Monthly Archives: April 2007

Nagkaroon ng racism sa Big Brother Slovenia including our own Bruce. Don’t worry at nabigyan naman ito agad ng kaukulang parusa. Nagkaroon ng forced eviction si Pero samantalang automatic nomination naman ang kay Miha. Sinabi kasi ni Miha, in a joke, na wag raw maligo si Bruce sa Jacuzzi dahil baka maging brown ang tubig nito. Si Pero naman ay sinabing isawsaw ang daliri nitong si Bruce sa gatas upang maging Chocolate Drink ito.

Sabi nina Miha at Pero, joke lang iyon.. payag ba tayo dun?

~~~

Super borlog = fondness of sleeping…

Natuwa ako sa chant na imbento nina Bodie. Kung di kayo nanonood ng PBB, si Bodie ay ang anak ni Pip/Tirso Cruz III. The task was actually doing a song for Tina, the PBB Swapped housemate. Bigla na lang nag-emerge ang chant na..

Super Borlog, Super Borlog, Chos! Chos! Chos!

Chos = peyb expression ni Tina

Well, di natin masisisi ang mga borlogs. Nakakatamad naman talaga kapag walang mgawa. The best way to let time pass eh matulog na lang.

~~~

Walang naalis sa American Idol nung Thursday. Sana naman eh si Lakisha at Phil ang maalis next week. (You’re right! Double Elims sa Thursday next Week). Kahit sa Top 4 lang na makapiling natin si Blake at Chris, dahil ang hula ko’y si Melinda at Jordin ang maglalaban sa finals. Maganda naman ang naging resulta ng Idol Gives Back. Pero wala nang tatalo sa the best night ever ng American Idol 5 Top 7 Performance Night. Yun pa rin ang favoritest performance night ever.

