Super Hiatus

Haha. Nasira ang modem ng computer namin. At ayaw niyang mag-install mula sa CD na nasa amin. Hmpfff. Nakakainis talaga. Hindi ko pa mapilit si mama na magpakabit ng mas mabilis na internet connection kagaya ng Smart Bro at Pldt DSL. Kaya heto ako ngayon. Nasa computer shop. Katabi ang mga nag oonline games. Mas bata sila sa akin. Pero sanay na sanay ang mga daliri nila sa O2 Jam. Haha. Mukhang mahihirapan ako makapag update ng mas madalas. Baka nga sa pasukan na ako makapag-update, kung saan maaawa sila sa akin na I desperately need Internet!

Anyways, nakapangako na ako kay Cat na mag-aaddiction meme ako. Pero hindi ko talaga siya magawa. I will promise na sa susunod ko na gagawin iyon. Sa lalong madaling panahon.

Akala ko talaga na si Blake ang maaalis. Nadala na ako sa mga previous seasons kung saan wala sa mga peybs ko ang nakakapasok sa Finale. Ang closest na yata eh si Elliott Yamin, na Third Place last season. Haha. Nagpaayos na siya ng ngipin! The best na ang smile niya ngayon. At talong talo niya si Taylor Hicks no. Dapat siya (Elliott) na lang ang pumasok sa Finale. Back to the topic. Natawa nga ako nung naalis si Melinda. Kasi halos lahat ng AI Fans na bloggers eh ang wish eh Blake-Jordin ang final two. Bihira lang mangyari ang wish na iyon kasi magaling talaga si Melinda. Pero walang imposible sa America. There will be always a shocker pagdating sa results show. Go Blake! Kahit si Jordin ang predicted kong mananalo.

Nakakainis na antaas ng percentage of votes ni Wendy. Mga tao talaga. Masyadong nawili sa Brendy. Pero ok na rin yun kasi napasok na si Kian. I’m rooting for Kian-Gee loveteam. Haha.

29 Tugon to “Super Hiatus”

  1. hay naku. kawawa. gusto kong manalo si blake. feel ko mag -be-beatbox siya sa final. kainis kasi nakapasok si wendy. ok lang kung si jasmin. kaso\i maaalis rin naman siya kaagad.

  2. Haha ako napilit ko yung nanay ko sa DSL.

    Ang balita ko e ang Finale raw e 1 encore song, 1 new song at yung crowning song.

    Sana manalo si Jordin sa apat na seasons na napanuod ko, wala pa akong bet na nananalo. Si Jordin pa lang kung sakali.

  3. jodesz Sabi ni:

    wah… hindi ako makagawa ng post.. dahil hindi ako makapaglog sa wordpress ko.. nakalimutan ko kasi ung password.. eh naka’remember me’ sa computer namin sa bahay yn.. eh nasira din ung pc.. ahaha.. :D

  4. naiinis ako kay wendy. bket xa. leche tlaga xa.

  5. alam niyo, hindi talaga ako maka-relate…
    hindi kasi ako nanonood ng big brother…
    joy, good luck naman sa internet shop escapades mo..
    gusto mo daan ka na lang sa amin, Globe HSDPA naman kami…
    Kita-kits talaga sa pasukan…
    shit naman yun, ang lapit na pala sobra! :D

  6. Kaya pala di ka na nakakadalaw hehe… Ako naman ilang araw na busy sa bagong site ko (pa-link naman po!) kaya ngaun na lang uli nakadalaw :)

    Sana maayos na pc mo :)

    Happy Monday, padre salvi!

  7. dapat ginaya mo ung nasa pldt commercial. hehe. :)

  8. hello, pa link exchange naman po, thank you

  9. as in super, ah! hehehe… ainako! nasa computer shop na lang din kaya ako kasi nasira rin ang modem namin at kelangang ireformat ang aming pc!

  10. naku imbyerna rin ako kay wendy! gimik lang yung balik bahay box na yan…gusto lang talaga nilang ibalik si wendy kase sya na ang nakaplanong manalo! hindi ako maaaring magkamali!!!

