Super Hiatus
Posted in Liban, PBB, TV on May 20, 2007 by Padre SalviHaha. Nasira ang modem ng computer namin. At ayaw niyang mag-install mula sa CD na nasa amin. Hmpfff. Nakakainis talaga. Hindi ko pa mapilit si mama na magpakabit ng mas mabilis na internet connection kagaya ng Smart Bro at Pldt DSL. Kaya heto ako ngayon. Nasa computer shop. Katabi ang mga nag oonline games. Mas bata sila sa akin. Pero sanay na sanay ang mga daliri nila sa O2 Jam. Haha. Mukhang mahihirapan ako makapag update ng mas madalas. Baka nga sa pasukan na ako makapag-update, kung saan maaawa sila sa akin na I desperately need Internet!
Anyways, nakapangako na ako kay Cat na mag-aaddiction meme ako. Pero hindi ko talaga siya magawa. I will promise na sa susunod ko na gagawin iyon. Sa lalong madaling panahon.
Akala ko talaga na si Blake ang maaalis. Nadala na ako sa mga previous seasons kung saan wala sa mga peybs ko ang nakakapasok sa Finale. Ang closest na yata eh si Elliott Yamin, na Third Place last season. Haha. Nagpaayos na siya ng ngipin! The best na ang smile niya ngayon. At talong talo niya si Taylor Hicks no. Dapat siya (Elliott) na lang ang pumasok sa Finale. Back to the topic. Natawa nga ako nung naalis si Melinda. Kasi halos lahat ng AI Fans na bloggers eh ang wish eh Blake-Jordin ang final two. Bihira lang mangyari ang wish na iyon kasi magaling talaga si Melinda. Pero walang imposible sa America. There will be always a shocker pagdating sa results show. Go Blake! Kahit si Jordin ang predicted kong mananalo.
Nakakainis na antaas ng percentage of votes ni Wendy. Mga tao talaga. Masyadong nawili sa Brendy. Pero ok na rin yun kasi napasok na si Kian. I’m rooting for Kian-Gee loveteam. Haha.




