Isko.
Posted in UP on April 5, 2007 by Padre SalviJuly 29. Una kong tapak sa UP nun. Wala akong kamalay malay kung nasaan sa mapa ng Pilipinas ang UP maliban sa alam kong nasa Quezon City ito. Malay ko ba. Taga Taguig ako. Sumama lang ako kina Denib para makita kung saan ako kukuha ng prestigious, notorious at dreadful na UPCAT. Nakita ko nga ang College of Business Administration, pati ang driver ng Bulldozer na gwapo (sabi nung mga kababaihang kasama ko). Nakakakita kami ng itim na pusa. Na-flatan ang UP Pantranco Jeep na sinasakyan namin. May buntis na nang-agaw ng pwesto namin sa elevator. Kinakabahan na ako.August 5. Alas kwatro pa lang eh gising na ako. Ang akala kong isang oras naming biyahe eh 15 minutes lang pala sa Katipunan. Nakarecib ako ng mapa mula sa Alpha Phi Omega. Kewl. Ibinaba kami ni Papa sa Institute of Chemistry. Iniwan ko si Andrea sa Palma Hall. Ako nama’y tumahak sa medyo madilim na gusali ng Palma Hall Annex, patungo sa College of Business Administration. Marami-rami na rin ang nandoon. Hinahanap ko si Sarah at Kenneth na aking building mates. Nakita ko naman sila.
Nosebleed ang UPCAT. Nawalan ako ng pag-asang makapasa. Dumaan ang mga araw. Enero na pala.
|
Student Number |
Name |
Campus |
Course Qualified |
|
2007-16083 |
DAYANDANTE CARL JOY DAVID |
DILIMAN |
BS ELECTRONICS AND COMMUNICATIONS ENGINEERING |
Kumalat ang balitang nakalabas na ang resulta ng UPCAT. Nagtalunan ang mga pumasa. Hindi ko pa alam ang sa akin. Ayun. Lumabas yang nasa itaas. I can’t believe it.
Tuwa, Lungkot, Hinanakit, Pagkawalang bahala, Pagdaramdam, Pamumumuri, Pang-iinsulto. Naglabasan ang mga iyan noong lumabas ang resulta.
Naramdaman ko ang pagka-inis para sa mga nang-iinsulto sa UP. (Isa sa mga kaklase ko). Naiinis ako sa kanya dahil puro masasamang bagay lang tungkol sa UP ang naririnig ko mula sa kanya. Kahit papaano’y magiging parte rin ako ng iskwelahang sinisiraan niya. Naisip ko. “Hindi lang siya nakapasa, grabe na insulto niya. Walang laban ang iskwelahang ipinagmamalaki niya no.”
Totoo ang mga sinasabi niya na ang UP ay puno ng mga frat at aktibista. Ang ilan sa mga istudyante raw dito ay hindi nakakatapos at nag cacall center na lang. Ang masasabi ko lang sa kanya. Walang panama ang utak niya sa mga utak sa UP. Sana’y tigilan na niya ang ganito.
Ngayon ay naghahalo ang aking mga emosyon. Nalalapit na ang graduation. Aalis na ako sa high school at magiging ganap na kolehiyo na ako. Ano kaya ang haharapin ko sa mas malaki at mas komplikadong unibersidad? Mahirap kaya ang ECE? Babagsak kaya ako sa Math 17? Makapasok kaya ako sa Walking? Maka uno kaya ako sa ibang subjects? Dun ko na kaya matatagpuan ang aking pers gelpren? Makatapos kaya ako at makapagsuot ng sablay?
UP, Here I come!




