Spidey 3 Rebyu
May Spiderman 4 pa, hindi pa kinakasal si Peter at MJ.
- Joshua Joy Dayandante, 11, Kapatid ni Padre Salvi
Buong linggo ako wala kasi na-outing ang buong family. Pumunta kaming Dagupan, our hometown, para makipiyesta sa Bangus Festival. Sa rami ng bangus dun eh akalain niyo ba namang isang bangus lang ang kinain ko. Oo. Isa lang, mula sa Sinigang na Bangus ni Nanay. Tapos nung miyerkules eh umakyat na kami ng Baguio. Sinama namin sa aming itinerary na panoorin ang pinakaaabangan ng lahat, ang Spiderman 3. Kahit weekday nung araw na iyon, napuno ang SM City Baguio na ipinagmamalaki ang kanilang “Largest Seating Capacity sa lahat ng SM”. Partida pa na 4 na cinemas nila dun eh puro Spiderman 3 ang ipinapalabas.
Dun na tayo sa topic.
Cast
Peyborit villain ko dun eh si New Goblin, na hindi pantay ang mga mata. Joke lang. Favorite ko na si James Franco no. Haha. Pero hindi ako kasing adik kay James Franco tulad ni Toni. Si Tobey Maguire naman eh master na ang pagsasalita nang hindi pinapakita ang kanyang ngipin. Astig. Di lang ako masyadong sang-ayon sa gumanap na Venom na si Topher Grace. Kung naglalaro kayo ng Marvel vs. Capcom, ang katawan ni Venom dun eh uber Maskulado tulad ng kay Sandman. Napag-alaman kong si Topher Grace pala eh lead star ng The 70’s show. Kaya pala namumukhaan ko siya dun sa film. Ayos din ang role ni Bryce Howard as Gwen Stacy na bumuo sa Love Rectangle nina Peter Parker, Mary Jane Watson at Eddie Brock Jr.
Screenplay, Effects, at kung anu anu pang may kinalaman sa kwento.
Antagal pala nung palabas, kasinghaba ng isang Harry Potter Film. Pero no doubt that it was the best of the Spiderman Trilogy. Pero mas maganda sana kung hindi nila pinagsama sama ang lahat ng problema ni Spiderman sa iisang film lang. Pero cool na cool pa rin ang mga fight scenes nila. Siyempre, the best fight scene eh yung last laban ni Spiderman, na may something cool na nangyari na hindi ko pwedeng sabihin kasi baka maspoil ko kayo. Pagdating naman sa lablayp ni Spiderman, di ko masyadong nafeel na kalove triangle pala nila si Gwen Stacy. At hindi ko rin nafeel na boyfriend pala ni Eddie Jr. si Gwen. Nako. Masyado yata silang nagconcentrate sa mga laban eh di na nila napagtuunan ng pansin ang storyline ng relationship ng mga characters. Sana talaga may Spiderman 4.
~~
Bullet Updates
- Umalis na si Eric Dill as lead vocals ng The Click Five. Nako. Maganda pa naman boses nun.
- Naalis si Phil Stacy at Chris Richardson sa American Idol. Go Blake! Hope you’ll win!
- Final Three of TARAS – Dustin and Kandice, Eric and Danielle, Charla and Mirna. Go Charla and Mirna!
- Nominated: Wendy, Dionne and Saicy. Alisin si Saicy! Go Dionne!
- May papasok na bagong housemate mamaya. Isang Nanay. Wahaha.
- Premiere ng House of Carters sa Monday, as if manonood ako?
Mayo 5, 2007 Sa 10:36 umaga
ayaw ko lang sa Spiderman 3 eh sad ending sya..at bakit naman ano hindi sila kinasal? Sana kinasal man lang, pero siguro para suspense and reserve din for Spiderman 4..pero malaki talaga ang chance na wala na, kasi mostly diba sa mga movies ang mga villains, kahit pinakita na patay na sila meron talagang maiiwan na something, like yung black-something-alien na yun kay venon, kahit pinasabug siya eh sana pinakita na may naiwan na black-something-alien, si sandman lang yata pero ok naman siya sa huli, dba..
