State U! Let’s Go!

Simula na ng aking buhay UP. Although sabi ng upperclassmen na madali lang ang enrolment para sa aming mga baguhan sa iskwelahan, nakakapagod pa rin siya. Aware naman ako na 6.02 x10^23 ang hirap ng enlistment sa darating na mga taon ko sa UP. Kaya wish me vitality, intelligence, strength, dexterity, agility at luck (RAGNAROK to ah!) sa pagpasok ko sa isang pagsubok that will determine my future.

Para simulan ang araw, may college briefing para sa EEE Department na naganap dun sa Auditorium ng Engineering. Actually, hindi kami nakarating dun sa lecture tungkol sa mga Orgs and EEE stuff kasi ba naman, 10:00 na kami nung dumating. Ang naabutan na lang namin dun eh yung Advising kung saan ibibigay nila ang Form 5a (kung saan makikita mo ang subjects na iyong inenlist sa Computerized Registration System ng UP Diliman) at ang iyong student directory (2 copies, don’t forget to sign it!). Sabi naman kasi sa sulat ng UPd, Passport Size ang dadalhing size ng pic, tapos, pagbungad ng student directory, 2×2 na ang kailangan nila. Anu ba yan!

Pagdating namin dun, napag-alaman namin na alphabetized ang advising na magaganap. Kawawa tuloy ang aking friend/coursemate/ym-mate/blogmate/frustrated blockmate/duckpin classmate/ex-hs classmate/textmate na si Kimberly Chierdezelle Cochingco WY. Letter W pa siya. Pagkatapos na dumaan sina Chua, Tan, Ong, Lim, Sy, Mahinhin, Maaalahanin, Hampas-lupa, Kutong-bato, Babang-luksa, Santos, Reyes, Cruz at DAYANDANTE, naadvise na rin siya after ko pang matapos ang aking enrollment. Grabe, sa tinagal-tagal din ng pilahan na dinanas ko sa enrollment, nag-aantay pa rin siyang maadvise. Kim, although you are alphabetically discriminated, hindi ka naman intellectually incapacitated at physically inept. Saka mag-asawa ka ng Aaaaaa ang apelyido para di mo na maranasan ang ganyan. Haha.

Kami ang pers batch ng mga Freshies na mag-eenrol. Kasama naming mga genius ng College of Engineering - EEE ang mga Inglisero/a ng College of Arts and Letters at mga Conyito/a ng College of Social Science and Philosophy (ayon ito sa isa pang taga-cssp na kasama ko). Nagsipilahan kaming lahat sa Engineering (as popular to us, freshies, as Melchor Hall) upang ayusin ang kanya-kanyang klaseng papasukan at magfill up ng aming historical (dahil pinakauna) na Form 5. Buti na lang eh nadiscover ko habang isinusulat ko pa lang ang pangalan ko na nakokopya pala sa ibang cashier’s at registrar’s copy ang isusulat mo sa student’s copy kaya natuwa ang aking tamad na kamay sa pagsusulat. Meron akong mga kilalang hindi nadiskubre agad ito at kawawang nagsulat sa tatlong kopya ng Form 5 nila.

Ayon sa Form 5 ko, magbabayad daw ako ng Php 21,376.00 lang naman sa tuition. Ang lokong Padre Salvi kasi, hindi nag-apply ng STFAP. Haha. Subukan ko na lang sa hinaharap. Pabababain ko muna ang kuryente at tubig namin para mas mababang bracket kung sakali. Haha.

Kinabukasan eh nagkaroon ng Freshman Orientation Committee. Pagpasok ko pa lang sa Assembly sa labas ng Auditorium eh napa-utang na ako kay Kim kasi gusto ko bumili ng Freshie Shirt na binebenta nila. Then nagpasign up na kami dun sa mga tao sa labas at bingyan kami ng brown envelop (symbolism ng innocence/ pagiging freshie accdg. to me) na may nakasulat na “Mabuhay Ka, Iskolar ng Bayan — UP DILIMAN”. Nagmistulang comedy bar ang Diosdado Macapagal Auditorium ng School of Economics dahil sa hosts na sina Kuya Jeff at Kuya Marvin. Natuwa naman ako dun sa Program lalo na sa mga Intermission Number ng UP Korus, at mga Orgs sa CMC na nakalimutan ko na kung anung pangalan nila. Tinuruan pa kami ng UP Cheers courtesy of UP Pep Squad. Sa bahay eh sigaw ako ng sigaw ng mga Hey! Hoh! State U! Let’s Go! at U-Na-I-Ba-E-Ra-Sa-I-Da-A-Da Na-Ga Pa-I-La-I-Pa-I-Na-A-Sa. Kewl na Kewl.

