Usapang Jeepney 2

Nabasa niyo na sa USAPANG JEEPNEY (or kung hindi pa, optional kung babasahin mo muna ito) ang aking mga hinanakit tungkol sa mga baggage boy na driver, mga burloloy sa jeepney at mga experiences na hindi malilimutan. Ibinabalik ko ang usapang jeepney para pag-usapan naman ang mga spiderman. Di mo kilala si spiderman?

Spiderman (spay-der-man) n. – isang barker-slash-konduktor-slash-muscleman-slash-accountant-slash-stunt man-slash-everybody’s friend-slash-diktador ng mga pasahero.

May iba’t ibang klase ng spiderman. May bata (umaabot ng 10 years old) at di lalagpas ng mga 45 years old (duh, muscleman at stunt man nga eh. kelangan strong). Tinatamad talaga ang mga jeepney drivers sa amin kaya nangangailangan sila ng mga spiderman nila. Actually, beneficial ito para sa lahat. Kasi…

  • Makakapagconcentrate ang driver sa kanyang dinadaanan. Iwas aksidente.
  • Maibabalik ang sukli mo sa bente dahil si spiderman na ang iintindi sa bayad mo.
  • Si spiderman na ang aawayin mo kapag may problema kaya pwede mo na siyang sapakin without the cost of an accident.

Anyways, nainspire akong gawin ang post na ito dahil sa spiderman namin kanina. Siya ay nakasuot ng asul na t-shirt na may butas sa kilikili. Hehe. He is truly a stuntman kasi naman naka-57 (exagg.) poses na siya sa baras ng jeepney. (As we all know, kung saan matatagpuan ang mga spiderman). Ako na nga natatakot para sa kanya. Kasi ba naman, nag-140 mi/hr na yung jeepney tapos ang hawak lang niya dun sa baras eh parang nakacling lang ung wrist niya dun. (breathe naman..)

Isa sa mga di ko nakakalimutang spiderman ay yung pinakabata of all. Siguro mga 10 years old lang talaga siya (child labor). Papunta kami sa bertday ni Toni so sabay sabay kaming sumakay ng jeep. As a group accountant, ako ang nagbayad dun sa bata. Di yata nacarry nung bata yung sinabi ko.

“Bayad po, siyam na estudyante”

Grabe ba naman. Inutusan niya kami na isa isahin yung bayad. Eh nagkasuklian na kami. Na nose bleed lang yung bata sa 54 pesos na ibinayad ko sa kanya. Hehe.

18 Tugon to “Usapang Jeepney 2”

  1. hi padre salvi. magkukumpisal po ako.

    palagi nyo po sanang puntahan ang blog ko.

    nyahaha. thanks for droppin by my blog. wanna exchange links?

  2. kurokuroko, sikat ka na, di ka na kelangang mangumpisal. halika rito, dadasalan na lang kita. ^_^

    padresalvi, keep it up! first time visit ko sa blog mo eh. ^^ tnx for visiting mine.

    —–

    about the post: kawawang bata. period. ^^

  3. nuba mr. quijano! di pa naman masyado.konti pa lang naman ang kasikatan ko. tsaka mga kampon ko iyung mga iyun kaya ganun na lang ang dedikasyon nila sa blog ko. hahahaha.

  4. at UP ka rin pala. mabuhay ang mga isko’t iska ng bayan! mabuhay tayong lahat!

  5. dumaan si maria clara..hahaha.. joke lang.. this is rus..hehe.. salamat sa pagdaan father..hahaha.. sa uulitin.. may bago akong entry..hehe

  6. mukhang mas ok na hindi na ako mag-jeef.. tae naman o.

  7. kurokuroko – manyak na pari si padre salvi. wag sa akin magkumpisal. hehe. x-links accepted

    raymond – hehe. salamat. ikaw rin po. keep it up

    rus – hehe. salamat din

    paurong – spiderman nga pinakamaganda sa jeep eh. kapag nasa dulo ka, pede mo tulakin.

  8. hahaha!!! naalala ko ang mga moments natin pag kasabay ko kau umuwi.. haha!! :P ang sipag mo magblog!!! ang galing!!!

  9. batopik – ganun? hehe.

  10. aba’y mga UP-ians pala ang mga ire. (chanting) U-nibersidad ng Pilipinas, U-nibersidad ng Pilipinas (manalo naman kayooohh, manalo naman kayoooh…) hehe. Go UP!

  11. kurokuroko – hehe.. go up. matatapang, matatalino, walang takot kahit kanino, hindi, hindi magpapahuli. ganyan kaming mga taga-up! hehe

  12. Uu nga. Ako, sanay na ako sa mga Spiderman na yan, kasi laging may ganyan sa mga sinasakyan kong jeep. Minsan nga, nagpapagising ako sa kanila kapag nakakatulog ako sa jeep. Hehe!

    KIAN! LET’S GO!!!! Haha!

  13. ahahaha.. nakakainis lng kapag naninigarilyo ung mga spiderman! hahaha… filing ko talaga si tanggal na mamayang gabi si jasmin.

  14. ui padre salvi! ano ba!!!!

  15. laughtrip yung kay spiederman!!!

    padre salvi, add nyo naman ako sa site lists…salamat po.

    Amen

  16. huhuhu may ipis kanina sa sinakyan namin na jeep ni niko! umiyak ako. :( (

  17. ui, daan ka sa blog ko tas comment ka na rin. :)

  18. jhed – mabait na spiderman yun.. hehe.. go kian! hehe.

    batopik – tama hula mo! hehe. sana si bea sumunod

    paurong – ano rin ba? hehe.

    cielo – ok. no prob.

    nika – bihira lang yun ah. kadiring jeep siguro yun.

    batopik – ok. sige ba.

Mag-iwan ng Tugon