Archive for November, 2006

pac y’all

Posted in Pastorals on November 18, 2006 by Padre Salvi
Oi! Sowee po kung hindi ako nakabisita senyo.. kasi busy lang talaga ako.. ikkwento ko na lang ito ngayon
mabuti palang hindi magsalita ng tpos dahil eto..
ngayon ay hindi na naman ako makakadaan senyo..
kasi naman wala lang..
i never expected to be so busy this week..
di ko na nga naasikaso ang blog of the week.. kaya ngayon..
naunahan ako ni alyannajean at bamthegreat…
ka-tie ko pa si denib..
ok lang un..
thenks pala sa pagsuporta ninyo sa akin..
thanks talaga..
thursday
nanalo ako sa calculus quiz bee..
3rd place lang pero ok na yun..
friday
3rd place kami sa jingle competition..
ibinigay ko nga ang best ko dun eh..
grabeng exposure din un..
nung hapon ay naglaro ang buong maksci ng math bingo..
sa apat na taon kong paglalaro ko ay hindi pa ako nanalo kahit isang beses man lang.
nakatanggap ako ng isang daan pesos bilang premyo sa kwis bee.
ayos..
tinawagan ako ni mama dahil dumating ang si ate kay, kuya marben at kian (ang aking pinsan, kanyang asawa at anak)
manonood sila ng launching ng bench..
pabango nina richard at lucy..
edi takbo ako sa glorietta na isang sakayan lang mula sa skul..
putik.. traffic..
naalala ko na 6:00 ang palabas..
5:30 nun.. tapos naalala ko na naman ang filipino time..
(take note: ang filipino time ay hindi ibig sabihin na leyt lagi ang mga filipino.. actually, maaaga dumating ang mga pilipino ngunit ang mga leyt dumating ay ang mga importanteng tao sa isang event kaya nauurong ang oras ng pagsisimula ng palabas- namana natin ito sa mga kastila)
ayun nga.. umaprub ang filipino time theorem ko..
grabe ang trapik at isang oras kong nilakbay ang makati avenue papuntang glo.. (lakad-sakay)
pero di pa rin nagsisimula ang palabas..
nagsimula ito ng mga 7:02..
pero habang kami’y nag-aantay..
nagsawa kami sa commercial na ipinalalabas ng bench dun sa higanteng tv sa stage
eto ang order ng commercial

—sam milby’s b/low jeans.. siya ay mapapagkamalang nakahubad habang nagpuptol ng dahon ng may macurious na isang lolang tingin ng tingin sa ibaba ni sam.. hanggang sa masira nito ang bracelet ng apo.. subsequently, magbubukas ang sprinkler at makikitang nakajeans si sam ngunit sooobrang baba nito.. nakaka-lss ang bg music nito na parang si sam din ang kumanta

—-ang seamless underwear ni rafael rosell while doing some yoga and flexibility poses (sooobrang elibs ako dun)

—-seamless underwear pa rin ni rafael ngunit nagtatatumbling na siya at kung anu ano.. (naelibs pa rin ako)

—-ang printed underwear ni andrew wolfe habang siya ay nagpapakalbo ng buhok.. tpos may tagline na “be brave”

—-ang underwear ni nicole scherzinger ng pussycat dolls na may tagline na “sometimes what you put on is sexier than what you take off..”

tapos bigla na lang namigay ng samples ang mga sooobrang x 10 to the 23rd level gandang mga models.. as in.. maeentertain ka na lang sa kanila kahit ilang oras mo silang titgan.. tapos pati ung mga male models.. as in suuper gwapo rin na parang gusto ko nang agawin ang looks nila at ilagay sa akin para ako naman ang maging heartthrob kahit isang linggo lang sa buong buhay ko.. pati ung mga babae sa likod namin ay naiintindihan ko ang pagiging malandi dahil talaga namang kahit langgam ay magiging malandi dahil sa kanila..

