Of Mango Shakes, Tasteless Pasta and Men
Guess what?
Bumangon na si Padre Salvi!
Di ko lang ma-iskedyul ang aking blog hopping dahil ako ngayon ay OA sa ka-GChan (GC = Grade Conscious). Pinapanatili ko ang aking good first impression. Kelangan kong pumasa sa aking mga unang subjects sa Peyups. Reward na sa akin kung maka-uno ako (tres lang para sa ES1).
Iiwan ko lang sa inyo ang isang makapagdamdaming kwento ng isa kong blockmate na si Nikko. Si Nikko ay isang batang mahilig makipag food trip sa mga blockmates pagkatapos ng ES1. (Note: Ang ES1 ay isang asignaturang puro pagdodrawing ang ginagawa. Exclusive for Engg Students ng UP siyempre.)
Unang Trip: CASAA (Ang PudKort ng UP). Siguro’y di alam ito ng karamihan, o sadya niya nga lang bang natiyempuhan ang notorious nitong Mango Shake. Try niyo tikman! Ewan ko kung saan nabibili. Basta in one of the stalls dun.
Ikalawa at Latest na Trip (dahil di pa matatapos dyan ang trippings): Katag (Kainan at Tagpuan, located sa ilalim ng Faculty Center) Pasta Madness (or whatever you may call it) ngayon ng Katag. Syempre sinubukan namin. Dahil naubusan kami ng Baked Mac, naisipan kong mag-lasagna habang sila (kasama si Nikko siyempre) ay nag Carbonara! Mukhang hinahabol yata ng walang lasang pagkain itong si Nikko.
Good Trip: Ibinigay namin ang walang lasang carbonara sa isang nangangailangan. Naghanap kami ng PET boy. Well! Mababait ang mga BS ECE Block G-18 students no. (Maliban kay Erwin.. JOKE!)
Antayin niyo na lang ang aking pagbisita. May balak akong i-edit ang mga nilalaman ng aking blog at ang mga links, papalitan ko na ang mga nagpapachange links, ilalagay ko na ang mga nag eex-links and other stuff. Medyo busy lang talaga ako dahil may Take Home Plate kami! Woohoo!
June 19, 2007 at 9:57 pm
nakaka-miss yung freshie year ko. hehehe.. just tonight i went to the mall.. wheew.. ang daming naglipanang freshmen. halatang halata kasi suot pa nila yung kanilang mga temporary I.D. while strolling sa mall. anyway, i miss those times. enjoy your freshie year.
June 19, 2007 at 10:03 pm
wee… joy, naman naman naman…


hindi lang naman siguro ikaw ang maglilitanya sa mga teak-home plates eh…
anyways, lunch tayo after bio1s ha?
love ta love ya baby!
June 20, 2007 at 4:34 pm
sus karir na karir ang ES. Sige lang mahirap na mag-kwatro o singko.
June 20, 2007 at 4:49 pm
wag mag-oa sa ka-gc-han. nakakamatay yan, lalo pa’t nasa up ka.
June 22, 2007 at 9:14 am
maligayang paggising. ^^
June 22, 2007 at 11:07 am
buti ka pa oa sa ka-GChan, as you call it.
hahahahahahahaha. tatawa na lang ako.
pakilala mo naman ako kay nikko.
epti tayo sa susunod.
June 23, 2007 at 5:44 pm
mango shake sa Casaa, natikman ko na yan hahaha. Kaso mahal, bente pesos amp.
June 23, 2007 at 6:18 pm
Kami ng mga college friends ko dito sa UP Manila eh madalas kaming tumatambay dyan sa UP Diliman, nakapag-foodtrip na kami sa mga lugar na yan. Hehe.
Kaya mo yan! Akala mo lang tres yung magiging grade mo pero pagdating ng classcards mo eh talaga namang makakahalik ka ng tao. God bless!
June 23, 2007 at 6:44 pm
hoy anong “Maliban kay Erwin”? Sasabunin kita diyan e! hahaha! Ang bitter e no!
June 23, 2007 at 9:31 pm
ANG DILIM NG BLOG MU NGAUN AH…
ay naka caps lock knina..
hehehe…
uy.. panu un nilalagay sa blog? ung bloglog ever chuva… panu un?? teach me please??? thank you!!!!!
June 23, 2007 at 11:22 pm
batang yagit - lulubusin ko ang freshie year ko kung ganun..
toni - sure why not?
tim b ang - walang kwatro sa es1. singko ka na agad
jau - oo nga eh. OA din ang pagkakasabi ko.
raymond - maligayang pagtulog! (gabi na!)
paurong - what is epti?
japboy - mag super jumbo softdrink ka na lang sa casaa soda fountain. 22 pesos. sulit na sulit!
monique - magdilang anghel!
erwin - joke lang yun.. haha
batopik - ayaw ko nga!
June 24, 2007 at 1:55 am
hello
ang saya kaya ng ES1, puro drawing lang hehe
gusto mong sumama kay toni sa pagdaan sa tambayan namin?
may mga orgmates din kasi akong nagbabasa ng blog mo at gusto ka ring makilala… ;D