BBP - Boy Band Peeber
Posted in Kabulastugans, Le Musique, Pastorals on November 12, 2007 by Padre SalviWanted: Mga Lalaking sumisigaw, may formation at may assigned na linya kapag kumakanta.
Magsawa kayo kay Nick Carter sa video na ito.
Kung nakalimutan niyo na, nung 1998 - 2002 naging hit sa buong mundo ang mga tinatawag nating Boy Bands. Binubuo sila ng [let x=number of members] 2<x<6 na mga lalaki [pwedeng closet gay] na kumakanta at nagpapakyut sa kanilang mga music videos. Honestly, nahook din ako sa fever na ito. Evident pa rin sa akin na miyembro ako ng fans club ng Westlife. Kabisado ko pa ang kanilang mga hit singles like My Love, Fool Again, World of Our Own etc. Mapapakinggan niyo rin ito sa aking mahiwagang mp3 player. Nandyan si Toni para sa aking testigo.
Nung time na yun, nauso sa mga text channels ang pakikipag-away sa mga fans ng kabilang boyband. Westlife vs A1 vs Backstreet Boys vs N’Sync vs Blue vs other pipitchuging boy bands. Kung nahook ka rin noong araw, malamang eh namroblema, nakigulo o alam mo ang mga bagay na ito.
- Naguguluhan ka kung sino ang pinakaguwapo sa lahat. Si Nicky ba ng Westlife, si Daniel ng A1, si Nick ng BSB o si Justin ng N’Sync?
- Nagtetext ka sa Myx o sa Vid-ok para manguna ang iyong favorite band.
- Dahil may lyrics ang channels na nasa itaas, madali mong makakabisado ang kanilang kanta. Kahit pa sa bandang kinaayawan mo.
- Andaming posters na nagkalat sa mga tindahan. Puro sila lahat.
- Kumakanta ka kasama ng iyong mga kasama by parts.
- Inaabot mo rin ang mga matataas na nota, or magpapalusot na part lang ng isang mababang boses na member ang kinakanta.
- Kapag may christmas party o kung anu mang selebrasyo, laging may kumakanta ng isa sa mga hit singles ni isa sa mga boy band na nasabi.
Haha. Guilty ka no? Ok lang yan. Ako ang karamay mo.




