My pre enlistment blues…
Posted in TV, UP on April 19, 2007 by Padre SalviSa wakas, nagstart na rin ang Freshman Pre Enlistment ng UP Diliman ngayon. March 20 kasi dapat, na naging April 16, na naging April 19. Paurong ng Paurong. Nako. Syempre, ako itong si excited. Actually, hindi lang ako kasi pagka-online ko, tapos nang magpa enlist yung iba. They were IM-ing me kung anung mga subjects ko, para magkaklase daw kami. Hindi ko sila masisi, kasi ako rin, gusto ko rin ng isang familiar face sa mga papasukan kong klase.
Ilang oras na pagbabalanse ng iskedyul ang ginawa namin ng aking coursemate na si Kim kanina. Nagkaroon ng mga maliliit na problema pero naayos naman namin. Sana maaprub to sa May 5 para maayos na ang buhay namin ni Kim.
Monday at Thursday
8:30 - 10:00 Biology 1 Section MHR
10:00 - 11:30 English 12 Section MHU
1:00 - 2:15 Math 17 Section MTHFW2
2:30 - 4:00 Kasaysayan 2 Section MHX2
Tuesday and Friday
8:30 - 11:30 ES1 Section TFRV
1:00 - 2:15 Math 17 Section MTHFW2
2:30 - 4:00 Sociology 10 Section TFX
Wednesday
10:00 - 12:00 PE 2 BW-D (Duckpin) Section WDE
Tulungan niyo akong ipagdasal na hindi na mabago yan! Nako. Ang tagal din naming inanalyze yan eh. Hehe.
~~
GOOD NEWS!
Naalis na si Sanjaya Malakar sa American Idol. Woohoo! Pero ang malungkot lang dun eh nasa Bottom 3 si Blake. Akala ko nga si Phil Stacey ang maaalis. Turns out he was in the Top 3. Pero masaya pa rin akong naalis yang Sanjaya na yan.




