Of Foods

Kanina ay umarangkada na naman ang trip ni Mama na bumili ng aming “favorite lugaw” na mabibili sa Aling Tessie’s Lugawan dun sa may Pateros. Gumising ako (Hehe, ang totoo eh ginising ako ni Mama,) para samahan si Papa pumunta dun. Tapos dederecho na ako sa school.

Kami ang pamilyang pare-pareho lang ang mga kinakainan. Hindi niyo kami makikita sa mga di kilalang restaurant. Hindi niyo kami makikitang kumain ng mga kakaibang pagkain tulad ng Escargot (Kuhol lang kinakain ni Mama at Papa, dun sa eat all you can), Duck (Duh, chicken na lang. Mas masarap pa!) at Foie Gras (Goose liver, yuck!). KFC, Kenny Rogers, Max’s, Jollibee, Pizza Hut, Greenwich, Chowking, Eat all you Can, Lydia’s Lechon, Buddy’s, Wendy’s, McDonald’s at Goldilocks. Hindi naman nakakasawa eh. Kung gusto niyo kaming makita, punta lang kayo every sunday sa food court ng SM Makati. Hanapin niyo lang ang mga lumalafang ng Jollibee, Lydia’s Lechon at Buko ni Fruitas. Kami yun. Hehe.

Balik tayo dun sa lugaw, kapag napagtitripan ng ni Mama na kumain ng Lugaw sa Pateros, dun kami sa McDonald’s Pateros kumakain. Anung konek? Kasi, ang aking bunsong kapatid na fastfood loyalist eh gusto magtry ng pancakes. So, we just buy our Lugaw at Aling Tessie’s (katapat lang ng Mcdo) and then use the styrofoam plate of the pancake (Kasya ang isang plastic ng lugaw, approximately 2 1/2 sandoks, sa styro ng pancake) para lagyan ng lugaw. Presto, walang aangal, hindi mainit, busog ang lahat. Anung pakialam ng mga crewmen ng Mcdo sa kinakain namin? Bumili kami ng panckes sa kanila! Heh.

Medyo namiss ko nga yung tandem ng Lugaw at Hotcake kaya nagawa kong magtake out ng isang Lugaw na may Itlog at isang Pancake Value Meal at kinain ito pagdating sa school. Siguro may dalawa o tatlong nagsabi sa akin na “May lugaw sa Mcdo?”. Napa-oo na lang ako.

~~~~~~

Naupload na ni Janica, Kim and the rest of the A Vision Facilitators ang A Vision 2007: An Anthology of Creative Writings na naglalaman ng mga poems, essays at artworks ng mga students mula sa Philippines, Paksitan, Lebanon, Jamaica, Ghana, Ukraine, Syria, Austria, Belarus, Sri Lanka, Russia at India. Dalawang poem ang nakalagay dyan na gawa ko. Hanapin niyo na lang ang Randomization of my Mind at Le Hibou. Upang puntahan ang site, click here. Puntahan niyo ito. Di kayo magsisisi.

13 Tugon to “Of Foods”

  1. huwaw! pari salvi, punta ako dun ha. tirhan niyo nalang ako… favorite hobby ko ‘yan!– kumain! haha!

    http://alamatnglapis.wordpress.com

  2. nakaka gutom.

  3. aaah yea, lugaw is good. nung una yoko kumain nang lugaw kasi nga para bang “barf” yung itsura pero natuto rin ako at ngayon, I like it. tis very tastey. and pancakes? gusto ko lang pag may halong fruits. di masarap yung plain eh, diba? LOL

  4. wa.
    alis na tayo.
    kain na tayo ng lunch.
    alis na tayo ngayon.
    bilis.

  5. i dont know why people like lugaw :| pag kumakain ako nun parang nasusuka na ko :|

    hello, padaan alng :)

  6. mr. pencil – hindi halatang hobby ko rin yun

    ikay – hehe. naisip ko na yan.

    keekee – ang sosyal mo namang kumain. ako kahit puro plain lang lahat. pero mas gusto ko may itlog sa lugaw ko at may maple syrup sa pancakes ko.

    reyna juana – nauna na kami kumain sa inyo

    karla – hehe. masarap kaya ang lugaw. wag lang masobrahan kasi nakakasawa siya. saka pangit siya kapag malamig.

  7. gutom na ko..

  8. kuya west – kainan na!

  9. shoowariwap Sabi ni:

    infairness, peborit din ng family ku ang lugaw mula sa Aling Tessie, lalu na after simbang gabi!

  10. malay mo, one day habang nanonood ka ng tv, may bagong commercial ang mcdo. introducing “Mc Porridge”. hehehe.

  11. melvin – tama! hehe.

    elmo – hehe. pwede. ako endorser. joke.

  12. punta nga ako senyo nang matikman ko yang lugaw na yan. masarap yang higupin habang nanonood ng queer as folk. hahaha!

  13. jonell – malayo pa rin samin yun (pateros)

Mag-iwan ng Tugon