Ang aking Friday the 13th sa UP

 WARNING: EXCESSIVE STORY TELLING AHEAD.

Ayoko nang magkwento tungkol sa graduation namin kahapon. Basta uber normal lang ang mga nangyari. Puro kulot pa rin ang hairstyle ng mga babae. Blue is for boys; Pink is for girls - sa Sampaguita at Corsage. Diba normal lang? Kaya ikukuwento ko na lang ang UP adventure namin ni Tim Ang kanina.

Inayos namin ang medical namin kaya we decided na pumunta doon sa UP Diliman. Mukha talaga kaming mga inosente. Kami lang ang tingin ng tingin sa labas ng jeep habang nakasakay sa UP Pantranco papuntang UPHS. Sabi ni Tim Ang, yung UPHS raw eh nasa tabi ng Shopping Center, isa sa mga alam kong puntahan dun. Tingin pa rin ako ng tingin sa daanan kasi baka lumagpas kami. I tried my best pa rin to remember the buildings para alam ko kung lalagpas na kami sa susunod.

Mababait naman ang mga tao dun sa UPHS. Carry nila ang innocence namin sa lahat ng bagay. Kahit tanungin mo pa yata sila ng kahit ano, sasagutin nila. Nakakatuwa rin na nakangiti sila sa akin kapag nakakasalubong ko sila. Actually, tapos na akong magpa-medical. Isasubmit ko na lang ang results para makuha ang aking medical certificate. Pero may problema daw sa x-ray results ko kaya pinapose nila ako sa x-ray na ala-Matrix. Cool.

Hindi pa natapos si Tim Ang sa kanyang medical kaya lumabas kami ng UP para kumain. Saka na kami kakain sa loob kapag nandun na kami. Plano sana naming mag-SM North pero tinamad kaming maghanap ng jeep kaya nag-Mcdo na lang kami, yung malapit sa Quezon Ave. MRT Station. Pero bago yun, nilakad namin ni Tim Ang mula sa Mcdo hanggang sa Big Brother House dahil hindi pa ako nakakapasyal dun. Pers taym ko makita ang BB House. Inikot namin ang ABS-CBN at pinasok ang ELJ Building. Syempre, wala kaming ID kaya inikot na lang namin ang The Loop. Grabe, ngayon ko lang nalaman na kaya pala The Loop iyon eh kasi nagloo-loop siya sa paligid ng ELJ Building. Hehe.

Bumalik kami para sa medical ni Tim Ang at habang siya’y ineeksamin, nag-internet naman ako sa shopping center. Ikinuwento niya sa akin ang Triage (Physical Exam) na pinagdaanan niya. Pasalamat akong hindi ako maggaganun. Pero sabi naman niya, masaya dun. Nakakatuwa raw na doctor si Dr. Ricardo Garcia III. Hehe. Ayoko ikwento sa inyo para mathrill kayo sa pagpapaphysical.

Naisipan naming kumuha ng Request para makuha ang Form 137 sa Registrar. Napag-alaman ko sa 2 tao na sasakay ka ng TOKI jeep para makapunta dun. Grabe, kala ko talaga naligaw na kami kasi talahiban na yung pinasukan ng driver. Napag-alaman kong ihahatid pala ang iba dun sa Math Building, ang remotest building. Nakita kong ngumiti yung driver habang tinatanong ko sa kanya kung anong building yun. Masyado kasi kaming inosente eh. Nakarating na nga kami sa Registrar kung saan nakakahiya talagang pumasok kasi maraming Isko’t Iska mismo ang nag-aayos ng kanilang mga isasummer at clerance. (ewan ko. di ko alam ginagawa sa registrar). Naglakas loob lang talaga ako sa Guard para malaman na sa window na may pangalang ADMISSIONS ang pupuntahan. Naging maayos naman ang daloy ng aming komunikasyon at tuluyan na rin kaming umuwi.