Anlakas din ng convincing powers nila kasi nakakaawa yung mga taong fineature nila sa nasabing show. Kung makakapagdonate lang ako eh nagdonate na talaga ako. The best talaga ang powers nitong si Ryan Seacrest na wala nang ibang sinabi kundi magdonate ng magdonate sa kanila. Haha.

~~~

At the same time, non eliminating leg ang nangyari sa Macau, China kamakailan sa Amazing Race All Stars. Sina Oswald and Danny (OD) ay Marked for Elimination sa susunod na leg. Sa simula ng leg ay sila pa ang first place pero nakarma yata sila ng Yield. Umariba kasi ang mga Yield Queens na sina Dustin and Kandice (DK) at pinatulan ang deal nina Ozzy at Danny na pagyiyield ng isa pang team kapalit ng kanilang pera (Naubusan kasi ng pera ang OD). Ang napagdiskitahan ng DK  ay itong si Eric and Danielle (ED) na aking bets kaya naman itong si Eric eh galit na galit sa OD. Worse, binago ng DK ang kwento, implying na ang OD mismo ang nagdecide na i-Yield ang ED. Ang true story ay, pinapili ng OD ang DK kung sino gusto nila i-yield, thus, DK chose ED to be yielded. Haha. Ang resulta’y DK - First, Charla and Mirna (SUPER BETS) - Second, ED (They were actually second but because of the 30 minute penalty of Marked for Elimination, CM catched up) - Third and OD - Last. Spoilers say that the next destination will be Guam, another TAR first.

Lumabas na nga ang resulta ng aming schedules kahapon sa CRS. Nainis nga ako at sinabi nilang ala singko ang release, alas siyete na eh wala pa. Nainip ako at inalam na lang ang resulta kinabukasan. Tapos, pagbukas ko ba naman ng account ko, nalaman ko na sa block G-17 ako inenlist. Nainis ako dahil PE lang ang schedule na enlisted ako, the rest eh wala. Wala. Nag baka sakali ako na mapunta sa block G-18 pero wow naman the demand. Di ko carry. Kaya ayun. Ako ngayon itong Blockless. Inis ako sa sarili ko. Imbes na OK na ang schedule ko ngayon, di pa rin sure.. Sa May 1 pa.. Nako..

Kaya ngayon eh binubuhos ko na lang ang aking inis sa triplejack poker. Goal ko ang maka 50,000. Haha.

Isang Corny Joke.

Ano ang paboritong banda ng mga Isko’t Iska?

Answer: Maroon 5. *

Bigla na lang sumambulat sa’kin ang video ng unang single ng bagong album ng Maroon 5, I Won’t Be Soon Before Long, ang Makes Me Wonder sa MTV. Pero sa May pa raw irerelease ang album, pinasasabik lang tayo. Anyways, napanood ko nga yung video in front of my mum. Gusto ko na sana ilipat ang channel kasi alam mo naman yung format ng vids ng M5. Pero glad to say na hindi ako mababan sa MTV dahil dun sa video na iyon. Haha.

Nagustuhan ko ang M5 simula nung This Love. Masasabi niyong mahilig ako sa mga uhm.. dahil hindi ko sila naging fave nung Harder to Breathe days pa nila. Masasabi niyo ring ang mga nagpaparami ng mga fans ng M5 ay ang mga style nitong si Adam Levine sa pagpapasikat ng mga singles nila. Pero hindi lang sa mga videos nagiging kontrobersyal ang M5, pati rin sa kanilang mga double meaning na mga kanta. Eto example:

My pressure on your hips.. Sinkin’ my fingertips into every inch of you..

- This Love

 

I want to dive into you
Forget what you’re going through
I get behind, make your move
Forget about the truth

- Makes Me Wonder

Oy, hindi lang dahil nakakaintriga ang mga scenes ni Adam kaya gusto ko sila. Magaganda kaya ang mga kanta nila! The Best! Kung papanoorin niyo ang vid ng Makes Me Wonder (search niyo na lang sa youtube, tinatamad ako eh), nakakaaliw si Adam dun. Habang siya ay naggigitara ay perfect/bongga ang kanyang mga dance moves. Hindi nga lang talaga maalis ang mga sexy girls na laging nakapalibot sa kanya. Nung kinakapkapan ba naman siya ng mga airport securities (na sexy babes) eh kapkap sila talaga na parang alam niyo na..

Nagnilay-nilay ako kanina tungkol sa moves nitong si Adam tapos naisip ko bigla ang ating Filipino bands. Naisip ko si Champ, na ang the best na kayang gawin eh pumasok sa isang picture frame at pa-impressin tayo. Naisip ko rin si Yael, na sobra sobra naman ang pag-acting sa videos niya, hindi kaya ni Adam ang ginawa niya habang naggigitara siya sa vid ng Tuliro.

* Kung nasira ang araw niyo ng joke na ito, punta sa comments box and type Bato<space>Kamatis<space>(bakit niyo ako binato ng kamatis?)<space>-slash-<space>violent reaction sa post na ito.

Ang hindi sumunod sa format, kamukha ni Chewbacca.

Wala akong maipost. Kung napansin niyo, ang post na nasa ibaba ay PURE ENGLISH. First time in history to no! Hehe. Dahil wala nga akong maipost, magrereact na lang ako tungkol sa mga pinaggagawa nila sa Big Brother Slovenia at Philippines.

Ang mga housemates sa Slovenija ay hindi nating mapapagkailang liberated. Ang mga lalaki ay conscious sa kanilang abs. At ang mga babae ay busy sa pagpapakita ng kanilang mga boobs at excited laging mag nude sun bathing. Ang liit lang ng bahay nila, mas malaki pa ang dating Big Brother house ng Philippines. Magandang choice si Tina sa swap dahil may boyfriend na ito. Masyado kasing agressive ang mga babae dun. Nanganganib na nga ngayon si Bruce na ma-rape eh. Lalo na itong si Jasmina na nakipag-sex na sa isa pang evicted na housemate. Haha.

Sa Pilipinas naman eh napaka-OA ni Wendy na feeling niya eh kakatayin na si Bruce. Hindi naman sila, M.U siguro, pero bakit naman si Say at JB nun? Sila na nung naghiwalay sila ng landas, hindi ko naman nakita si Say na ganun eh.. Nako, Wendy. Actually, wala namang excitement ang mga gagawin ni Tina dito. Ang nakakaexcite eh ang mga mangyayari kay Bruce dun.  Diba? Hindi naman rereypin si Tina nina Mickey at Bodie. Magtuturo lang ng kung anu-anu si Tina sa kanila. Nako. Sana nga magpalabas na sila ng clips sa Primetime kung anung nangyayari kay Bruce para masaya ang buhay natin.

English na nga pala ang website ng Slovenian Big Brother. Punta na kau sa http://www.bigbrother.si para sa latest happenings. Pero kung gusto niyo ng fun, dito na lang kau pumunta. http://www.24ur.com/bb.

Mag-iisip pa ako ng ipopost ko sa Wednesday. Kaya eto muna ang maibabahagi ko sa inyo.