What time is it?
It’s sembreak.
Now I feel what sembreak is like for college students.
Badtrip kasi ang sembreak kapag high school. Hindi talaga hahayaan ng mga teachers namin na wala kaming gagawin sa sembreak. Kaya ang nangyayari, nagkakaroon pa kami ng something to cram on pag malapit na ulit ang pasukan. Kaya heto ako ngayon, inuupdate ko na ang aking inaamag na blog dahil wala na akong gagawin. (so far)
Dahil nga sembreak ngayon, nandito lang ako sa bahay all the time. Makakapiling ko na ang aming komunidad ng humigit kumulang na tatlong linggo. Kaya naman magkukuwento ako tungkol sa aming komunidad dito sa Taguig.
May 1995 nung una kaming manatili dito sa Pinagsama Village, Western Bicutan, Taguig. Actually, halos lahat ng may-ari ng kani kaniyang lupa dito ay tubong Makati. Para sa ikabubuti ng kalagayan ng daanan dito sa Maynila, naisipan nilang pagkunektahin ang NLEX at SLEX sa tulong ng isang road, ang President Garcia Avenue. Unfamiliar? C5 lang yun.
Sa kasamaang palad, sumakto ang bahay namin sa mga tatamaan ng sinabing proyekto. Kaya ayun, napilitan kaming lumipat dito sa Taguig. Ni relocate kami ng mabubuting mga citizens ng Metro Manila. Kaya ayun.
Naranasan din namin ang kumulang isang taon na walang kuryente. Siyam na taong walang NAWASA. At hanggang ngayon, ang hindi pagkilala sa mga mapa ng Pilipinas. Bakit ko ba nasabi? Kasi tumawag ako sa Pizza Hut, tapos hindi nila alam ang lugar namin. Baka madali sila sa 30-minute rule kaya hinindian nila ang offer. Anlapit ng konek.
Pero, nakikita naman ang bahay namin sa Google Earth. O diba!
Ayun, sa komunidad namin, streetmates lang ang kilala ko. Sa tagal ba naman namin dito. Kilala na ako ng mga kapitbahay namin. Minasdan ang aking paglaki. (ng ano?) Inobserbahan ang pag-asenso ng isa’t isa. At yun. Kalahati na sa street namin eh hanggang third floor na ang bahay. Haha.
Pero hindi pa rin sila updated sa mga personal na nangyayari sa bawat isa. Marami pa rin ang nagtatanong sakin kung saan nag-aaral si ganito. Si ganun. Nabuntis na pala si ganun. May kabit na si ganyan. Lahat na yata ng mangyayari, nabalitaan ko na sa amin. May shoot out pa promise! Dun sa kanto namin eh inagaw niya ang baril ng sekyu dun sa may sanglaan. Ayun. Nag-amok. Pero naging matiwasay naman ang nangyari kinabukasan. Parang wala lang.
Tapos nakita ko na lang yung teenager na kapitbahay namin na lumalaki na ang tyan. Nyak, nadisgrasya. Sabi na nga ba eh. Haha. Tapos meron nag-aaway. Madalas ito mangyari. Napakacommon na nito to the extent na hindi na lumalabas ang mga tao samin para panoorin ang nag-aaway. Nanonood na lang sila ng Kokey. Kasi hindi nila patatawarin yung nag-away kapag namiss nila ang paglalaban ni Habi at Nicasio. Haha.
Hindi ko rin maiwasan na sagutin ang mga tanong nila sakin. 100 beses na yata nila naitanong kung saan ako nag-aaral at kung anung course ko. Sana magsuot na lang ako ng plakang may nakasulat na UPDiliman BS ECE. Para hindi na sila magtatanong.
Syanga pala, alam niyo ba na 80% ng mga bata samin eh nagaaral sa Makati?
Haha.
——
Sino may dvd ng Grey’s Anatomy Season 1 or The Office?
