July 21

July 21

- release date ng Harry Potter and the Deathly Hallows

- Engineering Sciences 1 First Semester A.Y 2007-2008 First Exam!

Excited na ang buong sambayanan para malaman kung anung kakahinatnan ng pagsusulit kong ito. Habang ang mga bata ay nagbabasa ng kanilang HP7 fresh from unopening the plastic, kaming mga lucky ones eh busy kung paano ipagkakasya ang 3 circle sa isang rectangle at gumawa ng mga planes na parallel at perpendicular sa isang plane. Malalaman ang buong detalye ng test sa July 21.

(Alam niyo bang makakabasa kau ng summary ng Deathly Hallows sa Wiki on the day it will be released, merong mga adik na gumagawa ng chapter summaries ng libro habang binabasa nila ito. Haha. Nagawa kong maispoil na si Snape ang Half Blood Prince sa mga kaklase ko nung third year dahil sa discovery na ito!) Haha. Kaya wag magagawi sa internet habang hindi ka pa nagbabasa ng Deathly Hallows. Spoilers will haunt you!

Meron nga palang hacker na nagngangalang Gabriel na nagreveal kung sino ang dalawang mamamatay sa book 7…

Si Hagrid, papatayin daw ni Voldemort para mahuli si Ron at Hermione. At si Hermione, na ililigtas si Ron mula kay Voldemort. HINDI KAPANIPANIWALA ANG SPOILER NA ITO.  Si Lupin ang mamamatay! Ok lang si Hagrid, pero Hermione? Never ever (gotesco; coined from tim ang).

Ibinigay ito ng isang hacker na nagsabi na bad influence daw ang Harry Potter sa mga bata ayon kay Pope Benedict XVI kaya iniispoil daw niya para nakakabore na siya basahin.

8 Tugon to “July 21”

  1. hahaha totoo ba yung spoiler na yan? well, hindi na ako excited sa mga hp-related na bagay, overhyped na kasi. :/

    kumusta naman ang es1? :P

  2. hai naku.
    dami na nga nagkalat na spoilers ngayon pa lang ee.
    basta. mei mga shinut down na webbies dahil nagrelease ng mga spoilers ng deathly hallows.
    ahaha.
    gudluck pala sa es exams.^^

  3. Haha! Natawa naman ako dun sa rason nung nag-iispoil ng HP. LOL. Pero, may point siya. Nakakabore nga naman kung alam mo na mangyayari. :) )

  4. i hate nothing against harry potter.
    it’s just that _________________________________.

    punan mo na lang yung patlang.

    sige, sige.
    dapat kang mag-aral ng mabuti para sa exam na yan.
    di katulad ko na one hour from now e midterm ko na naman.
    ayaw mag-aral. ayaw pumasa.
    tae.

  5. I didn’t read your post hehe… Got the ebook na from my yahoo group. Legit kasi galing sa mismong book, scanned :)

    Happy weekend! Will be up all night tonight for sure ;)

  6. nakuu.
    malala na ang mga adik sa harry potter.
    dami kong nakuhang spoiler sa last book nun. text ko sa’yo mamaya o bukas. panis yang spoiler mo. hahaha. :D

    sige. aral mabuti. yee. gc ka na. hahaha. :)

  7. kamusta kn?..paxenxa ka na hindi ko napalitan ang link mo sa blog ko..medyo naging busy eh..kamusta kn?..papalitan ko na link mo sa blog ko..sino ka nga pala dun sa mga nasa pic sa isang post mo?.. ingat…nagbabalik na ulit ako sa blog world.. tagal din ako hindi nakapagpost eh.. ingat palagi..sana naalala mo pa me…

  8. go es1! nakita ko si nat after n test niyo. ang saya saya niya. harry potter? anong alam ko diyan?

Mag-iwan ng Tugon