nakapasok kami doon kasi naman bumili kami ng napakaraming pabango ng bench.. kahit sa mga shows ay may racial discrimination.. ang malapit sa stage ay mga sooobrang v.i.p.. na puro leyt.. saka kami.. ang mga not so v.i.p.. at ang mga uzi sa labas ng barrier.. ung mga nasa soobrang v.i.p ay mga conyong lumaki.. as in ung mga conyo during entrance exams sa la salle, ateneo, up at ust ay sila sila rin.. lumaki lang.. pinabayaan ko na silang enjoyin ang lifestyle nila..

nagsimula ang show kasama ang mymp.. tpos naghost si iya at namigay ng christian bautista cds.. sayang at hindi kami nanalo nun dahil di namin kinapalan ang mukha namin.. pero nagtagumpay naman kaming nanalo ng rachelle ann go cd dahil sa lakas ng loob naming tinawag si iya at kami namay napaunlakan.. kumanta ang gwapo ngunit payat na si christian bautista at ang magandang sexy na si rachelle ann go.. dumating na rin si richard at lucy at nakapagpaautograph ng 5 posters.. ang kulit nga eh.. hehe

Saturday

nagbalak silang pumunta sa mall of asia at bertday ng auntie ko ngayon kaya naglayas kami sa bahay namin at naggala.. punta kami sa bhay ng auntie ko at kumain ng sobrang rami dahil nagutom talaga ako habang nagttravel.. nawili naman ako habang katext si nika at nagpapayabangan kami.. di siya makaangat sa akin dahil level na talaga ang pagkayabang ko kaya ganun.. nalasing din yata ako sa brandy na nakahalo sa black forest ng red ribbon.. nakita ko rin ang kaklase ko sa national kwis bee sa studio 23.. tpos dumerecho kami sa lupang binabalak bilhin sa laguna at saka binalak pumunta sa mall of asia..

pagdating sa napakalaking mall of asia ay.. ayun.. nagkagulo dun sa playground na puro jumping castles.. kasi nadeflate ung isang jumping castle at may nastuck na mga bata doon at nanganganib masuffocate.. nabad trip ako kanina dahil pinilit nilang kumain sa jollibee na may soobrang daming tao.. tapos kinain pa nila ang aking exclusively orderd french fries.. napakahaba ng pila sa counter kaya thanks to my uncle na nagshort cut sa lines through a crew para sa aking french fries..

pinanood namin ang fireworks display na sooobrang ganda.. na as in natulala na lang ako sa space.. ang nasa likod namin ay amaze na amaze din at hindi mahawi sa labi niya ang nasaksihang fireworks display na lahat naman sa paligid niya ay napanood.. naiintindihan ko siya dahil siguro dun na lang niya maieexpress ang kanyang niloloob..

pumasok kami sa department store at umabot sa toys section.. super nailabas ko ang aking childish side at mag-isang nilaro ang mga makikitang try-me sa mga laruan..

kaya pala pac y’all ang title ng post na ito dahil nakakaintriga siyang pakinggan at bukas na ang laban ni pacquiao laban kay morales.. GO MORALES! hehe.. mas kailangan ni morales ang pera na mapapanalunan dahil mayaman na si pacquiao dahil sa mga commercial nya.. na ang latest pa ay ang nike ad sa may guadalupe - the mother of all billboards - at mga pumupuno sa whole pages ng mga dyaryo at kung anu ano pa..

super idol ko rin si tim yap.. nahawa lang ako kina dianne pero gusto ko siya talaga dahil isa siyang conyong ma-something.. basta di ko maiexplain..

di po si mr. tuesday ung tinutukoy ko sa baba.. ang nasa baba ay tinatawag kong ben-zayb.. ben-zayb is a guy pero ipinangalan ko sa girl.. may rason dyan pero secret ko na yun.. clue: si tuesday girl ay isang blogger!

due to the insistent public demand..

