Reality Bits en Bytes
Kung makakasali ka sa isang reality show, anu ito at bakit?
Para sa isang adik sa reality show, dream come true ang makasali kahit sa isang reality show na sinusubaybayan niya. Ako, more than willing ako sumali kahit ako pa ang unang matanggal dun sa game. Basta me experience, ok. Sasagutin ko muna ang tinanong ko last post bago ko ifeature ang mga sagot niyo dun sa comments box. Dun ko na rin rereplyan ang mga naging sagot niyo.
The Apprentice

Photo from http://apprentice.tv.yahoo.com (Season 5)
Kewl kaya kapag sumunod ka sa yapak ni Donald Trump at sumweldo ng di bababa sa $250,000 kagaya nina Bill Rancic, Kelly Perdew, Kendra Todd, Randal Pinkett, Sean Yazbeck at Stefani Schaeffer. (o diba memorize ko!) Gusto ko sana makasali pero wala talagang pag-asa dahil asa pa akong may The Apprentice 26 by the time of 36 na ako. Unless gawin nga ito ni Donald Trump Jr na alam kong pagpapasahan ng trono ng Trump Corp. Kewl kaya ang gamitin ang iyong reasoning skills sa pagdepensa sa sarili mo sa mahiwagang boardroom. Walang wala sa kanila kung taga Harvard ka o High School Graduate lang. Malay niyo. Ako ang magiging unang Engineer/Junior CEO ng Trump Corp.
The Amazing Race

photo from http://www.realitytvcalendar.com - Eric and Danielle: TAR 11 Winners
Gusto ko magtravel around the world. Gusto ko sumakay ng maraming eroplano. Kahit puro jet lag ang haharapin ko, carry pa rin!. Masaya yung feeling na nagpapaunahan kayo sa lahat ng bagay. Makakapunta pa ko sa Albania, Slovenia, Laos (or Lao PDR), North Korea, North Pole at sa Romania. Diba sosyal?
Big Brother

