Ang paboritong banda ng mga Isko’t Iska.
Isang Corny Joke.
Ano ang paboritong banda ng mga Isko’t Iska?
Answer: Maroon 5. *
Bigla na lang sumambulat sa’kin ang video ng unang single ng bagong album ng Maroon 5, I Won’t Be Soon Before Long, ang Makes Me Wonder sa MTV. Pero sa May pa raw irerelease ang album, pinasasabik lang tayo. Anyways, napanood ko nga yung video in front of my mum. Gusto ko na sana ilipat ang channel kasi alam mo naman yung format ng vids ng M5. Pero glad to say na hindi ako mababan sa MTV dahil dun sa video na iyon. Haha.
Nagustuhan ko ang M5 simula nung This Love. Masasabi niyong mahilig ako sa mga uhm.. dahil hindi ko sila naging fave nung Harder to Breathe days pa nila. Masasabi niyo ring ang mga nagpaparami ng mga fans ng M5 ay ang mga style nitong si Adam Levine sa pagpapasikat ng mga singles nila. Pero hindi lang sa mga videos nagiging kontrobersyal ang M5, pati rin sa kanilang mga double meaning na mga kanta. Eto example:
My pressure on your hips.. Sinkin’ my fingertips into every inch of you..
- This Love
I want to dive into you
Forget what you’re going through
I get behind, make your move
Forget about the truth- Makes Me Wonder
Oy, hindi lang dahil nakakaintriga ang mga scenes ni Adam kaya gusto ko sila. Magaganda kaya ang mga kanta nila! The Best! Kung papanoorin niyo ang vid ng Makes Me Wonder (search niyo na lang sa youtube, tinatamad ako eh), nakakaaliw si Adam dun. Habang siya ay naggigitara ay perfect/bongga ang kanyang mga dance moves. Hindi nga lang talaga maalis ang mga sexy girls na laging nakapalibot sa kanya. Nung kinakapkapan ba naman siya ng mga airport securities (na sexy babes) eh kapkap sila talaga na parang alam niyo na..
Nagnilay-nilay ako kanina tungkol sa moves nitong si Adam tapos naisip ko bigla ang ating Filipino bands. Naisip ko si Champ, na ang the best na kayang gawin eh pumasok sa isang picture frame at pa-impressin tayo. Naisip ko rin si Yael, na sobra sobra naman ang pag-acting sa videos niya, hindi kaya ni Adam ang ginawa niya habang naggigitara siya sa vid ng Tuliro.
* Kung nasira ang araw niyo ng joke na ito, punta sa comments box and type Bato<space>Kamatis<space>(bakit niyo ako binato ng kamatis?)<space>-slash-<space>violent reaction sa post na ito.
Ang hindi sumunod sa format, kamukha ni Chewbacca.
Abril 24, 2007 Sa 9:55 hapon
Bato Kamatis HIndi ko nakuha ung joke! / o hayan. sinunod ko talaga ang format. aaminin ko. isa sa mga bandang nagpatibok ng puso ko ang Maroon 5. dahil nga kasi sa double meaning ng lyrics nila. ahaha. rock on p.salvi/cj/tuesday aahihi.
Abril 24, 2007 Sa 9:58 hapon
denib – atenista ka kasi. maroon is the color of UP, nako. rarallyhin ka namin dyan sa japan. haha.
Abril 25, 2007 Sa 3:41 umaga
Bato Kamatis nakakainis si wendy. feeling niya. feeling talaga niya. hindi ba siya nag-iisip. / ayoko sa maroon 5. gusto ko maroon 6.
Abril 25, 2007 Sa 10:01 umaga
I like Maroon 5:)
Abril 25, 2007 Sa 1:25 hapon
paurong – haha. oo nga. naiinis din ako kay wendy.
cat – hindi ba nasira ang araw mo sa joke na iyan? haha.
