kantang pinapatugtog: pag-ibig na kaya by christian bautista and rachelle anne go
nakuhang impormasyon: Yahoo News: Korean Soaps gaining search popularity
higit apat na taon na rin akong dinala ng jeep papuntang school, pauwi ng bahay, paggala sa mall, pagpunta sa kung saan saan.. sa rami ng jeepney adventures ko ay di ko na maikwento lahat.. basta.. we are talking about jeepneys! hehe..
kaninang umaga ay medyo maaga akong pumasok.. naabutan ko ang jeep na babandera na (ayun ba yung tawag? basta ung paalis pa lang).. nakakabadtrip na umupo ako dun sa harapan at napagitnaan ng naninigarilyong driver at pasahero.. nakakainis.. nasa makati boundary na ung jeep! sabi nga eh… love this city, smokeless makati! hehe.. napalitan naman siya nung magseaseaman na estudyante.. nagagandahan ako sa uniform nila.. lalo na kapag pilot.. (actually di pa ako nakakakita ng nag-aaral sa pilot school at kung ano ang uniform nila).. tulad ni arnel, parang gusto ko na rin magpilot.. pero mahal un.. kya stick to pursuing U.P pa rin ako ngaun.. wala lang.. balik sa jeepneys..
basahin niyo na lang ang part ng bakit baligtad magbasa ang mga pilipino? by bob ong para malaman ang klasipikasyon ng mga jeepney drivers.. at dahil nga sa sobrang expert commuter ko.. di lang mga iyon ang mga naencounter kong drivers..
meron ngang nag-aalaga ng bata.. as in nagpapatulog talaga siya ng 2 year old habang nagdadrive. meron namang isa, as in family reunion ang jeep.. nandun ang buong family nia.. hehe.. nothing to say because we do not know their situation..
eto ang malupit na driver, kaming magkakaibigan eh maarte sa jeep.. ayaw namin ng masikip.. maliban na lamang kung emergency at nagmamadali na kami, pinipili talaga namin ung maluwag.. eh this driver, siya na ung susunod sa pila.. sakto nga lang ung nsa naunang jeep, kaya dun na kami sa jeep niya sana sasakay.. eh, ewan ko kung anung sumanib sa driver na yun na ayaw kming pasakayin.. buti nga eh.. pinipili na nga namin yung jeep niya para skyan namin.. grabe talaga.. may karapatan naman kaming pumili ng sarili naming jeep na sasakyan.. di raw niya kami papasakayin sa jeep niya, dun raw kami sa next.. kaya umalis na lang kami.. siya naman yung nawalan eh..
nakakainis din ang mga driver na sobrang takaw sa passenger.. duh, 8.8 million na ang population natin.. di ka mauubusan ng pasahero.. para na ngang prinsesa’t prinsipe ung mga tumatawid ng highway, bumababa ng overpass, naglalakad sa eskinita kasi super inaantay talaga sila nung driver.. ang nakakainis pa lalo eh kung di pa sasakay ung inaantay nila.. super late ka na sa pupuntahan mo..
enough with the drama.. eto ung mga signs na nakikita mo lagi habang sumasakay ng jeep..
- pull the string/button to stop - di ko sinusunod to.. nag papara pa rin ako..
- In God We Trust - we have a strong faith in God.. Keep it up jeepney drivers!
- God knows HUDAS not pay - a typical pun.. umamin na! sino na nakapag-123? ako! nag123 many times..
- basta driver, sweet lover - hehe, true kaya ito?
- no id no discount - grabe! di naman natutupad.. tagal ko na kayang walang id.
- kung nais mo ng romansa, sa driver ka sumama, jingle lang ang pahinga - cool! hehe..
- subukin mong ako’y ibigin, kapag ikaw ay nabitin, saka mo ako sisihin - hehe..
- pag-ibig ko’y iyo, katawan mo’y kunin mo, wag lang ang kita ko - siyempre, basta driver, sweet lover nga eh
- Diyos ko, ilayo mo po ako sa di nagbabayad na pasahero - hehe..
- yan ang pasahero, sa pasahe alisto, nagbabayad ng husto
- don’t knock, don’t say pssst, say parahhh - merong taga-maksci na talagang sinunod ito, as in malanding version talaga.. pinagtinginan siya ng mga tao.. namumuro na rin siya sa driver kasi maingay niyang dinidiscuss ang performance ni geoff eigenmann sa hiram..
dagdag pa kayo kung may kulang pa! hehe… ano ba ang pede tips sa pagsakay sa mga jeepney at mga moral na matututunan sa jeep..
- tuwing umaga, magbayad ng malaking amount para ibalik ng driver ang pera sau kapag bababa ka na kasi walang panukli..
- tandaan na kung mag-isa ka lang, wag magbayad ng bente kasi may chance na di ka mabigyan ng sukli..
- isigaw ng full force na estudyante ka para walang rason ung driver na di kau bigyan ng discount
- kung di ka makasalita ng “para”, tumayo ka na lang para tumigil ang jeep.. in this way, titigil ang jeep at makakababa ka na
- kung gusto ng fun habang nagbabayad.. gayahin ang technique na ito may dalawang babae at isang lalaki.. ung lalaki nagbabayad.. lalaki: bayad po, isang pangit, isang mataba, isang pogi! hehe..
- matuto ka ng acrobatics at martial arts kapag nag-aagawan na ng jeep..
magdagdag pa kayo! hehe..