A looooong hiatus awaits..

Na-ring ang big red phone sa bahay namin. Dala ni Big Brother ang isang BAD NEWS.

Magkakatrojan ang computer niyo!

Ayun nga. Ipapaayos nga namin si Compy. Ipapareformat. Nagkasakit ang bestfriend kong si Compy.  HuHuHu. Ipagdasal niyo naman si Compy na sana gumaling na siya agad.

Anyways. Punta na naman tayo sa topic na favorite ko, ang PINOY BIG BROTHER.

Nung Sunday nga ay naalis itong si Jasmin. Not much to my dismay, si Bea naman ang nakareceive ng seventh call. Automatic Nomination. Si Dionne ay may hinaharap na kaso ng violation. Sa tingin ko ay Not Guilty tong Lovable Sweetheart na ito dahil mas kinakampihan ng mga housemates itong si Dionne dahil sa rudeness ni Zeke. Mainit na nga itong usapan sa aming classroom (Syempre, led by yours truly). Inilabas na rin kagabi ang second set of nominees. Sina Bea, Zeke, Dionne, Gee-ann at Wendy. Inirerekwes ko na kahit sino ang iboto maliban kay Bea. Bakit si Bea ang dapat maalis?

Nominees:

  1. Zeke - Bukambibig ng mga tao dahil sa kanyang mga issue towards her behavior and rudeness sa mga babae. Nalilink kay Dionne kaya dapat siyang mag-stay pa ng mas matagal.
  2. Dionne - Paano pag-uusapan si Zeke kung wala si Dionne. Si Dionne at si Zeke ay magandang topic kapag nabobore kayo. Maganda pa panoorin ang mga scandal nila. Tulad na lang ng Chocolate Scandal.
  3. Gee-ann - Marami siyang fans saka humble saka maganda.
  4. Wendy - Para marami pang away to look forward to. Maganda rin siyang tingnan with Robert.
  5. Bea - Parang nanay na walang kaaway. Boring sa mga discussions. Wala masyadong impact.

Ayun. Si Bea ang natira.

Dun naman sa issue ni Zeke at Dionne. Nakakainis lang si Zeke kasi inilalaglag niya itong si Dionne. Halatang gusto rin ni Zeke itong pinaggagagawa ni Dionne pero pagdating sa reasoning out, nagmamalinis siya. Nakita ito ng mga housemates kaya siya ang nakakuha ng may pinakamaraming puntos. Isang example na ang chocolate issue. Pinapakuha ni Dionne ang Chocolate na nasa bibig niya kay Zeke dahil mahuhulog na ito at mamamalantsa siya. Si Zeke naman na parang gustong makipaghalikan ay kinuha ang chocolate sa pamamagitan ng bibig. Pwede namang kamay ang gamitin niya. Nakita pa ito ni Jasmin na nagpalaki nitong issue. Ayun.

Kayo, sino kinakampihan niyo sa dalawa?

15 Responses to “A looooong hiatus awaits..”

  1. tim ang Says:

    hindi ako naniniwala na si bea nag maalis.
    laban tayong mga bea-tics!

  2. katrisha Says:

    uu.auko si bea ang maalis.kamukha ni mam peteza yan eh.keia hindi pwede!!!laban tayo!!!

  3. katrisha Says:

    buti c jasmin ang natanggal.hate her sooo much.^____^

  4. ikay Says:

    ..can’t relate. di na ako nakakanood ng tv e. haha

    la pa ako sa link mo. T_T

  5. Donya Quixote Says:

    di rin makarelate! waaaah i’m so buloook

  6. camille Says:

    ui ui! andito na ko. haha. palagay sa link mo ah. haha.

    anu nga pala, wala akong masabi sa post mo. haha. hindi naman kasi ako nanonood ng PBB. pero ayon sa naririnig ko, gwapo daw c zeke. haha. aun lang.

  7. paurong Says:

    kawawa naman si compy mo.. huhuhu.. gaano naman katagal yan..

    i hate nel and bruce. wah.

  8. billycoy Says:

    mabuting mawala na nga yang si zeke, sumpain siya!

  9. Padre Salvi Says:

    tim ang - i hate bea-tics. ko ezekielites and dionnatics.

    katrisha - kahit si kris aquino pa kamukha niya. basta. si bea ang maaalis

    ikay - hehe. i convince you to watch PBB! hehe. sige po ililink ko na po kayo

    donya quixote - ganun? nood ka naman kahit once lang..

    camille - oo kasi kamukha ko raw yun. kaya gwapo talaga siya.

    paurong - ayos si compy kahapon. It’s a miracle!

    billycoy - sana magstay pa siya para may sumpain ka pa!

  10. Reyna Juana Says:

    mahal ko na si bruce at nel. hehe. isang putol na joke. jo!

    haha. ang korni ko.

  11. Reyna Juana Says:

    dionne. forever. for life. hehe. adik na ko.

  12. Miko Dela Cruz Says:

    Hindi ko sila kilala!

  13. Padre Salvi Says:

    reyna juana - isang mahabang joke.
    jooooooooooooooooooooooooke.

    miko - hehe ok lang. pero try niyo pong manood kahit one time lang.

  14. kat Says:

    pareho akong naiinis kay zeke at dionne hehe! pero mas nakakainis si zeke. :D

  15. Padre Salvi Says:

    kat - ok lang yun. hehe. kaya nga naging imelda siya eh.

Leave a Reply