Padre Salvi: The Frustrated Dreamer
Posted in Pastorals, Studies, UP on August 1, 2007 by Padre Salvi[singit] Wah. Nakita namin si Ramon Bautista sa UP Film Institute kanina. Kasama ko si Tim Ang dahil gusto ko sana makanood ng Casa. Star struck kami pareho pagdaan namin sa Hallway. Haha. Sayang, di namin nairecord ang plate number ng kotse niya. Sa dami ng mga artistang nakikita kong pakalat-kalat sa UP, kay Ramon Bautista lang ako na struck. Ewan ko kung bakit. [/singit]
Di ko pinili ng lubusan ang kursong ECE. 2/3 of the decision was made by my Mom. Acually, pinipilit ako ng Dayandante at David Clan na mag doctor na lang. Masyado silang confident sa aking intellectual capacity. Pero napansin naman ni Mama na medyo naisip ko na hindi ko kakayanin magdoctor, kaya she offered me a second decision. Nung sinabi kong I want to try Engineering, sabi niya agad, ECE. Wala naman akong magawa. Nasilaw din ako sa kapalaran ng aking mga ka-angkang inhinyero. Lahat sila eh may tsekot at malaking bahay. Syempre gusto ko din nun.
Pero puteeehk, pagpasok ko ng ECE, tumambad na sa akin agad ng ES1 [Sawa na kayo sa ES1, I won't elaborate.] May naririnig pa akong stories mula sa aking mga kaklase na 20% lang ng mga tsismosa/o ang nakakaalam kung anung ibig sabihin ng ECE.
Tsismosa: Saan ka nag-aaral?
Ako: Sa UP Diliman po.
Tsismosa: Wow! [expected kong sasabihin niya] Anu course mo?
Ako: ECE po.
Tsismosa: Anu yon?
The only course they said that is the most related to ECE was Electrical Engineering. Kwento ng blockmate ko, ang sabi daw ng friend niya, Chemical Engg daw ang ECE. Wah. Chem16 lang ang natatangi naming Chemistry. Feeling ko, siya rin yata yung nagsabi na madali lang ang ES [Environmental Science pala yun sa kanila, sauce!]
Upang tapusin ang pag mumukmok ko about ECE, iseshare ko sa inyo ang aking views about imagining myself in another jobs. Dream Jobs, ika nga. Eto ang aking Top 7 Dream Jobs:
-
Yoga Instructor - Inspired na inspired mula kay Aras Baskauskas, ang Survivor: Exile Island Sole Survivor. Ang cool lang kasi ng lifestyle niya. You earn a living while relaxing. Kahit donation basis lang ang kinikita nila, mapipilitan naman ang mga customer [especially matronas] na magbigay ng malaking amount. Dapat lang na bayaran ka nila, nilasap nila ng tingin ang iyong uber sexy body eh.Cool din kapag tinanong ako ng kung sinong tsismosa dyan, “Anung trabaho mo?”. Syempre isasagot ko, “Yoga Instructor”. Nosebleed sila after.
-
Print Ad Model - Pwede kong ipang sideline kung Yoga Instructor ako. Kapag tinanong na ako ngayon, ang isasagot ko, “Yoga Instructor-slash-Model”. Bloodshed level na to. Usually naman, lahat ng instructor ng Yoga eh sexy. Tapos lalabas ka sa Cosmo etc. with my uber cool pose. Naks! Sikat na ko! Pag-aagawan ako ng Bench, Penshoppe, Levis, Wrangler, Oxygen at Human. Haha. Pero kung ako tatanungin, I would like to sport out a Suit Attire. Cool lang talaga siya.
-
Pulis/Detective - Gusto ko ung mala-CSI na trabaho. [In our case, SOCO]. Astig nga yung bababa ka sa Santolan Station ng MRT [The MOST interactive station in MRT] tapos naka police attire ka. You somewhat create a sense of authority towards the people around you. Cool din yung blue uniform minus the super beer belly.
-
Film/TV Director - Kakapanood ko pa lang ng On the Lot kanina. I was truly inspired by their works [Obvious naman na hindi ako mahilig maglagay ng short films nila dito]. Nako, kung mas creative lang ang mind ko, at hindi problema financially ang pag-aaral ko ng film. Haha, may solusyon ngayon dyan sa problema ko. Take Film10! Haha.
-
Disneyland Crew Member - Kelangan talaga DISNEYLAND eh. Ewan ko. Dun ako nag-enjoy sa Hongkong Trip namin last year. Cool kaya yung uniform nila. Saka ang kyut nila mag-English. Hindi lang naman sa HK Disneyland gusto kong magtrabaho. Pwede rin sa Tokyo, LA etc. Pede rin naman sa Universal Studios [One of the firsts in my itinerary the moment na yumaman na ako] Basta, OK lang sakin yung taga assist ng seatbelt ng mga bata. Wala lang.
-
Hero - Hindi yung hero na tipong Jose Rizal. Yung hero na may helix gene! As in Hiro Nakamura. Napag-isip isipan ko na ang magiging power ko. Dahil bawal ang magkaparehong powers sa mga Heroes, ang magiging power ko ay Vision-related. [e.g Adjustable X-ray Vision, 360 Degree Sight, Telescopic eyes at Microscopic eyes.] O diba, uber astig?
-
Steward - Kung gaano ako nag-enjoy sa Disneyland, ganun din ako nag-enjoy sa Eroplano. Makaka travel ka into different places at binabayaran ka pa. Cool din ang pagpapalit nila ng costume every 15 minutes. [Oo, 2 hrs lang ang flight pero naka ilang palit sila ng costumes].