Dahil sa adventure ko sa UP, napag-alaman kong:

  • Elibs na ako kay Curbsides dahil uber layo ng PNB sa Math Building. Nilakad niya yun. Siguro ako, hanggang Home Eco lang, pagod na ako.
  • Wag ka kakain sa labas ng UP at matutong maglakad para maka-save ng pera.
  • Maraming tao sa UP. Malalaman mo na lang na Isko/a ang masasalubong mo kung may ID siya.
  • Nakakahiyang maging inosente sa loob ng UP. Parang bata ka talaga na naliligaw.
  • Nakakatakot ang mga CR sa Diliman.
  • May chansang maging star ako sa MYX kapag pakalat-kalat ako sa UP.
  • Nakakapagod magbiyahe mula bahay namin hanggang UP at vice versa.
  • Pwede akong mag-sandals sa UP.
  • Ang cute ng mapang nakapost sa OUR. Parang pang-Enchanted Kingdom ang level. Sana magkaroon ako nun.
  • Kahit magpanggap ka pa, mahahalata kang freshmen.

Hindi halatang excited na mag-college. Kung gusto niyo ako makita. Nandun lang kami ni Tim Ang kasama ng iba pang batchmates sa UPHS sa martes ng umaga. Hehe. Sigaw lang kayo ng PADRE SALVI! Lilingon ako at lalapitan kita. Ganun eh.

27 Responses to “Ang aking Friday the 13th sa UP”

  1. West Says:

    wow… ang layo ng kinainan nyo…

  2. wanderer Says:

    oi, hindi lahat ng estudyante sa up e nagkukwintas ng id. wala lang, gusto ko lang sabihin na iska ako, di nga lang trip mag-wear ng id. hehe.
    katipunan ka ba dumadaan? sana wag mo ugaliin mag-wear ng id kahit nasa katipunan na. wala lang. haha!
    ilang araw na lang, isko ka na din! :D

  3. paurong Says:

    ganun sisigaw lang ha? makabulong nga.. anyway, ang haba ha.. uber haba .. grabe ang saya naman. sana jumoin ako para masaya. hahaha! napaka-inosente ni padre salvi. hindi mo kinuwento yung triage sa phone kagabi..

    grabe!!! yung mcdonalds na yun.. grabe!!! may bad experience ako dun. wala lang.

    na-iimagine ko pa rin ang boses mo. at ang boses ni tim ang. wah.. naloloka na yata ako.. nababaliw na.

    buti pa ako noon pang last year nakapunta sa big brother house. yehey! hahaha! go go go!

  4. Cat Says:

    Ganun naman talaga tayo diba, may mga I’m-in-awe moments talaga tayo kung makikita natin ang magiging alma mater natin.

    hehehe pero worse ang nangyari sa akin noong freshman pa lang ako sa college

    your friday the 13th didn’t turn out a bad day :)

  5. naliligaw Says:

    Ano yung Isko/a? sorry ha? hindi ko pa kasi naririnig un eh.

    Anyways, it’ll be such a great adventure in UP i bet…natawa ako doon sa sinabi mo doon sa last bullet..

    so meaning kahit na mukha akong 20 mukang pa rin akong freshman?

  6. Elmo Says:

    “May chansang maging star ako sa MYX kapag pakalat-kalat ako sa UP.”

    hehe. baka next tym, ikaw yung makita ko sa Myx commercial na bumabanggit ng “MYX vote title of the song” na mabilis. ehehehe.

  7. toniwoni Says:

    wah. pwede ba magpamed on the same day? sana pala sumama na ako sa inyo ni martin… nagpadental ba si martin dun sa mukhang psyching dentista? yung gusto ba naman akong bunutan ng ngipin… XD

  8. Elmo Says:

    ulit nga, nawala yung word na “space” eh.

