Padre Salvi: The Frustrated Dreamer

[singit] Wah. Nakita namin si Ramon Bautista sa UP Film Institute kanina. Kasama ko si Tim Ang dahil gusto ko sana makanood ng Casa. Star struck kami pareho pagdaan namin sa Hallway. Haha. Sayang, di namin nairecord ang plate number ng kotse niya. Sa dami ng mga artistang nakikita kong pakalat-kalat sa UP, kay Ramon Bautista lang ako na struck. Ewan ko kung bakit. [/singit]

Di ko pinili ng lubusan ang kursong ECE. 2/3 of the decision was made by my Mom. Acually, pinipilit ako ng Dayandante at David Clan na mag doctor na lang. Masyado silang confident sa aking intellectual capacity. Pero napansin naman ni Mama na medyo naisip ko na hindi ko kakayanin magdoctor, kaya she offered me a second decision. Nung sinabi kong I want to try Engineering, sabi niya agad, ECE. Wala naman akong magawa. Nasilaw din ako sa kapalaran ng aking mga ka-angkang inhinyero. Lahat sila eh may tsekot at malaking bahay. Syempre gusto ko din nun.

Pero puteeehk, pagpasok ko ng ECE, tumambad na sa akin agad ng ES1 [Sawa na kayo sa ES1, I won't elaborate.] May naririnig pa akong stories mula sa aking mga kaklase na 20% lang ng mga tsismosa/o ang nakakaalam kung anung ibig sabihin ng ECE.

Tsismosa: Saan ka nag-aaral?

Ako: Sa UP Diliman po.

Tsismosa: Wow! [expected kong sasabihin niya] Anu course mo?

Ako: ECE po.

Tsismosa: Anu yon?

The only course they said that is the most related to ECE was Electrical Engineering. Kwento ng blockmate ko, ang sabi daw ng friend niya, Chemical Engg daw ang ECE. Wah. Chem16 lang ang natatangi naming Chemistry. Feeling ko, siya rin yata yung nagsabi na madali lang ang ES [Environmental Science pala yun sa kanila, sauce!]

Upang tapusin ang pag mumukmok ko about ECE, iseshare ko sa inyo ang aking views about imagining myself in another jobs. Dream Jobs, ika nga. Eto ang aking Top 7 Dream Jobs:

  1. Yoga Instructor – Inspired na inspired mula kay Aras Baskauskas, ang Survivor: Exile Island Sole Survivor. Ang cool lang kasi ng lifestyle niya. You earn a living while relaxing. Kahit donation basis lang ang kinikita nila, mapipilitan naman ang mga customer [especially matronas] na magbigay ng malaking amount. Dapat lang na bayaran ka nila, nilasap nila ng tingin ang iyong uber sexy body eh.Cool din kapag tinanong ako ng kung sinong tsismosa dyan, “Anung trabaho mo?”. Syempre isasagot ko, “Yoga Instructor”. Nosebleed sila after.

  2. Print Ad Model – Pwede kong ipang sideline kung Yoga Instructor ako. Kapag tinanong na ako ngayon, ang isasagot ko, “Yoga Instructor-slash-Model”. Bloodshed level na to. Usually naman, lahat ng instructor ng Yoga eh sexy. Tapos lalabas ka sa Cosmo etc. with my uber cool pose. Naks! Sikat na ko! Pag-aagawan ako ng Bench, Penshoppe, Levis, Wrangler, Oxygen at Human. Haha. Pero kung ako tatanungin, I would like to sport out a Suit Attire. Cool lang talaga siya.

  3. Pulis/Detective – Gusto ko ung mala-CSI na trabaho. [In our case, SOCO]. Astig nga yung bababa ka sa Santolan Station ng MRT [The MOST interactive station in MRT] tapos naka police attire ka. You somewhat create a sense of authority towards the people around you. Cool din yung blue uniform minus the super beer belly.

  4. Film/TV Director – Kakapanood ko pa lang ng On the Lot kanina. I was truly inspired by their works [Obvious naman na hindi ako mahilig maglagay ng short films nila dito]. Nako, kung mas creative lang ang mind ko, at hindi problema financially ang pag-aaral ko ng film. Haha, may solusyon ngayon dyan sa problema ko. Take Film10! Haha.