Mayo 5, 2007 Sa 12:28 hapon
cat – oo nga. pero pinag-uusapan pa rin nila. syempre gusto yumamaman ni tobey maguire kaya gusto niyang magka 4.
Mayo 5, 2007 Sa 1:02 hapon
i cannot say that i agree sa buong review mo. Should we really consider na third party si Gwen? There was really nothing going on between the two (Gwen and Peter). But I must agree na hindi naiparamdam sa viewers na may relationship si Gwen and Venom. Agree (again) na sobrang nagfocus sila sa fighting scenes.
I could relate kay Mary Jane, especially sa relationship nila ni Peter. Grabe. PETER IS SO SELFISH AND CONCEITED, HE WASN’T ABLE TO FEEL THE PAIN OF MJ. ALL HE KNOWS IS HIMSELF. GRABE. PURO EXTRA CURRICULARS, ESTE, SAVING CHUVA ANG INAASIKASO NIYA, HINDI NA NIYA DAPAT NAGING GIRLFRIEND SI MJ KASI PARANG WALA RIN NAMAN E. NAKAKAINIS.
Naawa din ako kay MJ kasi hostage forever sya e. Laging tumitili.
One more thing na hindi ko nagustuhan sa spidey 3, hindi man lang na-explain kung san galing yung black alien. Not all viewers are players na Spiderman na game, nor reader ng Spiderman comic series. Hindi naexplain bakit nagiiba personality ni Peter pag suot niya yung black na costume.
Hindi ako natutuwa sa mga Spiderman movies. Oo nga maganda, pero laging may kulang. I’ll give Spidey 3 a rating of 7 over 10, 10 being the highest.
Siguro nga may Spidey 4.
Pansin mo, sa lahat ng spidey movies, laging funeral ang ending?
Mayo 5, 2007 Sa 2:26 hapon
nika – oo nga. syempre laging may mamamatay. favorite nila yun eh. hehe. ang galing ng review mo. napatalsik ang review ko. haha. tama ka rin na hindi nila naexplain kung san nanggaling yung black na yun at kung anu yun. haha. agree ako sa lahat ng sinabi mo.
Mayo 5, 2007 Sa 6:24 hapon
Di ko pa napapanood ‘yung Spiderman 3 so di pa ako makakapag-comment.
Buti na lang natanggal na si Phil Stacey at Chris Richardson. I mean sa lahat ng natitira, sila ‘yung pinaka-undeserving para sa akin. Melinda or Blake ako.
Napapadpad ka ba sa Peyups? Ayaw na ayaw nila si Wendy do’n. Hehehe. :>
Mayo 5, 2007 Sa 6:33 hapon
di ko pa napapanood ang spidey 3. at di ko sure kung papanuorin ko to. hehe.
blake or jordin sa AI!
dustin and kandice sa TAR!
si wendy na palayasin sa bahay!
hmm. mukhang nagkakatalo tayo sa bets ah. =p
Mayo 5, 2007 Sa 9:23 hapon
nyahaha. ang emo ni spidey sa latest na film na to. ang napanood ko pa lang eh yung trailer. pano naman kasi noh, ang mahal ng sine dito. its like 1500yen may discount na yan sa estudyante ha. oh well. buti na lang at laging may free movie tickets itong host family ko. ang problema nga lang eh kada katapusan ng buwan lang pede manood. haha. oh well. at least libre!