~~

Para sa aking next post, Ipopost ko ang inyong mga sagot tungkol sa tanong na ito.

Kung makakasali kayo sa isang reality show, anu ito at bakit? (pede dalawa o higit pa basta may explanation bawat sagot)

Paabutin ko muna ng higit sampu ang mga sagot bago ko ipost. Inaasahan ko ang inyong mga mabulaklak na mga rason!

20 Responses to “State U! Let’s Go!”

  1. deejay Says:

    CONGRATULATION. tsaka na yung S kapag talagang pumapasok ka na sa UP. as of now, 99% pa lang ang pag ka sure mo. nyahaha. natawa ako sa post mo papa joy. grabe.
    reality show ba kamo? gusto ko sa Amazing Raze. kasi makakatravel ka around the world. ayun. peace!

  2. Poli Says:

    Kung makakasali ako sa isang reality show e The Joe Schmo Show! Gusto kong maging isa sa mga accomplice! Ang sarap siguro mang-gago at paniwalain yung “Joe” sa mga kalokohan na inuutos sa amin nung direktor. Lalo na sa dulo kung saan malalaman niyang acting lang ang lahat parang yung pelikulang The Truman Show!

    Siyempre Amazing Race din. Pangarap kong mag-travel sa buong mundo! Kung makakasali man ako e gusto kong kasama sa itinerary ang Prague, Bucharest, Monte Carlo, Bern at Tokyo!

  3. ipudlover Says:

    Ako?

    Fear Factor! Kasi naman, puro kalokohan pinagagawa nila sayo doon. Eh yun yung mga trip kong gawin eh, sa bahay, sa school, sa kalsada. kahit san. Pero siyempre masarap din yung premyo nila. dollars. hehe.

    Amazing Race din! Kahit hindi ako manalo, basta maabot ko yung pinakahuling part ng race, para masulit ko lahat ng mapupuntahan, libra pa. instant vacation yun ah!

  4. KIM Says:

    kapag naging presidente ako, babaliktarin ko ang english alphabet.
    mauuna ang Z at mahuhuli ang A.
    para maranasan niyo ang nagmimistulang diskriminasyon sa aking buhay.
    haha.

  5. Padre Salvi Says:

    kim - hindi mo sinagot ang tanong.. huhu

  6. nika Says:

    ok. dahil sabi mo sagutin ko tanong mo, yun lang gagawin ko. hindi mo naman sinabi na magreact sa buong post e.

    sasali ako sa Big Brother sa ibang bansa! para mwede makipag-ano. =))

  7. aia Says:

    ako. gus2 ko rin ng fear factor. pero utang na loob. sna wg matapat sken ung ipapalamon ako sa naglalakihang german shepherd. o khit pa padilaan sa shitzu. wla akong pake khet anong breeding ng aso. bsta ayoko ng aso. period. hahahaha.

    ok lng sken malublob sa putik. kumain ng shake na ipis..bulate..catterpilar at kung ano ano pa. ok rin sken malublob sa malalim na pool. (dhil feeler ako, kunyari kakayanin ko yan khet nde ako mrunong lumangoy). inuulit ko lng talaga. at uulit-ulitin ko pa. khet madilaan lng ng aso. AYOKO. AS IN. A-Y-O-K-O.

    ang pinakahuli.. dhil lab ko c joy. sinasagot ko tong tanong mo. at oo nga pla. pde rin pla sken ang big brother. kya lng ayoko magka-labteam dun. ahahaha. ang korni kc pg my labteam na. macoconcious na ko pg my ka-labteam o kya my shota dun. nde nman halata na ang haba ng sgot ko no? nde rin halata na gus2 ko ng angkinin ung blog ng boypren kong c joy. ahahaha. o cge na joy.

