow.. sarap naman.. nakapunta ka na sa disneyland Hk.. sino pala kasama mo?… kainggit ka….

Leave a Reply