Mayo 5, 2007 Sa 11:40 hapon
ahhhhhhhhhhhh! JAMES FRANCO! xet, kamukhang-kamukha niya si james dean. omagowd! ah, okay composure now. ang ganda ng smiles niya sa movie noh? nasapawan si peter parker!
okay, back to reality… hey! maayos naman si topher grace, nagkaron lang ng prob sa body. and yes, may part 4 pa kasi una… there’s that big, black blot on the construction site! xet, another venom… hmm, jake gyllenhal perhaps? (tama pa na-ispelling ko?) pangalawa, bigla lang naglaho si sandman, preposterous! villain don’t just wallow in the wind like that… wait. i have an idea. i’ll post my own review. ^_^
Mayo 6, 2007 Sa 3:26 umaga
ang lkas talagang mambitin…gusto ko pa ng kasunod!!! Spiderman 4…
Mayo 6, 2007 Sa 10:37 umaga
hais.tama si toni.nasapawan talaga ni james franco si tobey sa muvi.amp.bakit siya namatay?!?!?!?!wuhla na siya sa spidey 4.huhu.
Mayo 6, 2007 Sa 3:31 hapon
skwayred – nako. naiinis nga ako na naalis si chris eh. nako. pero natuwa naman ako na naalis si wendy.
jau – oo nga eh. haha. nagkakatalo talaga tayo. ayoko sa beauty queens eh.
deejay – haha. may subtitle siguro spiderman dyan.
toni – haha. james franco. siya gumanap na james dean eh sa pelikulang james dean. haha. mali spelling ng gyllenhaal.
cielo – spiderman 100!
kat – oo nga eh. kung kailan peyb ko na si james franco.
Mayo 6, 2007 Sa 7:57 hapon
ok (yung sa link). teka naman, naguguluhan na ako. ano real name mo?
Mayo 6, 2007 Sa 8:07 hapon
teka.. talaga? umalis na si Eric Dill sa Click Five? haay, disappointing..
Mayo 6, 2007 Sa 8:15 hapon
tama ka joy. may subtitle.
Mayo 6, 2007 Sa 8:57 hapon
rachelle – haha. padre salvi = mr. tuesday = carl.. OO umalis na si eric dill. kainis.
denib – natural. di marunong mag-ingles mga tao dyan.
Mayo 7, 2007 Sa 1:24 hapon
pa change nmn ng link father! hehe salamat! =)
Mayo 7, 2007 Sa 1:45 hapon
okay naman ang spidey3 .. may kasunod nga. xD
bkit naman hnd mo cnulit ang pag kain ng bangus? hhehe. sa dinami dami nun eh.
Mayo 7, 2007 Sa 3:09 hapon
Astig ng spidey 3 ^_^
pero parang nagustuhan ko rin yung new Harry Potter film na nakita ko sa trailer before pinalabas yung movie..
hahaha..
Mayo 7, 2007 Sa 6:10 hapon
haha, pareho kami ni toni na love si james franco
di nanalo ang BQs
go blake na lang!!!
Mayo 9, 2007 Sa 9:45 umaga
phia – sure..
dhea – im such a sloth that i don’t like deboning it. di sila naghanda ng boneless eh.
zine2hamster – oo astig nga ang harry potter. pero ngayon ko lang narealize na hindi masyadong maganda ang cinematography nun. pinapanood lang siya kasi maraming nagbabasa nito.
marijuana – haha. oo nga. go blake! ako rin, nahawa ako sa kanya. nanalo si eric and danielle eh. ok lang. i don’t like the BQs.
Mayo 9, 2007 Sa 7:37 hapon
uy, makapanood na nga rin nito.
Mayo 9, 2007 Sa 11:50 hapon
i couldn’t agree more.ang ewan umarte ni topher grace.pang comedy lng tlga xa.pro mganda prn.mjo naiyak nga q e.waha!wuss!.ang twisted nga e prang nging emo c peter.
Mayo 10, 2007 Sa 9:47 umaga
sinag – di ka magsisisi.
chona+rae – haha. ang cute nia maging emo. pero di bagay sa kanya.
Disyembre 8, 2008 Sa 6:22 umaga
mlm lead