    “May chansang maging star ako sa MYX kapag pakalat-kalat ako sa UP.”

    hehe. baka next tym, ikaw yung makita ko sa Myx commercial na bumabanggit ng “MYX (space) vote (space) title of the song” na mabilis. ehehehe.

  9. marijuana Says:

    dapat ngang masanay ka na sa paglalakad, pati na rin sa pagpila ;)

    pwedeng-pwede mag-sandals, pwede pa ngang naka-pambahay ka lang e (lalo na yung mga naka-dorm na mukhang bagong gising lang at wala pang ligo hehe)

    gudlak sa pasukan, bagong isko(lar ng bayan) :D

  10. toniwoni Says:

    wish ko lang kapag nasa diliman na tayong mga batchmates, huwag mo ako isnabin deba?

  11. Padre Salvi Says:

    west - oo nga eh. ewan ko ba kung bakit ginusto namin kumain dun sa malayo.

    wandrerer - anu ba link mo? anyways. mahilig ako magsuot ng ID so hindi ko magagawa ang sinasabi mo. hindi naman ako dumadaan sa katipunan kaya ok lang.

    paurong - sama ka na lang sa halfway na pinag-usapan namin. half way rin galing sa school niyo yun eh.

    cat - anu kaya iyon? sana maikwento mo sa akin.

    cielo - isko/a = mga istudyante ng UP! sosyal ka naman eh. sa america ka nag-aaral.

    elmo - sasabihin ko dito kapag ako na yung star!

    toni - oo. inisang araw lang ni martin yun. konti ng tao eh. ako nagpasa na ako ng medical results kaya sa tuesday na namin makukuha yung med cert.

    marijuana - sinasanay ko na ang sarili ko. nako pilahan. masasanay na lang siguro ako sa loob.

    toni - oo naman. kung makita kita. marami-rami naman tayo dun kaya masaya ang stay.

  12. amazingjodesz Says:

    wah.. ang saya siguro sa UP.. sana makapasok ako dun.. hehe :D
    oh sige po ah.. kpg napadpad ako sa UP (hindi ko lang alam kung kelan siguro kapag nawalan ako ng bahay at dun na ako titira) eh isisigaw ko ang PADRE SALVI!! hahaha.. :D

    nice answer nga po pala.. :D

  13. sasha Says:

    Hey, did u attend iBlog3, padre salvi? Anyway, ganda ng UP, sarap tumambay sobra hehe

    Happy weekend, Padre Salvi! :)

  14. toniwoni Says:

    joy - langya bakit di ka bumibisita sa blog ko? rarapiduhin ko ba kayo ni martin pag nag-comment kayo? hindi naman ah… love ta love yah joy… talagang diploma pa ang header ah…

  15. toniwoni Says:

    xet. dapat talaga sumama na ako kahapo, kaya lalaki pala yung doctor ke martin… never mind…

  16. mr. pencil Says:

    congrats! certified UPian ka na!! ahehe!!

    ako rin.. UPian…

    kaso local… University of Pasig… ahehe! dun din ang bagsak.. faithful sa lungsod naming mahal… ahehe!!

    Godbless sau inyong lahat doon.. magkikita rin tayo sa UP… :D

  17. paurong Says:

    wow naman.. nagpalit ng theme.. nice! i love chaoticsoul..

    nice.. ang ganda ng diploma.. tama.

    E YUNG AMIN??? LECHE. TINIPID BA KAMI?? PORKET BA 118 LANG KAMI E KAILANGANG YUNG KLASE NG DIPLOMA NG REGULAR STUDENTS ANG IBIGAY SA AMIN..
    IT’S SO NAKAKAINIS.. NAKAKAINIS TALAGA.. NAKAKABUWISIT..
    hindi kami basic curriculum pero basic ang nakalagay sa diploma..

    ASAR!!!

  18. joy Says:

    ganyan din ako ng first day ko sa up… hahaha…

  19. Arch Says:

    Haha.

