S.U.P.E.R Post 3

Balik na naman ako sa aking Substantially Uber Pathetic, Enigmatic and Random Post.

ES1

Naririndi na siguro kayo sa paulit ulit na pagbanggit ko sa subject na ito. Ano ba meron dito? Bakit ba di ako makaget-over dito? Kasi naman nakaka high ang subject na ito. 6 grueling hours every week na haharapin mo ang yellow plates tapos nosebleed lang ang aabutin mo dahil wala kang ibang magagawa kundi titigan ang problem kasi di mo alam kung paano sagutin. (Napagod kayo?)

Kinompyut ko ang plate average ko. I’m proud to say that my plate average so far is

9.87

Sosyal diba? Haha. Katatapos lang pala nung First Long Exam kanina [edit] kahapon [/edit] . I’m very happy na na-answeran ko naman ang lahat ng katanungan dun. Meron pa ngang question na sasabihin mo kung ano ang grade na makukuha mo dun sa question na iyon. Tapos it is followed by a quote about humility. Napilitan tuloy akong isagot ang “80″. Haha. Madumi kasi ang pagkakagawa ko eh. Di bale. 60 naman ang passing.

~~

Harry Potter 7

Ngayon [edit] kahapon [/edit] pala ang release ng inaabangan na libro ng sambayanan. Nainggit nga ako sa mga may kakayanang magpareserve ng libro. Wala kasing booklover sa pamilya kaya wala sa budget ang mga ganyan. Di  naman talaga ako booklover. I just loved magic kaya na hook ako sa HP na iyan.

Pero, ika nga nila, pag gusto may paraan. Nakalibre ako ng P1,400. Salamat kay Cielo at napagkalloban niya ako ng isang mahiwagang PDF file na naglalaman ng ikapitong aklat ni Horny Peter este Harry Potter.

[edit] Binilhan ako ni Mama kanina ng HP7. So, I have both copies. Legal and Illegal. Haha. Para kapag hinuli nila ako, sabihin ko, bumili ako ng book! [/edit]

Ang problema, wala man lang natupad sa mga theories ko. Except one. (Hindi ko na lang sasabihin, baka maspoil kayo)

Trip niyo ng HP7? Click here.

~~

Celpown

Nakita ko rin sa wakas ang cellphone ko. Pagtingin ko sa screen..

45 Messages Received

Grabe. Huli na ako pagdating sa mga Unli-han. Pinagtuunan ko yata masyado ang ES1 exam. Haha.

~~

Backmasking

Kagabi kasi, ipinadiscover sa akin ni Jonell alyas Emo Sevenfold ang misteryo ng backmasking. These things freak me out especially when they have very creepy results. Just go to www.jeffmilner.com/backmasking to hear some of the songs in reverse play.

~~

Padre Salvi: Ang Batang Ma-L

First time kong makapasok sa largest library ng Southeast Asia. Magdadalawang buwan na ako sa UP Diliman pero kakabinyag pa lang ng aking pagkatao sa loob ng lib na iyon. Frankly, di ko alam gumamit ng call number! Haha. Kaya hindi ko mahanap ang mga kailangan kong hanapin na mga libro. Pero nandyan naman si Ate Annabelle eh. Susugurin ko na lang ang tambayan nila para magpaturo ng call numbers. Hehe.

20 Tugon to “S.U.P.E.R Post 3”

  1. amazingjodesz Sabi ni:

    hello po… wah… send mo naman po skn ung pdf file ng book. plss.. haha.. :D

    my mom told me that she will buy me a book AFTER marelease ung movie na harry potter and the half blood prince.! wah!

  2. ang taas mo naman. eh si nat? ang galing ng backmasking. windang.

  3. ang taas mo naman. eh si nat? ang galing ng backmasking. windang ako.

  4. nadoble komment ko. hehe.

  5. ahaha. si nat na naman…
    ahaha… ako rin naman ay huli na sa unli na yan…
    pero dahil sa up rep ay unli naman ako ngayon…
    anyways, si rommin ay nagpa-reserve sa lingua franca…
    nakuha na niya kahapon, masaya siya.
    blame me, the great apathenia///

    :P

  6. congrats nga pala sa es1.
    parang gusto ko nang isara ang blog ko.
    whatchathink? thinking of me, thinking of you? :P

  7. ayan tama yan. ipagkalat ang backmasking! hahaha!

  8. yung pdf mo at yung book, same lang ang laman?

  9. wow naman, namention ako hehe
    sige turuan kita about call numbers
    pero sali ka muna sa org namin haha

    pramis gagawin ka naming boy abunda
    tas si toni si kris aquino haha

    -annabelle :D

  10. I also got that pdf file from my friend.

    PIRACY ROCKS!

  11. jodesz – grabe naman. 2008 pa ilalabas ang halfblood eh. wah.

    tim – haha. super galing ng backmasking. haha. ewan ko kay nat.

    toni – wag, wag mo isara. haha. puro kayo nat. lagot kayo kapag mabasa niya to.

    jonell – haha. astig kasi. natakot lang ako.

    batang yagit – the very same.

    marijuana – may bribe tlaga eh., haha

    donya quixote – we always do it in up. P125 lang ang prentice hall na geog book!

  12. pareho tau padre salvi. pero dami ko din barkadang mga book maniacs. mainggit man ako, di talaga ako ‘yun. okay lang, naintindihan ko pa naman ‘yung HP5 movie kahit di ko nabasa ‘yung book.

  13. MY BLOG IS TURNING 2 y/o tomorrow. Might want to pay a visit. Sorry kung ngayon lang uli nakadaan. SUPER BUSY. BTW, tcGB. labioo. <3

    Di ko talaga nabasa ang post na ito pero natutuwa ako at nandito ang HP7. Haha. Wala pa akong balak umili ng libro dahil nalalaman kong wala pa din akong oras para basahin ang mga ito. EKTWALI, wala pa akong natatapos na libro. HHA. Boring ang HP and the order of the Phoenix the Movie. RAAAR. BITIN. haha. ^^

    Gudlak sa buhay ^^

  14. pag aj nga naman ang initials.

  15. backmasking. waa. ngarag.

  16. nagtugma ba ung pdf file sa totoong buk?
    mewon kasi akung blakmeyt na nakakuha ng pekeng thingy.
    pewo ung ibang parts tugma.^^

  17. hahaha… tnx sa download pero pano to tititigan ko sa screen maghapon magdamag.. naku dame pages malamang bumili na lang ako ng book talaga hehehe. tnx nga pala ha…

    nga pala… inadd na kita sa blogroll ko… add mo rin ako ha!
    http://www.dilan.co.nr

    tnx…

  18. Boy!

    Sa Wari Ko needs new contribution (entries hindi pera ok) from old guest bloggers. Please, kung meron kayong oras at panahon at pagkakataon, write new entries sa SAWARIKO. Ako na bahala sa pag pipimp ng entry nyo at ng blog ninyo. Thanks. http://sawariko.wordpress.com

    Pakipasa na rin ang message sa ibang members and gusto ninyong irecommend na new members. Salamat!

    Please reply sa SAWARIKO. Thanks

  19. eric quake – haha ako kasi harry potter lang binabasa. haha.

    aj – oo nga eh. very disappointing

    jonell – haha. nako. wag mo iassociate si arvin jay dyan.

    dianne – kewl yan. pauso ni jonell

    kat – check ko. ok naman siya.

    kuya chico – sige ipagkakalat ko.

    dee – ok. haha.

  20. ano ba mga theories mo sa hp7?karamihan ng mga ine-expect ko mangyari, nangyari naman. lalo na yung kay new headmaster. :D

Leave a Reply