  5. Disneyland Crew Member – Kelangan talaga DISNEYLAND eh. Ewan ko. Dun ako nag-enjoy sa Hongkong Trip namin last year. Cool kaya yung uniform nila. Saka ang kyut nila mag-English. Hindi lang naman sa HK Disneyland gusto kong magtrabaho. Pwede rin sa Tokyo, LA etc. Pede rin naman sa Universal Studios [One of the firsts in my itinerary the moment na yumaman na ako] Basta, OK lang sakin yung taga assist ng seatbelt ng mga bata. Wala lang.

  6. Hero – Hindi yung hero na tipong Jose Rizal. Yung hero na may helix gene! As in Hiro Nakamura. Napag-isip isipan ko na ang magiging power ko. Dahil bawal ang magkaparehong powers sa mga Heroes, ang magiging power ko ay Vision-related. [e.g  Adjustable X-ray Vision, 360 Degree Sight, Telescopic eyes at Microscopic eyes.] O diba, uber astig?

  7. Steward – Kung gaano ako nag-enjoy sa Disneyland, ganun din ako nag-enjoy sa Eroplano. Makaka travel ka into different places at binabayaran ka pa. Cool din ang pagpapalit nila ng costume every 15 minutes. [Oo, 2 hrs lang ang flight pero naka ilang palit sila ng costumes].

26 Tugon to “Padre Salvi: The Frustrated Dreamer”

  1. SO TRUE!!! Bihira talaga yung nakakaalam ng ECE… Ako ba yung blockmate mo na may friend na sabi na chem eng’g ang ece at environmental sciences pala sa kanila? Hehehe. Hay. Ang galing ng dream jobs mo a.. =)

  2. Nako naman…gagayahin mo na naman ako. Alam mo namang MODEL na ako and all tapos may balak ka pang samahan ako sa career ko! :) )

  3. mode: star struck pa rin kay Ramon Bautista,

    actually, medyo sikat pa ang ECE kung ikukumpara sa ME. Ung isa nga nating schoolmate, tinanong niya kung anung kors ko. Sabi ko, ME. Tapos sabi niya, “masteral?”

  4. rhoda -ikaw nga yun. haha.

    erwin – kaya nga print ad lang eh. besides, i will be a yoga instructor-slash-model. eh ikaw, full time

  5. tim ang – nako. sikat naman ang me sa mga tsismosa.

  6. lllredlll Sabi ni:

    Ok yung FA (flight attendant/steward). Kaya lang iwas ka sa mga bakla, dami kc bading na FA.

  7. PAKSYET KA JOY!
    hayuup.buti pa ikaw nakita mu si ramon bautista.
    huhu.
    dapat tinawag mu ku!!!waaaaah.
    i sooo love ramon keia. :(
    wa.waw.wa.wa.

  8. red – ganun. haha. di naman matutupad yun eh. di ako magtutourism

    kat – wed yun. nandun ka ba?

  9. pangarap ko din maging detective!

  10. Alam ko ang ECE! Hahaha. Even before entering UP, alam ko na yan! Woohoo! Wala lang.

    Ako nga eh, tinanong ako ng isang engot kung anong pwedeng job ng economics graduate. Ang alam lang niya kasi teacher. WEEEEH.

    Anyway, gudlak sa ES1! Kayang-kaya mo yan! Umpisa pa lang yan! Bwahahahaha. [Marami akong friends na ECE, kaya medyo alam ko ang mga dinadaanan ninyo.]

    GO GO GO!

    [Gusto ko ring maging hero. Naghahanap pa ako ng radioactive spider/cockroach/whatever.]

  11. niknok – ala matt parkman na dyslexic.. haha. joke

    donyaquixote – haha. nako. grabe na.

  12. pareho tayo, isa rin sa mga dream jobs ko ang maging isang yoga instructor then i’ll have my own instructional video with regine tolentino… ewk!