  8. toniwoni Says:

    gusto kong sumali sa…

    AMERICAN IDOL
    — what the? sinong bang ayaw sumikat at magka-album diba? may boses naman ako, ang problema nga lang eh kung kaaya-aya ba ang boses na ito. this is a reality show joy, right?

    ROCKSTAR:________
    — xet. ito lang ata ang nasisimulan ko at natatapos. kaya xa blanko kasi diba nauna INXS, then ngayon Supernova. gusto ko talaga yung mga ganitong shows kasi anything goes, at hindi pa wasted ang talent at pag-iisip mo. this is reality show joy, right?

    My OWN
    — i wanna be somebody’s shakira or beyonce you know. i wanna transform into somebody else, and get a date with someone seeking happiness from a pretentious aesthetic. this is a reality show joy, right?

    :D

  9. jau Says:

    talagang adventure ang enrollment.
    mga favorite cheers ko rin yan! haha. ginawa namin yan nung nanuod kami ng NCC. =p

    syempre Amazing Race! nakakatuwang mag-strategize under time pressure. added bonus na rin ang around the world trip! hehe.

  10. Jhed Says:

    Gusto kong sumali sa SURVIVOR.

    Hindi lamang para makita ang aking maganda at ubod ng kaakit-akit na katawan sa buong mundo, gusto ko rin masubukan ang aking galing pagdating sa pag-strategize at surviving skills. Hehe!

    Gusto ko rin sumali sa THE AMAZING RACE.

    Aba, libreng around the world yun ah. Yun nga lang, sana hindi kami agad matanggal ng ka-partner ko. Tapos, makakakuha pa ako ng Amazing Race pouch. Haha! Ay, oo.. gusto ko rin makapagbukas perfectly ng isang clue. Yung iba kasi, bara-bara sa pagbukas. Gusto ko marinig yung “prrrrrrrrt!” Hehe!

    Yun lamang po. Bow.

  11. Elmo Says:

    Gudlak sa iyong bagong pangalawang tahanan. Nawa’y palarin ka sa iyong pag-aaral at best wishes na rin sa iyong love life. :D

  12. hakbang21 Says:

    i can relate!

    except sa fop.

    bukas pa ako eh.

    haha. :))

  13. hakbang21 Says:

    amazing race,

    the fifth wheel(joke!),

    survivor,

    and big brother.

    nakatatamad mag-explain. :)

  14. eloiski Says:

    huwaw! isa ka rin pa lang freshman!
    kakagraduate din 2lad ku!
    galing nmn at isa kang iskolar ng bayan!

    ako nagpaenrol kasama ang aking nanay pro hnd ako sa up!!! wahihihi! tinamad ako magtake ng entrance exam! ang aga!!!

  15. archie Says:

    What? 21k ang tuition mo?

    P7k lang ang aking for 19 units.

    -activist mode on-
    Tuloy ang laban sa TOFI!

  16. Lei Says:

    Hey! UP Go! UP fight!
    Hey! Let’s go! Let’s fight!

    Di rin ako nag-apply for STFAP. Katangahan kasi. :D

  17. marijuana Says:

    welcome, schoolmate! hehe

    ang taas naman pala ng tuition ng mga freshies, tsk tsk. kaya nga no to tofi ako eh

    tungkol naman sa question mo, syempre amazing race. tapos dapat partner ko yung crush kong prof, maraming alam na languages yun eh, kaya dagdag sa advantage ng team namin haha :D

  18. tim b. ang Says:

    masaya nga yung FOP. Enjoy. Sabay sabay tayo lahat sa first day pagpasok. Wla lang. Trip ko lang. kung sasali ako sa isang reality shu, sasali akosa Unan1mous tsaka AI anu pa ba Big Bro sa ibang bansa siguro para maktira. Extra Challenge sali din ako dun. May ganun pa ba?

  19. hakbang21 Says:

    salamt at nakapag-FOP rin.

    hehe. :)

  20. liz Says:

    wow fellow UP student pala ha. naku patayan talaga sa enrollment Padre Salvi. naiisip ko pa nga lang yung enrollment ngayong june 5 nadedepress na agad ako. kaya hindi ko muna inaalala. for the future, i wish you the very very best. ;)

Leave a Reply