Archive for April 7, 2007

Est-ce que vous connaissez TV5 Asie?

Posted in TV on April 7, 2007 by Padre Salvi

Walang kwentang post ahead..

Mahilig akong mag-channel surf. (technique ko rin para mapaalis ang sino mang nakikinood ng tv sa akin) Hindi nila ma-take ang bilis ng pagpapalit ng channel na incredibly, ako lang ang nakakagawa. Magkakasunod yan. Simula sa ABS-CBN, Knowledge Channel (proud watcher ng KCh!), Studio 23, Nickelodeon, ETC, AXN, Jack TV, Star World, Myx, MTV, Arirang and the last stop TV5 Asie! Dun na hihinto ang surfing.

Di niyo lang alam na super adeek ang mga Francais sa game shows. Hindi lang game shows na mga parang WoWoWee kundi mga ala Game Ka Na Ba at Weakest Link. Isa pang kakahangaan niyo sa mga game shows nila eh hindi lang basta basta improvised ang mga kagamitan nila dun. Talagang hi-tech (e.g. 360-degrees camera, super electronic buzzers with matching on-screen pointers and timers) sila. Talong-talo ang mga sensors ni Edu Manzano.

Isang nakakatuwa sa mga French ay ang kanilang malalanding dila. Nakaktuwang pakinggan ang kanilang language. Kahit siguro minumura ka na nila, parang kumakanta pa rin sila ng love song. Hehe. Isa pang trivia sa mga French ay 55% ang diversity ng mga tao nila. Makakakita ka ng singkit, maitim, blonde, red-haired at pangong French. Nabigla nga akong may negrong biglang nag “Je passe” dun sa game show na pinanonood ko eh.

Kahit ang mga ipinapalabas nilang games shows eh puro pang-utak lang, hindi rin naman nila nakalimutan ang mga physically fit. (pero kelangan pa rin ng utak eh. ipinapamukha talaga nilang matatalino sila) Isa sa mga paborito kong game shows nila ay ang Fort Boyard, na ipinapalabas tuwing Sabado ng hapon. I think 36 hours silang nasa loob ng isang “isolated castle” tapos bawat rooms nito ay may challenges to get keys. Complete ito with isang macho at isang sexy na host pati ang kanilang dwarf sailor accomplices (tagahawak ng susi). Kailangan nilang makakuha ng karampatang bilang ng susi para mabuksan ang Tiger’s Lair kung saan makukuha ang kanilang premyo.

 Halatang hindi ako adik sa TV.