Oktubre 12, 2007 Sa 4:06 hapon
mukang masaya dyan sa community nyo.. maraming commotions… sa amin.. wala.. walang pakelamanan.. kaya ako.. meron akong kilala sa lugar namin pero eversince I’ve entered high school.. hindi na ako nalabas pa ng bahay.. minsan lang tuwing uutusan.. hehe.. so.. wala akong alam about the community..
masyado kang maalam sa lugar nyo ha.. keep it up!
Ginuggle Map mo pa pala yang lugar nyo..masubukan nga..
Oktubre 12, 2007 Sa 5:13 hapon
Peter
haha. kelangan alam mo kung anung itsura ng bubong niyo para epektib
Oktubre 12, 2007 Sa 5:42 hapon
Parang Wisteria Lane lang ah! HAHA!
Oktubre 12, 2007 Sa 11:18 hapon
Samin naman, nasa muntinlupa ang school ko pero maraming tiga makati.
and yea, HS pa ko so swerte ninyo talaga at may SEM BREAK kayo. wala na nga kaming sembreak talaga, matagal pa ang so-called oneweek sembreak. XD
thanks for visiting my site
Oktubre 12, 2007 Sa 11:45 hapon
Jhed
Desperate Teenagers naman yung samin. May mga hunks. May mga babes. Tapos naglalandian sila. Ako naman yung narrator.
Oktubre 12, 2007 Sa 11:46 hapon
Karla
Haha. Zobel ba naman. Andaming mayayaman dyan. Mga galing Bel Air at Forbes.
Oktubre 13, 2007 Sa 9:58 umaga
hi.
wala lang.. napadaan. buti nga kayo sembreak na.. kami laging extended ang sem
Oktubre 13, 2007 Sa 10:43 umaga
HEROES. nice header.
hahaha, may mga ganyang tao tlga eh noh. di ka nila tatantanan sa mga tanong na khit ilang beses na natanong eh tatanungin parin sayo. dala siguro yan ng memory gap.
buti pa kayo sembreak na. kami tuloy-tuloy parin.
daan lng.
ingat.
Oktubre 13, 2007 Sa 2:21 hapon
Nako, buti pa kayo sem break na. Ako sa 23 paaaaaaaa. Bwiset.
Anyways, enjoy your first sem break.
Oktubre 13, 2007 Sa 2:24 hapon
Jeme
Oh? Buti sa UP Dil. Maaga ang break. Ngunit maaga ang pasukan.
Oktubre 13, 2007 Sa 2:28 hapon
Patty
Basta Heroes, nice lagi yun! Haha. Go lang sa tuloy tuloy na pasok!
Oktubre 13, 2007 Sa 2:28 hapon
Monique
Haha. Maaga naman pasok namin. Haiz
Oktubre 13, 2007 Sa 8:11 hapon
salamat sa pagdaan. nako, gustung gusto ko na mag sembreak.
Oktubre 13, 2007 Sa 8:18 hapon
Rachelle
Haha. Sinong may ayaw ng sembreak?
Oktubre 13, 2007 Sa 10:32 hapon
Go! Forward Taguig!
Oktubre 14, 2007 Sa 12:13 umaga
hanepp.
)
)
pag wuhla talagang magawa ee kung anu anu na lang napapasak sa isip.
go go go taguig.
Oktubre 14, 2007 Sa 2:00 umaga
Queer As Folk na lang. Kaya lang di ko na napapanood yun e.
Oktubre 14, 2007 Sa 4:09 umaga
Randomization of my Mind
by Carl Joy Dayandante
Crumples of paper on the floor
The wind is blowing from the door
I feel the chill, it numbs my hands
The tree is now swaying as it stands
The tint of the ballpen is fading away
As the tree’s leaves stopped to sway
But I’m still cold, my mind is still freezing
I’m now starting to hear the crickets chirping
The room is now quiet; I’m fighting with my sleep
Did I ever realize that I’m now counting the sheep?
How will I ever finish the line?