  13. nawala wordpress ko..asar! magrereport sana ako kaso d ko na ginawa. Oh well, as long as my original blog is alive then i’ll be fine in blog world.

    About ECE, tinanong din kita kung ano yun, pero nasagot mo naman sa comment.

    1. Yoga Intructor: Malaki ang kikitain mo dun since indemand ngayon ang hot bodeh!

    2.Print Ad Model – sure

    3.Pulis/Detective – Isama mo pa na yung car mo eh Mercedez or BMW na bullet proof..ganda men! ok din yung mala Law and Order na scene

    4.Film/TV Director – Yeah, ang ganda talaga nung episode nung isang araw about the car and the driver, tapos people around them are moving according to the music… Financially, ask mo si Gloria XD

    5.Disneyland Crew Member – ahaha, Orlando Florida. Laking salary yun! Magkano kaya yung sahod sa EK?

    6.Hero – talo mo pa yung si Neji ng Naruto

    7.Steward – ingat lang sa terorrist. Mahirap na…

  14. isa akong 5th year EcE student sa isang respetadong pamantasan sa maynila… at hindi ko pinagsisisihan na ito ang kinuha ko…

    hahahha…..

    expect mo na napakaraming computations pare koy.

    kung ayaw mo ng math, kailangang gustuhin mo!!!

    hehehe

  15. astig maging detective, pero wag naman pulis LOL. bababa ang dignidad mo. joke.

    kung hero, ako rin gusto ko. naghahanap na ko ng kakagat sa kin. pwede na siguro si madam auring.

    steward? ako naman ang piloto.

    wahahaha, yung tungkol sa UP? hindi tayo karapat dapat i wow sa UAAP LOL. 0-6 men.

  16. baliktad naman ako. feeling ko lahat nalang ng tao gusto mag-ece. haha. la lang. :) )

    pag naging professional advertiser na ako, kukunin kitang model.. ng briefs. hehe. :D

  17. adik ka talaga sa heroes. hehehehe…

    oo nga, maraming hindi nakakaalam sa course natin. :D

    tip nga pala, sumali ka sa IRC Lab nyo jan sa UP. Balita ko magagaling daw ang mga tao jan. they deal on robots and instrumentation. :D

  18. bonniefazzyoo – mas maganda with aras baskauskas! haha

    cielo – driving under the influence ni adam stein
    yun. haha. matutupad lahat yan kapag kasingyaman ko na si bill gates

    kingdaddyrich – gusto ko ng math. ayaw ko ng drawing

    arnel – cool lang yung uniform ng pulis. haha. parang matt parkman

    nika – mag ggym na ko.

    yagit na bata – sa solar lab ako pinapaaffiliate. saka masyadong maaga magdecide para dyan.hirap pa ako sa es1 ngayun

  19. gumawa ako ng gantong entry sa blog ko once. haha. ang number one dream job ko ay maging presidente ng pilipinas. yung next 9 jobs walang kinalaman sa kors ko.

    ay, alam ko pala ang ECE. coincidence na lang na IE ako sa paaralang pinapasukan mo ngayon. 3rd year na. hehe. :)

    at di ako nakikipagsiksikan sa mrt.

  20. elbailarin – haha. ako rin naman eh. haha.

  21. hello malufet yung pagiging detective hehe napadaan lang po.

    xiao!

  22. brath – ganun. haha.

  23. woo! .. ako den gusto kong maging disneyland crew member .. never been there though .. haha! ..

    nakakatawa .. kasi sa amin andaming nakakaalam ng ece .. sabi nga nila, kung gusto mong mag-suicide, take ece .. grabe no? .. haha! ..

    teka, sino si ramon bautista? .. shet! .. di ko siya kilala! .. haha! ..

  24. mark – yung sa mtv. haha. samin din. la clang imik kapag ece na ang pinag-uusapan.

  25. tsk… ece… nakaka frustrate… cpsci nakuha ko, oh well…

  26. ‘tol, paduguan yang ece! basta may alam ka sa math, makakasurvive ka jan! gud luck future engr.!

Mag-iwan ng Tugon