Ang Nakakapagod na Buhay Kolehiyo

Nung June 20 ang huling araw ng pagpasa ng UPCAT Forms ng mga taga-Metro Manila. Nagkalat ang mga aspiring Isko at Iska in their school uniforms. Narealize kong college na pala ako. Nag-aaral na ako sa unibersidad na pinapangarap ko, a year ago. Nagdugo man ang ilong ko sa UPCAT, tuwang-tuwa ako at nasabit pa rin ako sa aking first choice of course.

Masaya pala maging kolehiyo. Nanggaling ako sa isang iskwelahan na magsasawa ka sa mga mukhang makikita mo. Sa UP ay iba. Kapanapanabik ang bawat araw mo dahil iba’t ibang mukha ang makakasalamuha mo doon. Masarap tumingin sa mga kakaiba ang pananamit. Sa mga pantasya ng mga kalalakihan at kababaihan na rin. Sa mga nang-aagaw pansin, sa mga ayaw magpapansin pero pinansin mo pa rin, sa mga dating kaibigan, sa mga bagong kaklase, sa mga blockmates, sa mga blockmates ng iba, sa mga MBB ang kurso at sa mga 3 beses nang nagshift ng course. Masaya din kapag naglalaro ka sa isip mo ng “Spot that Innocent Freshie” or ang mas patok sa akin ngayon “Spot that UPCAT Taker”. I find it easy to separate the Isko/as to Non-Isko/as. Dumaan na ako sa sitwasyon na iyan. Ang mga baguhan lang ang magtatangkang bisitahin si Oble. (Ang hirap kaya niyang lakarin, at wala naman akong mapapala) Bumababa sila sa mga unlikely places na bababaan ng isang istudyante. (In my case, may nakasabay ako kaninang bumaba sa gilid ng College of Educ. C’mon. Anung gagawin dun?)

Pito ang aking mga asignaturang kinukuha. Apat doon ay ang tinatawag na General Education Subjects na required sa lahat ng kurso. Isa doon ang P.E. Apat ang kailangan namin para sa buong pananatili namin sa UP. At dalawa doon ay ang Majors. Kung saan kailangan namin to satisfy some pre-requisites ng iba pang majors na kukunin namin sa hinaharap. Masasaya naman ang unang linggo sa mga subject na ito.

GE 1 - Geog 1 (Places and Geographical Landscapes in a Changing World)

Si Ma’am Evangeline Katigbak ang prof namin dito. Wala naman akong masasabi sa kanya. OK naman ang Geog. Hindi nga lang ako maka-ride sa mga discussions dahil bagung-bago ito sa utak ko. Ang totoo eh hindi ko pa binabasa ang book na binili ko. Haha. Masaya daw to kasi may field trip. It is scheduled somewhat in September.

GE 2  - Bio 1 (Contemporary Topics in Biology)

Si Dr. Annabelle Herrera ang prof namin dito. Sabi niya, this is not just your ordinary Biology. We will discuss “blockbuster” news in Bio and we will learn to appreciate life up to the very little cell in our body. Nakakatuwa naman at walang quiz dito. 3 beses lang ako mag-aaral dahil 3 lang ang exams dito (2 kung maeexempt ako sa finals). Mababa ang uno rate (90-100).

GE 3 - Kas 2 (Ang Asya at ang Daigdig)

Si Dr. Dedina Lapar ang prof namin dito. Walang exam. Report lang. Ewan ko kung matatatawag mong enjoy ang klase. (Kasi ayaw ni Erwin). Ako, nag-eenjoy ako dahil sa subject na ito pinakamagulo ang block namin. She is filled with her Erap Jokes. At mahilig talaga siya sa jokes grabeh.. Lagi siyang may banat sa lahat. Kaso ang problema 99% nito corny. Mahilig siya sa mga lengwahe ng kung anu ano. Kaya nga magsesearch na ako eh. Buti na lang I know French. Gotta search Chinese dahil yun ang napunta sa aking topic.

GE 4 - English 10 (College English Composition)

Si Dr. Maria Rhodora Ancheta ang prof namin dito. Natutuwa ako sa kanya dahil sa kanyang witty humor. Nakakatakot siyang mag-english. Para bang wala ka nang maisasagot kung sakaling kauspain ka niya. Pero mabait naman siya. Hindi siya tulad ng iniisip kong terror na English Teachers (She is the opposite). Ok lang sa akin na harapin ang sangkatutak na position papers at kung anu anu pa. Makakatulong naman kasi ito sa akin sa hinaharap.

PE - Duckpin Bowling

Si Sir Edwin Barber ang prof namin dito. Absent na agad ako sa unang meeting. Bukas pa lang ako makakaattend ng klase namin. Sabi ni Tim ay maglalaro na raw kami bukas. Pinag-aralan ko na nga ang scoring system eh. Para wa siyang ma-say. Haha. Natatakot nga lang akong lapitan siya bukas at manghingi ng classcard baka batuhin kami ng bola ng duckpin. Haha.

Major 1 - Math 17 (College Algebra and Trigonometry)

Si Ma’am Odessa Consorte ang prof namin dito. Salamat kay Leithold at hindi na ako kailangang mag-notes sa klaseng ito. Araw-araw namin itong kinukuha (except Wed. syempre) kaya lagi kaming updated sa mga happenings sa Math Building. Trivia: Hindi pa ko nakakakain sa Math Bldg Cafeteria.

