Things I learned in my First Semester

Sa October 5 na ang end ng sem. Paalam mga kaklase ko sa Geog 1, Math 17, Bio 1, Kas 2, ES 1 at Eng 10. Destiny na lang ang magpapalapit sa atin. Sa 4 na buwang inilagak ko sa pag-aaral, marami na akong natutunan at narealize. Ito ang ilan sa kanila. Sana’y makarelate din kayo.

  1. Ang 10-page paper ay hindi ginagawa ng dalawang araw.

  2. Kapag 5-page naman ay hindi ginagawa ng 3 oras.

  3. Hindi ka na mag-aaral sa quizzes.

  4. Isang araw ka lang mag-aaral sa Long Exam.

  5. Ilaan ang isang linggo sa pagbabasa ng 1/2 inch thick na readings of 20 different topics.

  6. Kapag naligaw, cool ka lang. Freshie ka pa rin.

  7. Malayo ang NCPAG sa Engg.

  8. Ngunit malalakad mo ito, lahat ng buildings sa UP ay stone’s throw apart para sa mga students.

  9. Wag sumakay ng UP Ikot kapag pupunta ka ng Engg galing ng SC. Ibababa ka sa Molave.

  10. Sa ES1 ay mahalaga ang punctuality para maabutan ang lesson.

  11. Pero hindi mo naman kailangan makinig dahil pwede ka namang mangopya ng plate.

  12. Sa test ka na lang magcram. Masarap mag-aral sa Engg Lib1.

  13. Makakapasa ka kung mauuuno ng Blockmate mo ang ES1.

  14. At mabait pa ang Student Assistant..

  15. Huwag ipagkalat na may crush ka sa prof. Malalaman yan ng buong classroom except yung prof mo.

  16. Pag may sipon ang blockmate, may sipon ka rin.

  17. May sipon din ang kaklase mo for at least 2 subjects.

  18. Kung anung swerte mo na makabuenas ng swerteng teacher sa isang mahirap na subject ay ayun namang malas mo sa teacher ng isang madaling subject.

  19. WALANG KWENTA ANG CRS.

  20. Wag kumuha ng subject after ES. Malalate ka kung di ka talented.

  21. Maganda tumambay sa AS Entrance Corridor. Makikita mo ang crush mo.

  22. Hindi lahat ng chinito/a ay BA/A at Econ.

  23. May mga taong mahirap hulaan ang course. Lalo na kung Family, Life and Child Development ito.

  24. May tono magsalita ang mga tao sa College of Music.

  25. Sadya namang communicative ang mga tao sa College of Mass Comm.

  26. Bangenge ang mga tao sa Engg. Lalo na sa EEE.

  27. Kapag birthday mo ay end ng sem, gumagawa ka ng paper sa bisperas ng birthday mo.

  28. Maganda mag-PE ng Wednesday.

  29. Monday at Thursday nakakansela ang klase.

  30. Lagi mag News Sharing sa Bio1 under Dr. Herrera.

  31. Masarap matulog sa Engg Lib 2.

  32. NO PRESSURE.

  33. Di ka updated kung hindi mo alam ang latest gallery sa AS Lobby.

  34. Nagiging Antarctica ang PH 207 kapag tumagal ka sa loob.

  35. Ang PH 127 at 128 ay CR ng babae at lalaki respectively.

  36. May room number ang CR sa Faculty Center.

  37. Mabaho ang CR sa first floor Math.

  38. May way para makatakas sa Ate Guard ng Math, may red na pintuan sa room namin (MBAN 101)  all the way to the labas.

  39. Hindi nagchecheck ng ID si Kuya Nieva Guard.

  40. Pinakamabilis magxerox si Joefel ng FC.

4 Tugon to “Things I learned in my First Semester”

  1. Wow… Aliw naman toh.

    I learned that too! Joke. XD

  2. Mabaho ang CR sa first floor Math –> agree.

    Hindi lahat ng chinito/a ay BA/A at Econ. –> definitely.

    Sadya namang communicative ang mga tao sa College of Mass Comm. –> definitely agree. galing ako dyan eh. haha.

    Kung anung swerte mo na makabuenas ng swerteng teacher sa isang mahirap na subject ay ayun namang malas mo sa teacher ng isang madaling subject. –> second the motion.

    Isang araw ka lang mag-aaral sa Long Exam. –> try 2 hours. then again, wag tularan mga tamad tulad ko. haha.

    Ang 10-page paper ay hindi ginagawa ng dalawang araw. –> mas lalong hindi ginagawa ng isang araw.

    WALANG KWENTA ANG CRS. –> super. wala ba namang ibigay na units sakin. >_<

    haha. di halatang naaliw ako diba? =p

  3. Jau

    Naaliw ka nga. Haha

Mag-iwan ng Tugon