    Tips on how to hide your freshieness:
    1. Huwag magdadala ng brown envelope.
    2. Huwag magsusuot ng bag na may malaking bukol.
    3. Obvious na freshie ka kung may separate notebooks ka for every subject.
    4. Nakakahiya kung tatayo ka pa tuwing sasagot sa class. Super negative.
    5. Sa tamag sakayan sumakay ng jeep. Nakakatawang makakita ng mga freshieng pumapara kung saan saan.
    6. Ang freshie ay kumpol-kumpol all the time. Try to be alone.

  20. Padre Salvi Says:

    amazing jodesz - hehe. baka di kta marinig sa super laki ng UP. tatalasan ko na lang ang pandinig ko after 3 years.

    ate sasha - anu po yung iblog3? hehe. happy weekend din po!

    toni - kasi ba naman. yung friendster account mo yung nasa link. dapat yung blog. katulad ng ginawa mo ngyon.

    ginoong lapis - hehe. UMak rin naman ang bagsakan ng mga ibang makati schools sa amin. pero kaming mga taga Maksci, bawat school yata may representative kami.

    paurong - hehe. ganun talaga. pabyaan mo na yun, may diploma pa rin eh. kesa naman ipagawa sa recto, nako.

    joy - masaya! may karamay ako.

    arch -
    Tips on how to hide your freshieness:
    1. Huwag magdadala ng brown envelope. - check. i’m not a brown envelope person. meron akong power rangers ninja storm envelope galing sa mcdo for that!
    2. Huwag magsusuot ng bag na may malaking bukol. - uhm. susubukan kong gawin. mahilig ako sa gamit eh. kahit di kailangan.
    3. Obvious na freshie ka kung may separate notebooks ka for every subject. - check. plano kong bumili ng isang binder.
    4. Nakakahiya kung tatayo ka pa tuwing sasagot sa class. Super negative. - ittry ko kasi mahilig ako mag-recite.
    5. Sa tamag sakayan sumakay ng jeep. Nakakatawang makakita ng mga freshieng pumapara kung saan saan. - check. masunurin naman akong tao eh. nung sinabe ni ate UPHS na sumakay dun sa may puno, sumakay talaga ako. bwahaha
    6. Ang freshie ay kumpol-kumpol all the time. Try to be alone. - di ko magagawa iyan. i have to be with friends! hhe

  21. sherma Says:

    naalala ko nung first time kong pumunta ng UP… kasama ko yung tita ko… nawindang ako kasi hindi sya mukhang school! hehehe…

    congrats po!

  22. Padre Salvi Says:

    sherma - hehe. di ako nagsasama ng magulang eh. pero isasama ko siguro si papa kasi sila magdadala ng perang pan-enroll ko sa may.

  23. naliligaw Says:

    sosyal daw? hindi ah, ikaw nga yun eh.

  24. Padre Salvi Says:

    cielo - nako. sosyal? nako. galit nga ako sa mga sosyal eh. except you syempre. hehe

  25. mai Says:

    ayan, naalala ko tuloy nung nagpa-physical exam din ako sa infirmatay (infirmary na sabi nila mamamatay ka muna bago magamot wehehe) natakot ako dun kasi feeling ko mate-tetano ako sa mga facilities, sana na-improve na hehe.

    uy, grumadweyt na ako’t nag-enrol uli last year pero naga-i.d. ako! may mga no i.d. no entry na kasing lugar sa peyups e. hehe

    anyway, gudlak! enjoy sa buhay sa peyups. blog hop lang!

  26. Padre Salvi Says:

    mai - nagmasterals po kau? hehe. hindi nga ako nag infirmary eh. sa labas ako nagpagamot. hehe.

  27. ian Says:

    hahaha.nkakatuwa. uy pa-link ha.thnx. enjoy mo lang pagiging freshie mo.yey! hehe
    4th year na pla ako bse math course ko kasi nasipa sa bs math.hehe

Leave a Reply