Da Junyor Eygent
Posted in Kathang-isip, Le Cinema, TV on March 31, 2007 by Padre Salvi
Name: Agent P726 a.k.a Padre Salvi
Position: Junior Agent of the Central Intelligence Agency
Mission: Find the person behind the voice of Big Brother
by being a Big Brother Housemate.
Joke lang. Si Agent Cody Banks played by Frankie Muniz ang nasa picture. Kung hindi niyo pa napapanood, si Agent Cody Banks ay isang 15-year old CIA agent. Actually may Agent Cody Banks 2 pa. Hindi na ako magsspoil ng kwento. Panoorin niyo na lang ang Agent Cody Banks sa AXN (pakalat kalat ang sked kaya better watch AXN kung anung sked niyo siya next mapapanood). Yung 2 naman, sa Star Movies.
Patuloy tayo sa topic ng pagiging agent. Napansin ko sa movie na ang isang agent ay matalino (check?), madiskarte (minsan?), at masikreto (hindi!). Napansin niyo na di ako sure na meron akong qualities na ganyan. Pero malay niyo, niloloko ko lang kayo na hindi ako ganyan. Yun pala Philippine Junior Agent of The CIA na pala ako. Ang mission ko pala ay maging PBB housemate kasi kinokontrol pala ni Big Brother ang mga utak ng housemates using a mind controller (dun sa Agent Cody Banks 2 nanggaling ang idea). Baka naman meron na pala akong spy na nagmamasid sa bawat kilos ko at binabasa ang mga post ko. Wah. Isusubmit ko na ang mga I.P addresses niyo para matrace ko na kung sino sa mga links ko ang espiya ko pala.
Dun naman sa movie, nakahalik na si Frankie Muniz ng isang Hilary Duff at isang hindi ko kilalang babae mula sa ACB2. Nainggit nga ako kanyang kagwaphuan, kamandag at coolness kasi kahit kinse anyos pa lang yun, nakahalik na yun ng mga babae. Hindi lang yung tweetums na parang sa mga About your Love (mga tipong Rayver-Shaina), pero yung kiss na parang nilalasahan mo yung buong labi niya (masyado pa silang bata para sa french kissing) . Na-amaze din ako sa kanya kasi marunong na siyang magdrive! Wah. Kailangan ko na ring matuto para maitakbo ko na ang crosswind namin at mapaikot ikot sa University Oval.
Hehe. Naisip ko nga kung magkakaroon pa uli ng pangatlong Agent Cody Banks eh magmumukha na itong James Bond kasi malaki na itong si Frankie ngayon. Baka hindi lang mga patweetums at pacute na kiss ang gawin niya. Baka talagang i-French na niya ang partner niya. Matalo pa niya si Pierce Brosnan. Naisip ko rin na kung hindi na siya mag-aAgent Cody Banks eh siya na ang papalit kay Daniel Craig (na hipon, kasi ang tanda ng itsura. katawan lang ang kailangan mo) bilang James Bond.
Naisip ko nga na kung member ka ng CIA, ang daming uber cool gadgets na makukuha mo sa kanila. Yung cellphone na nagiging sniper saka password detector. Saka cool pa yung mga kotse at mga headquarters nila. Ang cool rin na may access ka sa Pentagon at kung saan saan pang mga lugar na headquarters pala tulad ng basement ng Smokey Mountain (ay, nasabi ko. Pero try niyong pumunta dun. Di niyo alam kung saan ang entrance). Ayan, pinapatawag na ako ng aking partner mula sa aking watch-slash-communicator with over 578 uses sa aking mission. Sige.