Posted in Pastorals on November 16, 2006 by Padre Salvi
OI! SA SABADO NA AKO MAKAKABISITA SENYO KASI BUSY LANG ANG INYONG MR. TUESDAY! SANA AY MAINTINDIHAN NINYO!

hehe..
nauto ko kayo!
gusto ninyo ang lablayp ko?
hehe..
ayoko nga..
JOKE!
sige na nga.. ako naman nag-initiate na simulan ang paksa.

bago mo ito basahin..
kailangan ng malaking kaalaman sa mga love stories sa tv..
at matinding imahinasyon..
meron ka na nun?
sige.. kung nanonood ka ay isipin mo ang lab story nina eli (john lloyd) at princess (bea)
ang sweet nung dalawa! kilig! kilig! kilig!
pero kung di ka kapamilya or bea-john fan..
isipin na lang ang lab story ni san cai at dao sa tanyag na meteor garden..
ganun.. then pagsamahin mo ang lab story nina john lloyd at bea at ni sancai at dao..
naisip mo na? ay, oo nga pala.. pati lab story ni romeo at juliet.. parang paminta mo lang na isahog sa iyong hinahalong love story..
masarap na?
ayan.. pagkatapos mo gawin iyan ay isipin na ako ang guy at isang nagngangalang bianca ang girl..
kung iniisip mo na iyan ang lablayp ko.. hindi iyan..
warm up pa lang..
hehe..

nainspire ako gumawa ng post na ito dahil nga sa insistent public demand na pinipilit pigain sa akin ang wlang kwentang lablayp ko.. (ineexaggerate ko lang ang lablayp.. crush ko lang ang tinutukoy ko eh) hehe..
isa pa ay dahil sa mga nakakakilig na posts ng ibang bloggers (e.g camille, ate ikay, dwight at si denib na gagawa pa lang - pwamis.. kakaiba lablayp nyan ni denib.. sobwa!)
(medyo naudlot dahil sa kissing scene ni sam at anne - bakit kaya di sila nagganunan ni toni g. sa you are the one?)
anyways, dun nga sa aking crush..
hehe..
crush ko siya nung third year..
naging prom date ko pa..
(alam kong mababasa mo to! wla lang..)
( at dianne, magreact ka na lang personally sa akin..)
ayun..
nagsimula ang aming pwendship sa pagsabay niya sa akin sa jeep..
magkalapit kasi kami ng bahay..
(natatandaan ko pa na sinabi niya sa akin na iyon ay approximately 600 steps)
hehe..
tapos nung february 22..
isang ice breaker ang pumilit sa aking sagutin ang tanong na “sino ang crush mo sa section natin?”
tanda ko sa market market pa iyon..
at take note.. kasali siya dun..
hehe.. nagkalabuan na kami at di nagpansinan..
siguro ay tumagal ito hanggang bakasyon at ewan ko na kung pati nung first day of classes.
di ko na siya crush nun. (ewan ko ngayon)
(magrereact na naman si dianne ng “move on”)
ngayon ay magkasundo na ulit kami..
although naiilang pa rin ako sa kanya..
siya yata di naiilang
tumatabi pa rin nga sa akin sa jeep eh..

nagkataon na isang araw ay sabay kaming nakapagunlimited sa globe at eto ang sample text..

mr. tuesday: sige magtanong ka ng kahit ano sa akin. (di ko inexpect na magrereply siya.. pero nagreply nga)

siya: bakit di mo na ako kinakausap?

mr. tuesday: ewan. nahihiya ako sa ‘yo.. di ko talaga alam kung bakit

siya: weird.

ayun.. wala lang.. magcomment kayo ng kahit ano.. ang laplayp na walang kwenta..

ang lablayp.. oops!

Posted in Pastorals on November 13, 2006 by Padre Salvi

binabalak ko na sanang gumawa ng post tungkol sa aking lablayp..
pero nandito ang buong pamilya ko..
kaya tungkol na lang sa pakikipag-away ko sa aking nanay dahil sa computer..

maikling post lang to!
(sowee pala at di ako nakakabisita kasi busy lang po.. enuff para bumoto at gumawa ng post na ito..)