  11. Kamusta na??? Hahaha. Nako, sana maayos na rin yung kompyuter namin.. Matagal na rin akong nag-iintay.. :p

  12. well, my 2 bets are in. blake and jordin. kala ko rin talaga si blake ang matatanggal. nagulat ako at si melinda pa. hindi sa talent nagkatalo. sa mukha. kaya ayon. pumasok si jordin at blake. pero si blake talaga ang gusto ko manalo. tapos magbebeatbox siya sa last song niya. pero wala naman iyan sa nananalo e. mas sikat panga si katherine mcphee kesa kay taylor hicks ngaun e. siguro kung gagawa ng album si taylor hicks. instrumental lahat. puro silindro maririnig mo.

    and about sa pagpasok ni wendy? ba’t parang galit na galit ka kay wendy. gusto ko nga un makapasok. para marinig ko nanaman iyong. “when she cries at night, and she doesn’t know that i could hear her. when she tries to hide all the pain she feels inside. SO I PRAY THIS TIME. I COULD BE THE MAN THAT SHE DESERVES. COZ I DIE A LITTLE, EACH TIME SHE CRIES”. kailan ko kaya masasabi iyon sa isang babae???

    saka. pwede bang wag na si kian. pwede bang KIM at GEEANN na lang (kim ang pangalan ko) i’m so lovin’ cheerleaders!!!

  13. hello. :) oonga, nkakainis bkt c wendy pa.

    gudluck na payagan ka sa DSL. pilitin mo! :p

  14. parehas tayong nagtitiis sa internet shop hehehehe…

    kami din kasi hindi pa naka-dsl sa bahay..purita talaga hahaha

  15. Ahooo. Garabe talaga. Nahirapan rin akong kumbinsihin si Mama at Papa to avail that Globelines Broadband promo 2 years ago. Now, I’m enjoying it.

    —-
    Oh, I hate their tandem. Both sinners. Birds of the same feather that prays together, stays together. Hahahaha.

  16. joy. maglinis ka ng bahay para mag avail parents mo ng faster INet connection. or takutin mo sila na magloloko ka sa college pag di sila nagpakabit ng dsl. haha

  17. oo nga nagulat ako kay elliot yamin! total makeover. buti na lang maganda ang sales ng debut album nya.

  18. wala na yung blog ko dati.

  19. Well… speaking of AI… Kung voice ang paguusapan, para sakin, si Melinda ang gusto ko…unique eh…pero kung sa face? kay Jordin ako…Si Jordin naman ang nanalo eh…

    Anyway… nako, kaw ha? Hiatus? wag naman ngayon! Kung kailan summer at maraming time chaka ka maghihiatus?

    Magpaalila ka sa mom mo, baka tumalab!

  20. sa wakas nakapag-online din. hehehe.

    pag nadaan ako dun. sige.

    saka na natin pag-usapan.

    dumaan lang.

  21. gusto ko rin nung manalo si blake. =) kaya lang nung kumanta si jordin nung this is my now, parang tagilid na talaga siya =)

  22. Weeee! Kian! LOL

  23. wee. kahit sa comp shop ka lang dumaan ka pa rin sa page ko!
    salamat! gusto mo dito ka na lang sa amin mag-internet muna?
    libre lang talaga promise…
    3.6 mbps naman siya kaya okay..
    ipagtitimpla pa kita ng orange juice?
    :D

  24. haha… nainis lang yung Nanay ko dahil ang mahal ng Dial-up tapos wala pang phone. minsan nga sabi gf ko from the states EEEEEEOOOOWWWAAAAAARRRRRYYYYUUUUU… kaya nagpalagay na kami ng broadband…kornix ko talaga

  25. miss nakita… SHTNSS naman pare, next week na yung summer vacation namin…balik ka ASAP!

  26. sino bang may gusto kay Wendy? Malamang ang mga kalalakihan. Lagi nalang ang loveteam nila ang pinapakita..

  27. big brother pren? haha. wala na. laos na talaga.. you hafta admit it. XD

  28. naiintindihan kita father.. maging ako e hiatus din… hehe..

    i’ll visit again your blog next year!!

    haha!!

    kidding.. :D

Leave a Reply