Rebyu ng Ikalimang Haripotpot

Spoiler Alert!
Kanina lang eh nanood ako ng Harry Potter and the Order of the Phoenix. Pumasok ako na excited, lumabas ako na disappointed. Para sa mga Harry Potter Fans na katulad ko, binalasubas/binalahura (OA) nila ang kwento. Pagkasyahin ba naman sa dalawang oras ang 38 chapters na libro. Mas mahaba nga dapat to sa Goblet which has 37 chapters. Wah. Maglilista na lang ako ng mga points kung bakit ko gusto at ayaw ang film na ito.
Pro-HP5
Ok lahat ng characters. Walang um-OA. Sakto sa roles na ginaganapan nila ang inarte nila on screen.
I love Luna Lovegood! Mukha siyang malditang babae kapag tingnan pero kapag umarte na, Lunang-Luna!
Ang ganda nung sets. Lalo na yung Ministry of Magic.
Ang ganda nung graphics. I love the Thestrals, Centaurs, Dementors and Grawp!
Nakakakilig yung kissing scene. Haha.
Si Kingsley Shacklebolt ay African. Kewl!
Anti-HP5
C’mon, di man lang nagsalita si Lupin dun.
Walang Quidditch. Walang Ron as Keeper
Hindi prefect si Ron, Hermione at Draco
Ambait ni Grawp ke Hermione
Duh, nagpensieve po si Harry ng dalawang beses. Asan yun? Hindi na lang bigla nalalaman ni Harry ang lahat ng kelangan niya malaman
Hindi si Cho ang nagsumbong sa DA. Hindi rin siya pinainom ng Veritaserum.
Sa tren nila nakita si Luna.
Hindi pinarusahan ang buong DA. Anim lang ang nahuli sa kanila.
Hindi during OWLs nag paputok sina Fred and George
Hindi nagtuturo ng Music si Flitwick
Si Dobby ang nagturo ng Room of Requirement. Hindi to alam ni Neville.
Duh, di naman minanmanan ni Filch yung DA eh.
How the hell did they know about the spell “Levicorpus”?
Nako. Sana gandahan naman nila ang Half Blood Prince
~~
Speaking of Harry Potter, may blind item ako sa inyo. Sino kaya itong blogger na ito na na-iisyu (iniisyu ko) sa isang taong nakasalamin. Classmates kasi sila sa isang subject at ka-boom! May conspiracy na nangyari.
Clue:

Hulyo 15, 2007 Sa 7:44 hapon
ok. first first.
dahil sa hindi pa rin ibinabalik sa akin ni ms. alexandra mariz c. barba ang order of the phoenix ko, hanggang chapter 9 lang ang alam ko tungkol sa part 5 ng favorite (weh. kelan pa?) kong series.
anu’t anuman, wala pa akong pakialam sa movie dahil alam kong hindi ko ito magugustuhan. magkaibang-magkaibang medium ang movie at ang novel. sa novel, internal ang pagkakavision, at nasa reader kung paano niya maisip o mahiraya (ma-imagine) ang pagkakasulat ng isang author. nasa author yun kung paano niya isusulat ang gusto niyang ipakita. in short, vision yun ng author. sa movie naman, vision ng scriptwriter sa una, ipapasa sa mag-aayos ng sequence treatment, i-eedit ulit, i-eedit ulit, hanggang sa mahawakan na ng direktor ang script at ipaarte na sa mga artista. kung maarte ang artista, kung magkaroon ng failure sa set-up o props o sa artista mismo, pwedeng gumawa ng paraan ang buong staff para magkaroon ng change. dito pumapasok ang kasulasulasok na pagkakaiba ng novel sa movie mismo.
kapag nagbabasa tayo ng isang nobela, nasa mambabasa (tayo) kung paano natin babasahin ang nobela. minsan isang upuan lang, minsan isang chapter bawat araw, depende sa gusto nating maging phasing ng pagbabasa. as opposed as movie, isang upuan yan kapag sa sinehan. exception kapag sa bahay mo panonoorin at pwede mong i-pause kung may kailangan kang gawin or something.
ang laman ng nobela ay kailangang macompress para sa medium na film. wala tayong magagawa. unless maka-20 hours ang harry potter sa sinehan at x10 ang babayaran natin para sa ticket.
i’m looking forward on watching this movie after its showing on cinemas. i’m dead serious.
Hulyo 16, 2007 Sa 9:41 umaga
shet, maganda talaga si luna. hahaha.. i love her.
Hulyo 16, 2007 Sa 12:51 hapon
harry potter? si harry? di ba skulmate natin yun? kaklase ni ronchard gutierrez?
Hulyo 16, 2007 Sa 8:05 hapon
wahehe.. kahit ano pa mangyari, ang kewl parin ng HARRY POTTER! haha.. i agree, ganda nga ni Luna Lovegood. halos lahat ng kalalakihan sa klasrum namin eh inlab dun eh. ahehe.
at tska pansin mo ba na pumanget si Cho Chang? mas cute siya dun sa Goblet Of Fire.. at tska sa book dba minention na parang naging close si Ginny at Weasley.. hehe.. or is it in Half Blood Prince… ah basta. i lab HARRY POTTER.. and tska gumanda si Hermione. ala na ung BUSHY HAIR niya.. haha.. at tska ang kewl ng fyt scene! ung magkakaibigan ang naglaban. hehe..
meron din kaming version ng DUMBLEDORE’S ARMY.. tawag namin dito ay BUD’S ARMY. haha.
Hulyo 16, 2007 Sa 8:08 hapon
I didn’t watch it. Walang balak. I’ll wait for the video. Or maybe I won’t bother watching it at all. Hahaha, halatang galit sa HP movies.
Hulyo 16, 2007 Sa 9:11 hapon
ahaha.
i so don’t look like that, joy!
am i giving the answer away?
ahaha…
huwag niyo na naman gaguhin si nats my loves…
naaawa na ako eh…
Hulyo 17, 2007 Sa 8:57 hapon
kissing scene? may kissing scene pala ‘to. mapanood nga.
Hulyo 18, 2007 Sa 10:23 umaga
ako din, hindi ko pa na napanood ang hp5 so baka dvd na lang, mas excited ako sa libro
Hulyo 18, 2007 Sa 2:41 hapon
hay naku…hindi ko pa napapanood! hehe
Hulyo 18, 2007 Sa 6:20 hapon
jonell – a suggestion.. hpootp1 and 2. diba. doble kita
batang yagit – who doesn’t love luna. sa libro pa lang no..
tim – nasan si hermione?
jodesz – i love cho chang also.
donya quixote – haha. ok lang. if you read the book. disappointment ang mapapala mo.
toni – nireveal mo talaga.
badoodles – pareho tau ng rason kung bakit panonoorin ang isang movie
cat – hp7! woohoo!
niknok – watch it to be disappointed in the story line. the characters were cool.
Hulyo 26, 2007 Sa 9:45 hapon
I haven’t seen the movie yet, pero marami na rin akong narinig at nabasa na pangit (makatarungan bang gamitin yung term na yun?) daw yung kinalabasan ng movie ng Order of The Phoenix…wish ko lang, maganda sana ang kalabasan ng Half-Blood Prince…lalo na ang Deathly Hallows (na inaasam kong bilin yung book someday…ang kuripot kasi ni inay! hehehe
)!
Anyway, blog hopping lang po…and, nice blog!