ES1, ES1, kahit tres lang….
Posted in Kabulastugans, Pastorals, UP on June 17, 2007 by Padre SalviIkakabit na “raw” ngayong week ang aming Smart Bro. Sabi sa akin ng aking butihing Ina. Sa mga hindi pa nakakakaalam, kalalagpas lang ng aking unang linggo sa aking bagong mundo, ang Unibersidad ng Pilipinas.
Kasama sa aking fun-packed week ang aking first plate sa ES1.. ang aking dreaded subject. Manginig-nginig ang kamay ko habang nag lelettering ng mga capital letters. I never managed to make a perfect O or a Q, pero tinanggap pa rin ng ES1 Student Assistant na si Kuya (I forgot his name, basta na-uno niya ang ES1) ang plate ko. Sinabi ko sa sarili ko.. pagbubutihan ko ang mga susunod na plates to get a three or higher… or even an exemption.. Totoo kaya na you can’t judge your ability in ES1 by your first plate?




