Love Handles
Posted in Kabulastugans, Le Food, Pastorals on September 10, 2007 by Padre SalviKanina sa NISMED Canteen (Scientific Name: Kenneth’s Canteen) ay napagusapan namin nina Toni, Rommin at Chico [The Super Comparative Literature Friends] ang tungkol sa aming body concerns. Kaya nga pumasok ang diskusyon tungkol sa love handles na yan.
Sa mga hindi nakakaalam ng love handles, ito ay simpleng bilbil sa tyan. Toni’s explanation states that when we are showing our love towards our partner [either by dancing, tickling or having sex], we touch our partners in the waist part. Dyahe naman daw kung bilbil ang mahahawakan ni labidabs.
Anyways, speaking of love handles. Andami nang nagsasabing mga high school friends ang nagsasabing tumataba na ako. Ako nga na lagi kong nakikita ang sarili ko sa salamin, di ko napansin. Ewan ko kina Aia at Kim, na ang pinagbasehan lang ay ang aking mga Friendster Pictures. Bahala sila. Tolerable naman ata ang pagtaba ko. Katapat lang siguro nyan ay ang aking paglalakad mula AS papuntang Math Bldg araw-araw. [Sabay kakain ng 1 1/2 rice at ulam na may 2 strawberry at apple na cheesecake]
Sabi nga ng aking katotong si Stephen. Bakit pa ba mag wowork out sa gym?
-
Una, wala naman akong pinopormahan.
-
Pangalawa, di naman dinidiscriminate sa UP ang mga may beer belly na katulad ko.
-
Pangatlo, hindi naman ako heartthrob na may pinapangalagaang trono sa pagpapakilig ng mga babae.
-
Pang-apat, ang sarap kayang kumain!
-
Huli, makakainterfere ang pagwowork out sa studies ko. [Palusot lang to]
Kaya mga friends, bahala kayo sa katawan niyo. Hindi ko naman sinasabi na tularan niyo ang aking lifestyle. Para lang to sa mga katulad kong batugan [ngunit matalino at gwapo at mabait at mapagmahal].
~~
Sasagutin ko na nga ang mga comments niyo sa post na ito at sa mga susunod na posts. Bahala na yang mga Eng10 papers na yan.