ayun.. nanood na nga ako ng amazing race..
at nadisappoint ako at sinabi nila sa preview na maghihiwalay na ang cho brothers at bama alliance..
huh? hehe..
maka cho-brothers ako! pakialam ko kina bama..
di sila kawalan..
dun nalang ako sa barbies at sa mga adik na kaibigan ni aras..
hehe.. di kayo nakarelate no!
kaya punasan niyo na ang noses niyo (dahil sa nosebleed)
at eto na ang kwento..
ayun nga! natapos ako manood..
naisip ko na gagawin ko pala ang physics assignment ko..
di ko naipasa kanina..
(kasi di ko ginawa at di ako umattend ng klase kanina)
ok lang.. malakas naman kami dun eh..
ayun nga..
nung gagawin ko na..
nagcocomputer si mama..
binubook nga niya ung hotel sa hongkong..
hehe.. nainis lang ako nang hindi niya ako pinagamit..
(sinasabi niya ngaun na babawasan na ang baon ko dahil kasasabi lang sa news flash ang rollback ng pamasahe)
as if naman susundin iyon ng mga tusong drivers..
bak to the kwento..
ayun nga.. naibook na niya..
pero humirit pa! kailangan niyang malaman kung saan ang hotel..
eh ayun! with the help of me, nahanap namin ang website ng kanilang hotel!
grabe.. sa sobrang tagal niyang binasa yung webpage na mas mahaba pa sa blog post na ito eh makakabisado ko na yata un! hehe..
tapos ayun na nga! ung mapa papunta dun sa hotel..
saka niya lang nalaman na malapit ito sa train
(sinabi ni papa na ang lahat ng hotel dun ay malapit sa train)
at sa airport.. hehe
(kung sakaling mahuli ako dun.. takbo agad sa airport)
parang ang kulang na lang sabihin
ma, maggoogle earth ka na lang kaya..
(sa isip ko lang sinabi un!)
hehe..

LAB YU MA! HEHE!

ayun.. pero kung gusto niyo ng kwento ng lablayp ko! rekwes niyo lang sa comments box na ito..
at saka pala! may napili akong titulo para sa sequel ng el fili! ang title ni deejay.. with matching explanation pa kanina sa skul.. maganda ang plot! medyo kopya lang ang title pero ok na un!

ang tae, ang el fili at dalawang paepal

Posted in Pastorals on November 11, 2006 by Padre Salvi
Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga sumuporta sa
akin.. Lalo na sa aking mga kampanyador na sina
Dianne,
Aia
at Kim
at .. pati dun sa mga frequenters sa ym na kinukulit ko
sa pagboto sa akin.. kay
Denib
, na kahit kalaban ko ay sumusuporta sa akin.. dun sa
mga nasa links ko na bumoboto sakin (di ko na maisa-
isa). at sa mga co-nominees for a good sport.


ang tae
“ay tae!”

nasabi na lang ng aking kaklaseng di ko na papangalanan dahil sa maidadagdag na kahihiyan sa kanya..
naikwento sa akin ang likod ng kanyang kakaibang experience
ang kanyang pinakamalas na araw
pumasok siya sa iskwelahan at umupo sa kanyang tinatambayan tuwing pre-flag ceremony..
pagkaupo niya ay nagsalita agad siya..
“sino nakaapak ng tae! ang baho!”
nagtinginan sa kanyakanyang mga sapatos ang mga tao..
wala naman! pati siya wala rin!
(nagtataka ka kung bakit walang nakaapak? tune in pa)
magsisimula na ang flag ceremony..
napansin niya na humahabol pa rin sa kanya ang makaalibadbad-ilong na amoy..
paghawak sa kanyang pantalon..
“ay tae”
kakaunti pa lang ang nakakaalam..
madali siyang pumunta sa cr..
upang ilabas ang kahihiyan..
ngunit hindi siya nakatakas sa kamandag ng tsismis..
at siyay pinagtawanan..
parang placido penitente..
di pa siya nakawala sa malas..
sadyang natapon ang kanyang baon
at siya nanamay pinagtawanan
parang placido penintente..
-the end-

ang el fili

naaliw na naman ako sa el fili..
nabasa ko na hanggang -di ko na alam-
siguro naman ay nakabasa na kayo ng kahit isang chapter ng el fili..
or alam ang outline nito..
pero may naiwan akong tanong..

pakilagay na lang ang inyong mga sagot sa comments box na haloscan..

sino ang inyong mga paboritong character sa el fili?(1 bida at kontrabida)

kung sakaling nakagawa si Rizal ng sequel ng el fili, ano kaya ang title nito?

At sino sa tatlo ang bida? Isagani, Basilio, Placido

ang dalawang paepal

kaya niyo yan? (si aras po iyan)