from http://www.realitytvworld.com - Big Brother House USA
Siyempre sino bang hindi gustong tumira sa isang magandang bahay? Di ko habol ang instant celebrity side effect ng show na ito. Ang gusto ko lang eh fulfillment of a wish. Gusto ko rin yung wala kang kontrol sa ginagawa mo. Tapos may mga secret conspiracies mula sa Confession Room. Astig Yun! Tapos may uber cool tasks at big prizes pa, what can you wish for? Haha.
Pinilit ko ang mga taong nakakachat ko madalas sa ym para sagutin ang tanong na ito. Eto ang mga answers nila:
Deejay wrote:
reality show ba kamo? gusto ko sa Amazing Raze. kasi makakatravel ka around the world. ayun. peace!
May bago nang reality show. The Amazing RAZE. JK Denib! Haha.
Poli wrote:
Kung makakasali ako sa isang reality show e The Joe Schmo Show! Gusto kong maging isa sa mga accomplice! Ang sarap siguro mang-gago at paniwalain yung “Joe” sa mga kalokohan na inuutos sa amin nung direktor. Lalo na sa dulo kung saan malalaman niyang acting lang ang lahat parang yung pelikulang The Truman Show! Siyempre Amazing Race din. Pangarap kong mag-travel sa buong mundo! Kung makakasali man ako e gusto kong kasama sa itinerary ang Prague, Bucharest, Monte Carlo, Bern at Tokyo!
Mukhang kewl din ang Joe Schmo Show. Parang gusto ko rin masali dun eh. Ako kung pipili ng lugar, pupunta ako sa Phnom Penh, Rangoon, Slovenia at Albania. Di pa sila pumupunta dun eh.
Daryll wrote:
Fear Factor! Kasi naman, puro kalokohan pinagagawa nila sayo doon. Eh yun yung mga trip kong gawin eh, sa bahay, sa school, sa kalsada. kahit san. Pero siyempre masarap din yung premyo nila. dollars. hehe. Amazing Race din! Kahit hindi ako manalo, basta maabot ko yung pinakahuling part ng race, para masulit ko lahat ng mapupuntahan, libra pa. instant vacation yun ah!!
Ayoko sumali sa Fear Factor. Matatalo ako agad dun.
Nika said:
Sasali ako sa Big Brother sa ibang bansa! para mwede makipag-ano. =))
Ako rin!
Aia said:
Ako. gus2 ko rin ng fear factor. pero utang na loob. sna wg matapat sken ung ipapalamon ako sa naglalakihang german shepherd. o khit pa padilaan sa shitzu. wla akong pake khet anong breeding ng aso. bsta ayoko ng aso. period. hahahaha.
ok lng sken malublob sa putik. kumain ng shake na ipis..bulate..catterpilar at kung ano ano pa. ok rin sken malublob sa malalim na pool. (dhil feeler ako, kunyari kakayanin ko yan khet nde ako mrunong lumangoy). inuulit ko lng talaga. at uulit-ulitin ko pa. khet madilaan lng ng aso. AYOKO. AS IN. A-Y-O-K-O.
ang pinakahuli.. dhil lab ko c joy. sinasagot ko tong tanong mo. at oo nga pla. pde rin pla sken ang big brother. kya lng ayoko magka-labteam dun. ahahaha. ang korni kc pg my labteam na. macoconcious na ko pg my ka-labteam o kya my shota dun. nde nman halata na ang haba ng sgot ko no? nde rin halata na gus2 ko ng angkinin ung blog ng boypren kong c joy. ahahaha. o cge na joy.
Mahahalata tau nyan Aia. Haha. Inaasar na nga ako ni Dianne tungkol dito eh. Haha. Hindi naman siguro magpapakain ng aso ang Fear Factor. Magpahila pwede.
Toni said:
gusto kong sumali sa…
AMERICAN IDOL
— what the? sinong bang ayaw sumikat at magka-album diba? may boses naman ako, ang problema nga lang eh kung kaaya-aya ba ang boses na ito. this is a reality show joy, right?ROCKSTAR:________
— xet. ito lang ata ang nasisimulan ko at natatapos. kaya xa blanko kasi diba nauna INXS, then ngayon Supernova. gusto ko talaga yung mga ganitong shows kasi anything goes, at hindi pa wasted ang talent at pag-iisip mo. this is reality show joy, right?My OWN
— i wanna be somebody’s shakira or beyonce you know. i wanna transform into somebody else, and get a date with someone seeking happiness from a pretentious aesthetic. this is a reality show joy, right?
Lahat yan reality show! Haha. Hilig mo pala’y talent search. Pero hindi mo talaga ako mapipilit na sumali sa Su-Fresh Star! Kayo kayo na lang. Mag-aaral pa ako ng ES1. Joke. I’ll be your number one supporter.
Jed said:
syempre Amazing Race! nakakatuwang mag-strategize under time pressure. added bonus na rin ang around the world trip! hehe.
Gusto kong sumali sa SURVIVOR.
Hindi lamang para makita ang aking maganda at ubod ng kaakit-akit na katawan sa buong mundo, gusto ko rin masubukan ang aking galing pagdating sa pag-strategize at surviving skills. Hehe!
Gusto ko rin sumali sa THE AMAZING RACE.
Aba, libreng around the world yun ah. Yun nga lang, sana hindi kami agad matanggal ng ka-partner ko. Tapos, makakakuha pa ako ng Amazing Race pouch. Haha! Ay, oo.. gusto ko rin makapagbukas perfectly ng isang clue. Yung iba kasi, bara-bara sa pagbukas. Gusto ko marinig yung “prrrrrrrrt!” Hehe!
Yun lamang po. Bow.
Ayoko sumali sa Survivor. Nakakapayat yun, at hindi ako makakakain.
Gen said:
amazing race, the fifth wheel(joke!), survivor, and big brother. nakatatamad mag-explain.
Tinatamad din ako sumagot noh. Pero tayp ko ring mag-Fifth Wheel.
Marijuana said:
syempre amazing race. tapos dapat partner ko yung crush kong prof, maraming alam na languages yun eh, kaya dagdag sa advantage ng team namin haha
Didiskubrehin ko kung sino ang prof niyo. Pero di kayo mananalo laban sakin! Bwahahaha. Kasama ko si Caces. Physically fit yun!
Tim Ang said:
Trip ko lang. kung sasali ako sa isang reality shu, sasali akosa Unan1mous tsaka AI anu pa ba Big Bro sa ibang bansa siguro para maktira. Extra Challenge sali din ako dun. May ganun pa ba?
Wala ng Extra Challenge. Nacocornihan ako dun! Tayp ko ring mag Unan1mous.
Mga pahabol dyan. Sa Comments Box lang.
May 13, 2007 at 9:06 pm
ai grabe. kailangan ko talagang mag public apology? hindi po siya AMAZING RAZE. AMAZING RACE po. sorry everyone! haha. mistakes happen. hehe
May 13, 2007 at 9:10 pm
ok na. apology accepted.
May 14, 2007 at 2:50 am
Astig ang The Apprentice! LOL. Nakakatawa minsan yung mga depensa nila sa sarili. Kahit wala ng logic sinasabi nila, go pa rin ng go.
Ang nakakatawa pa. Bago pumasok sa boardroom, may mga hindi kita lalabanan effect pa sila. Pero pagdating sa harap ni Trump, hala.. bastusan kung bastusan. Haha! Nakakatawa. Buti na lang wala silang mga hawak na ballpen, kundi itinurok na nila yun sa mata ng kaaway nila. LOL.
May 14, 2007 at 12:05 pm
kaya nga peyb ko yun eh. haha. naalala ko si tarek at lee. haha. alam ko nang si sean yazbeck ang mananalo dun eh. pero peyb ko si lenny the russian. pero ang peyb season ko eh season 2. haha nandun si raj bhakta. da best!
May 14, 2007 at 1:03 pm
Uy, nasali yung akin! Hehe! Nakalimutan ko yung Apprentice! Gusto ko ring sumali diyan.
May 14, 2007 at 1:09 pm
poli - haha. kinakalat ko yata ang apprentice addiction
May 14, 2007 at 5:24 pm
haha. talent shows talaga, astig! bakit ba kasi ayaw nyong sumali dun sa talent show ng freshmen? wahaha. basta ako, hindi na lang ako sasali kasi mag-isa lang naman pala ako dun ano…
May 14, 2007 at 6:15 pm
dumaan. hehe. ako? gusto ko.. sa.. bahay ni kuya. haha. big bro. ibang bansa. la lang. haha. exciting! haha. =))
May 15, 2007 at 2:50 pm
padaan. haha.
May 15, 2007 at 3:58 pm
sa totoo lang ha, ang kaya ko lang siguro ay WALA, heheeh
Lahat yata ng reality shows either involve physical o mental and usually, both. Gusto ko sumali sa AR pero sa bicycling pa lang hindi na ako marunong, ang sa Survivor naman, nahihirapan ako sa convincing part para makabuo ng alliance, at physical din nila, hirap mostly mga challenges nila, at hindi ko kaya talaga ang Survivor kung hygiene na ang pag-uusapan, minsan iniisip ko kung saan sila nagpopo
sa PBB, viewer lang talaga ako. Ayoko maging artista
May 16, 2007 at 12:32 am
toni - tama! mag-isa ka lang dun! haha.
phia - pede!
gen - hindi sidewalk ang blog ko. joke. haha.
cat - ayun, humabol si cat!