So stressful
May sakit ako ngayon. Di ko alam kung anung rason. Eto ang mga hinuha ko.
-
Nagpaulan ako nung Thursday.
-
Andami kong kinain na kung anu-ano.
-
Napagod ako sa kalalakad. (Acad Oval, Math Bldg to AS and Engg)
May kwento pala ako.
Lagi akong bumababa sa overpass kapag uuwi na ako. Nakakatamad na kasing maghanap ng jeep na tinatawag na ikot kung saan hindi mo na kailangan umakyat sa mala everest na overpass sa tapat namin. Yung iba naman, nagreresort sa pagtawid sa C5. Hindi sila natatakot kahit mataas ang mortality rate dito. Nakow.
Tapos, sa jeep na iyon, 3 na lang kami dahil nga ang karamihan samin ay nagresort na sa pagtawid sa C5. Eto ang sumunod na nangyari.
Click to enlarge image.
Ako (Sumabay yung isa pa): Manong, sa over pass po!
Manong: Eto overpass! (See picture)
Ako: Dun po ang overpass!
Manong: (Grudgingly drove his way near the overpass at tumingin ng masama samin)
Reaction: C’mon, kahit nasa tiyan pa lang na baby, alam na hindi yun overpass. Tapos ang sama pa ng tingin niya. Sobra pa nga binayad ko sa kanya kasi di niya ko diniscountan for being a student. Tapos galit pa siya. Hindi ko naman kasalanan na naging jeepney driver siya. Request nga lang namin na ihatid kami near the overpass eh. Para naman kasing aatras siya pagkababa namin. Nakow. Kaya di tayo umaasenso eh.
Nakapaskil ang lahok na ito noong Hulyo 7, 2007 sa 9:40 hapon at nakapailalim sa Kabulastugans, Stories . Pwede kang sumunod sa kahit anong mga sagot sa entring ito sa pamamagitan ng RSS 2.0 feed You can leave a response, or trackback from your own site.
Hulyo 7, 2007 Sa 10:54 hapon
haha…
gets ko yung gripes mo…
bili na lang tayo ng dirty minds para masaya…
masaya siyang laruin…
hati tayo sa bayad, parang icebreaker lang…
Hulyo 7, 2007 Sa 10:58 hapon
toni – ah. ganun? ok..
Hulyo 7, 2007 Sa 11:16 hapon
oh well, pinoys are pinoys…
He doesn’t need to get mad in that circumstance because he chose to be a jeepney driver. He must live with it.
Hulyo 7, 2007 Sa 11:19 hapon
erwin – yun yung point ko..
Hulyo 8, 2007 Sa 8:15 umaga
Pagbigyan mo na…mapatawad sana sya ng diyos. Baka siguro may PMS yung diver kaya ganun.
I agree to what Erwin said above. Pride makes that person suffer cuz he can’t acceop the fact that he is a driver. Who cares about the type of job he’s in? Its a decent job right? He should be proud of it. And he should be a morning person too
Hulyo 8, 2007 Sa 9:20 umaga
minsan hindi lang ang mga pasahero ang may kasalanan, drivers din. Tamad na driver ang mamang iyan
Hulyo 8, 2007 Sa 1:53 hapon
Ei. New blog ko. Linked you up. Honga pala, san ka ba naghigh scool? sa Manila o Makati sci?
Hulyo 8, 2007 Sa 5:10 hapon
cielo – haha. oo nga. naiinis siya sa trabaho niya.
cat – nako. wala siyang karapatang maging tamad.
arch – makati science po! haha. sige papalitan ko.
Hulyo 8, 2007 Sa 8:10 hapon
hala… ang weird nun, ah… hehehe… pero natuwa ako dun sa drawing… =)
nakadalaw din ulit sa blog mo! sa wakas! =)
Hulyo 8, 2007 Sa 9:58 hapon
ay may sakit din siya. ang saya.
nainis din ako sa jeep driver. hahaha.
Hulyo 9, 2007 Sa 9:18 umaga
AS to Math Building? juice ko day….good luck. sana mapanindigan mo yang paglalakad… LOL iska…sumilip sa blog ng kapwa isko.
Hulyo 9, 2007 Sa 11:50 umaga
naaliw ako sa drawing.
Hulyo 10, 2007 Sa 10:58 umaga
sherma – salamat kung ganun.
donya quixote – nag aadjust ako sa stress
thet – haha. lagi nanam eh. araw araw. math to engg pa nga eh
elmo – haha. drawing ko yan!
Hulyo 19, 2007 Sa 8:07 hapon
baka walang sexlife si manong.
Hulyo 21, 2007 Sa 4:33 hapon
haha.. aliw!
wow ECE!