Abril 25, 2007 Sa 2:05 hapon
wag na si denib. atenista na yan eh… hehe, pero feel ko mag-aateneo lang yan dahil kay karlo domondon at mikhail onate… wehe… XD
pwede na rin siguro yang joke mo… hehe… pero nagustuhan ko talaga sila starting dun sa HARDER TO BREATHE… kaya lang hindi ko siya masundan dahil ang adwa ng putol ng tono at lyrics…
xet, i love adam levine’s eyes! parang kay cillian murphy lang (read as KILIAN)na nakakawasak ng ulirat ko! hayts… XD
Abril 25, 2007 Sa 2:18 hapon
aba at si zeke ang iyong avvie(? avvie ba un? lol.)
gusto ko din ang maroon5 at ang mga kanta nila. lalo na ang this love. tama ba ung title ko? haha. XD wateber. basta gusto kong nakikinig sa mga kanta nila. >.
Abril 25, 2007 Sa 2:21 hapon
batet putol?
XD
yael and champ. i bato u kamatis. >.
Abril 25, 2007 Sa 3:02 hapon
ang corny nga ng joke.. ^_^
Abril 25, 2007 Sa 4:18 hapon
hindi ko nagets yung joke.. hehehe
Abril 25, 2007 Sa 5:34 hapon
toni – nakalimutan ko na kung saan nakikita si cillian eh.. basta adam levine pa rin haha.
alyannna – haha. oo si zeke yun.. haha. maroon 5 rocks!
joy – dapat binato mo ako ng kamatis..
yvan – “maroon” is the color of UP.. haha..
Abril 25, 2007 Sa 6:31 hapon
mahilig kaya ako sa corny jokes!
mwahahaha!
Abril 25, 2007 Sa 6:32 hapon
dagdag yan sa collection ko ng corny jokes!
nyahahaha.
Abril 25, 2007 Sa 6:40 hapon
gen – nako. wag na wag mong sasabihin yan sa harap ng isang taga maksci. sawa na kami sa corny jokes ng isa naming batchmate.
Abril 25, 2007 Sa 7:56 hapon
sa May pa i-rerelease? sa torrent baka meron na. ahehe.
about sa layout ko, la pa nga isang taon un eh. header lng binabago ko frm time 2 time.
Abril 25, 2007 Sa 8:28 hapon
It’s been a while. Haha.
So, commmon denominator pala ng science high schools ang maging breeding place for corny jokers.
so…marami na rin palang naiinis kay wendy, akala ko kay dionne lang! haha. (I really need some big updating) Haha.
sa uulitin!
Abril 26, 2007 Sa 12:29 umaga
gusto ko yung mga songs nila pero hindi ako fan. si champ? trying hard magpaka chris martin ng cold play yun eh.
Abril 26, 2007 Sa 2:08 umaga
Bato Kamatis wala lang sinunod ko lang yung format. natuwa lang kasi ako.. hehe.. slow kasi ako… hindi ko nagets ang joke. baka paggising ko ulit, malalaman ko na.. / nakakatuwa naman ng idea… hehe.. adik nga..
nahahawa na tuloy ako…
great post!! khit hindi ko nagets… nyenye!
Abril 26, 2007 Sa 8:57 umaga
hahaha..
maroon5 lover huh?? heheh.. mejo uhmm.. “CONTROVERSIAL” nga ang kanilang music videos.. pati ung lyrics… hahaha… and with CONTROVERSIAL, what i really mean is below the belt?? hahaha..
peo gusto ko ung vocalist nila.. hahaha..
ang cute kasi eeh
Abril 26, 2007 Sa 12:16 hapon
actually, hindi ko nakuha ang joke, hehehe(no offense intended)
Abril 26, 2007 Sa 4:06 hapon
elmo – sabi eh. haha. sige na. kelangan talagang isang taon para palitan ang layout eh. haha.
triplepoints – haha. oo nga. product yan ng katalinuhan. haha. di ako naiinis kay dionne ha. peyb ko yun..
bonnie – haha. ako gusto ko pareho ang hale at maroon 5.
mr. pencil – haha. corny talaga nung joke.
potpot – adam levine rocks!
cat – haha. maroon nga is for UP.
Abril 26, 2007 Sa 5:28 hapon
wala lang. uber korny ng joke mo.
Abril 26, 2007 Sa 6:26 hapon
kahit na ganyan ang lyrics ng songs ng maroon 5, favorite ko pa rin sila! =)
Abril 26, 2007 Sa 9:15 hapon
tim ang – haha. oo nga.
sherma – ako rin. M5 rocks!
Abril 27, 2007 Sa 4:01 hapon
padaan.
Abril 27, 2007 Sa 9:23 hapon
gen – dito pa dumaan..