Major 2 - ES 1 (Engineering Drafting)

Si Sir Arturo Gonzales III ang prof namin dito. 6 na oras sa isang linggo kung saan nakakakita ako ng aking kinatatakutang yellow plate (Nag-uuwi pa ako ng isa every isang linggo). Madalas ang tulo ng dugo dito (Either di mo nagets kung paano mag inscribe ng isang circle sa isang hexagon or natusok ka ng compass na hawak mo.) Kapiling namin si Kuya Alvin (Ang Student Assistant) na siyang nagchecheck ng aming plates. (Salamat Kuya sa mataas na grade ko sa unang dalawang plates.. alam kong ipinahamak ko ang sumunod na dalawa). Ready na Ready siya sagutin ang aming sangkatutak na tanong at punan ang mga hindi namin naintindihan kay Sir. Sulit na sulit ko nga ang 3 oras na ibinibigay sa paggawa ng plate (2 lang pala kasi 1 hr is for discussions). Wah! May Take-Home plate pala kami ngayon. Better get going!

19 Responses to “Ang Nakakapagod na Buhay Kolehiyo”

  1. Batang Yagit Says:

    naaalala ko pa nung mga panahong nag-cracramming kami sa pagpasa ng application para sa UPCAT. hehehe.. dyan din sana ako mag-e-ECE sa diliman kaso di ako pinayagan. hehehe…

    good luck na lang sa mga plates mo.

  2. Padre Salvi Says:

    batang yagit - mukha na nga akong plate. (haha) ako rin.. pero di ako nagcram sa UPCAT. school namin ang nagpasa ng forms. kaya magkakasunod kami ng student numbers. haha

  3. toniwoni Says:

    wee. it’s my hector day yesterday…
    naman, nakakapag-bloghop ka pa sa lagay natin…
    ikaw na isang engineering major….
    haha, naman…

    zeus cronides struck me down from Mt. Ida…
    and i lived to tell the tale… :P

  4. tim ang Says:

    ginagawa ko rin yung pag-kilatis sa mga diliman newbiews at diliman wanna-be’s hindi pa rin ako nakakain sa math bldg. mahal daw. hindi pa nga ako nakakapasok dun. hanggang amoy at tingin lang. Pero labvs ko talaga si barber. kwentong barber-o!

  5. Padre Salvi Says:

    toni - haha. di nga ako nag-eexcel sa mga subjects ko eh. haha. siguro kapag pumagitna na ang first sem. di na ako mag-aappear dito.

    tim ang - haha. ako rin. labs ko si barber. haha. pati ang mga pin boys.

  6. Rhoda Says:

    Haha hindi lang si Erwin ang ayaw sa Kas 2 …Ako rin! XD Ui magtulungan tayo sa ES1.. kelangan ng ating pinagsama-samang pwersa upang makakuha ng kahit tres man lang dito.. :) Good luck saten! XD

  7. Padre Salvi Says:

    rhoda - haha. dapat tatlo tau. para sam sama tau sa tres. ididivide. edi UNO!

  8. mark Says:

    fellow ece frosh! ..

    haay .. gud lak saten .. up ka kase .. kaya ayan .. nako, pero kaya mo yan .. mauuna lang ako grumaduate sayo .. if ever makakagraduate ako .. LOL! ..

    yung book nyo ba sa alge eh “college algebra and trigonometry”? .. wala lang .. yun din kasi amin ..

    first game ng uaap .. dlsu vs. up .. kita kits sa araneta .. haha! ..

    :D

  9. Padre Salvi Says:

    mark - haha.. saan kaya ako kakampi? haha. malay mo magchamp ang UP ngaun. U-nibersidad ng Pilipinas! Hey UP Go, UP Fight!

  10. tresebry Says:

    ok lang yan! masarap ang buhay kolehiyo! enjoy mo lang!

  11. Erwin Says:

    hindi ko lang masyadong type ang kas2 kasi parang walang patutunguhan…gets ako ni rhoda…& harmond…& others.

    dlsu vs up? geez…69% ang chance na matalo ang up… pero malay ba natin! may himala diba?! hahaha! sama ko e no!

  12. mark Says:

    sorry .. la salle ang champ .. LOL! .. peace! .. :D

  13. otom Says:

    talagang korni yun. eh napakaluma na ng mga erap jokes eh hehe

  14. ♥katrisha♥ Says:

    hui.joy!!wuhla lang.XP
    palitan mu na ung link kuu. bago na!

    bopisatsiomai.wordpress.com

    wee.emback!XP

  15. Padre Salvi Says:

    tresebry - haha. ineenjoy ko na nga

    erwin - oo nga. malay mo magchamp..

    mark - tingnan natin… go UP pa rin! manalo matalo, uhm..

    otom - dumaan ka na ba sa kanya?

    kat - ok.

  16. Lei Says:

    Natutuwa ako sa mga plates… hehe

  17. Padre Salvi Says:

    lei - buti ka pa..

  18. college Says:

    ok lang yan! masarap ang buhay kolehiyo! enjoy mo lang!boy!

  19. Padre Salvi Says:

    college - ok. haha

Leave a Reply