The moon is now starting to shine
I woke up, my snore is so loud
The sun is now shining beyond that wild cloud
My hopes of completing this poem is gone
Will I ever have the will to make another one?
Oktubre 14, 2007 Sa 1:12 hapon
yey! salamat ng marami.
tulungan ang burma!
Oktubre 14, 2007 Sa 2:03 hapon
ganyan din ang eksena sa lugar namin. although hindi ko pa natatry na magpadeliver ng picha hat sa bahay ramdam ko naman na kilala yung lugar namin.. at ang c5 pala ay pagtatangka na ikunek ang nlex sa slex.. nagtagumpay ba sila? prang anlayu ata ah..
sembreak?! gusto mo ba ng group eb ng bloggers? he he.. wala lang…
ps
yung kaklase ko may greys anatomy na dibidi..
Oktubre 14, 2007 Sa 3:36 hapon
First time dumaan dito. Hehe.
Musta?
Buti pa ang UPD, sembreak na.
Oktubre 14, 2007 Sa 5:06 hapon
hala naman! ang chorba mu!

hahaha!
monopoly!!!
waaaaaaah!!!
hehehe
inaasahan ko na may PBB celeb edition na dito..
tsk..
anu ba yan!
hehehe
makaalis na nag.
hehehe..
Oktubre 14, 2007 Sa 5:18 hapon
Tim
Backward other cities! Haha.
Trivia:
Kaya Forward Taguig yun… kasi Freddie Tinga. Yun lang.
Oktubre 14, 2007 Sa 5:19 hapon
Jonell
Ok. Ok na ko sa QAF.
Haha. Di mo nakita yung French Poem ko sa may ibaba nun.
Oktubre 14, 2007 Sa 5:21 hapon
Kat
Sumasabay na ba sa Makati? Nah. Mukha lang asenso ang Taguig dahil sa The Fort.
Oktubre 14, 2007 Sa 5:22 hapon
Patty
Haha. Kahit sa blog lang ay matulungan ko sila.
Topic ko ito sa Eng10 position paper. Online Activism.
Oktubre 14, 2007 Sa 5:23 hapon
KDR
Sembreak means no money!
Haha. Lahat na yata ng food chains, nagbaback out dahil sa unknownness ng lugar namin.
Oktubre 14, 2007 Sa 5:23 hapon
Yam
That’s why I love UPD.
Oktubre 14, 2007 Sa 5:24 hapon
Marife
Sa Blogspot ako magpopost ng PBB.
Oktubre 14, 2007 Sa 7:01 hapon
ang bobo ko talaga.
pasensya.
hindi ako nakapunta sa up. tae ka kasi. ayaw sumama.
Oktubre 14, 2007 Sa 7:22 hapon
Jonell
Sa susunod na lang. Lagi namang may play ang DUP.
Oktubre 14, 2007 Sa 8:51 hapon
buti pa kayo sembreak nyo na.. kami? hindi pa! wahh.. next week pa ata amin eh. pag minalas malas eh sasabay yung sembreak sa practice sa kwan namin.. wahh, wala rin. hehe. ^_^
argh..
Oktubre 15, 2007 Sa 7:41 umaga
Earthlotus
Actually, kami lang ang may sembreak. Fortunate enough na natapos na last week lahat yung finals namin. Kaya enjoying the free days! Haha.
Oktubre 16, 2007 Sa 4:09 hapon
buti pa ‘yung mga kapitbahay mo kilala mo. Ako hindi. haha. six years na kaming nakatira rito sa lagay na ‘yan ah.
Oktubre 16, 2007 Sa 5:22 hapon
Joanne
Makikilala niyo rin yan..
Oktubre 16, 2007 Sa 9:35 hapon
hoy anonng petsa na! Heroes Season 2 na, hehehe, should I spoil youu or what? I have Grey’s 1-3 FYI
Oktubre 17, 2007 Sa 10:09 umaga
Hethler
I’m patient enough to wait for season 2 sa rpn.