BBP – Boy Band Peeber
Wanted: Mga Lalaking sumisigaw, may formation at may assigned na linya kapag kumakanta.
Magsawa kayo kay Nick Carter sa video na ito.
Kung nakalimutan niyo na, nung 1998 – 2002 naging hit sa buong mundo ang mga tinatawag nating Boy Bands. Binubuo sila ng [let x=number of members] 2<x<6 na mga lalaki [pwedeng closet gay] na kumakanta at nagpapakyut sa kanilang mga music videos. Honestly, nahook din ako sa fever na ito. Evident pa rin sa akin na miyembro ako ng fans club ng Westlife. Kabisado ko pa ang kanilang mga hit singles like My Love, Fool Again, World of Our Own etc. Mapapakinggan niyo rin ito sa aking mahiwagang mp3 player. Nandyan si Toni para sa aking testigo.
Nung time na yun, nauso sa mga text channels ang pakikipag-away sa mga fans ng kabilang boyband. Westlife vs A1 vs Backstreet Boys vs N’Sync vs Blue vs other pipitchuging boy bands. Kung nahook ka rin noong araw, malamang eh namroblema, nakigulo o alam mo ang mga bagay na ito.
- Naguguluhan ka kung sino ang pinakaguwapo sa lahat. Si Nicky ba ng Westlife, si Daniel ng A1, si Nick ng BSB o si Justin ng N’Sync?
- Nagtetext ka sa Myx o sa Vid-ok para manguna ang iyong favorite band.
- Dahil may lyrics ang channels na nasa itaas, madali mong makakabisado ang kanilang kanta. Kahit pa sa bandang kinaayawan mo.
- Andaming posters na nagkalat sa mga tindahan. Puro sila lahat.
- Kumakanta ka kasama ng iyong mga kasama by parts.
- Inaabot mo rin ang mga matataas na nota, or magpapalusot na part lang ng isang mababang boses na member ang kinakanta.
- Kapag may christmas party o kung anu mang selebrasyo, laging may kumakanta ng isa sa mga hit singles ni isa sa mga boy band na nasabi.
Haha. Guilty ka no? Ok lang yan. Ako ang karamay mo.
Nobyembre 14, 2007 Sa 4:26 hapon
boyband! haha.
ginagaya namin ng mga blockmates ko yung music video ng mga boyband kapag nakakarinig kami ng kanta nila, habang kumakain sa 7-11.
Nobyembre 14, 2007 Sa 5:13 hapon
[...] Check it out! While looking through the blogosphere we stumbled on an interesting post today.Here’s a quick excerptBBP – Boy Band Peeber November 12, 2007 – 9:40 pm Posted in Kabulastugans, Le Musique, Pastorals Comments (1) Wanted: Mga Lalaking sumisigaw, may formation at may assigned na linya kapag kumakanta. Magsawa kayo kay Nick Carter sa video na ito. Kung nakalimutan niyo na, nung 1998 – 2002 naging hit sa buong mundo ang mga tinatawag nating Boy Bands. Binubuo sila ng [let x=number of members] 2 [...]
Nobyembre 14, 2007 Sa 5:18 hapon
mabuhay si padre salvi!
mabuhay!
mabuhay!
mabuhay!
wala lang.
trip.
Nobyembre 14, 2007 Sa 6:09 hapon
boyband? hahahaha.
Nobyembre 14, 2007 Sa 6:55 hapon
Tim
Mukha nga kayong laging gumagawa ng music video.
Ang Nick Carter niyo ay si Bong.
Nobyembre 14, 2007 Sa 7:00 hapon
Marlon
Tama si Joanne. Nabuhay ka nga.
Nobyembre 14, 2007 Sa 7:00 hapon
Joanne
Nako.
Nobyembre 14, 2007 Sa 8:51 hapon
naku. haha. gusto ko dati si Lance Bass (nakalimutan ko na kung saan siya!). kaso, ayun, turned out gay. naku naku.
sa m2m ako nahook nun eh.
oh my pretty pretty boy efek tsuba. haha.
Nobyembre 14, 2007 Sa 9:11 hapon
Jodesz
Lance Bass = N’Sync.
Haha. m2m. I remember.
Nobyembre 15, 2007 Sa 9:33 umaga
hahahaha. boyzone may bading din. wahehehe. pero i like the songs of westlife. khit ngaun enjoy pakinggan. Whooo! Moffats! Wahahaha!
Nobyembre 15, 2007 Sa 5:07 hapon
naaalala ko ang mga kaadikan at mga kalokohan ko nung grade six pa ako… pero nakakasawa na ngayon…
may formation at may assigned na linya kapag kumakanta.
nakakatawa yun, ha…
Nobyembre 15, 2007 Sa 6:16 hapon
Kuya Elmo
Di ko na sila kilala. Batch mo na yun eh. Joke!
Haha.
Nobyembre 15, 2007 Sa 6:17 hapon
Grace
Haha. Remember the days.
Nobyembre 15, 2007 Sa 8:17 hapon
moffats? woooh! dba iyon ung mga magkakapatid ata na iyong iba mahahaba iyong buhok? tapos parang mga nagcut lang ng klase nila kasi mga binatilyo pa. haha.
nakita ko sila sa may songhits ng tito ko.
eh anyone remeber MENUDO? boyband ata iyon. kinahuhumalingan ng nanay ko nun.
Nobyembre 16, 2007 Sa 7:40 umaga
Jodesz
I know Menudo. It includes Ricky Martin.
Nobyembre 16, 2007 Sa 8:21 umaga
alam mong alam kong gusto mo ito at hindi ko gusto ito kaya wala akong sasabihin tungkol kay nick carter.
ayun nga. tumatawag ka sa wala. naka-ilang araw nang walang dial tone ang 640-phone. sabi ko ipatanggal na. wala na kaming telepono.
Nobyembre 16, 2007 Sa 9:06 hapon
Frosti
Di ko gusto si Nick Carter. Haha. Nako. Magpakabit kau ulit.
Nobyembre 17, 2007 Sa 7:13 umaga
sabi mo hindi mo na ako tatawaging *toot*.
tae ka talaga. i hate you.
Nobyembre 17, 2007 Sa 7:55 umaga
Jonell
Pinaalala mo na hindi ko napanood ang Survivor kagabi. Naalis ka tuloy sa Survivor: China.
Nobyembre 17, 2007 Sa 10:55 hapon
oy band?! wahh.. nasusuka ako.. ha ahhaha
aus sana mga kanta nila eh… but adding the dancing and stuff… para silang mga tanga!
Nobyembre 18, 2007 Sa 6:35 hapon
KDR
Haha. Oo nga. I love their songs. Mukha lang silang tanga.
Nobyembre 18, 2007 Sa 7:06 hapon
haha boyband… me naalala ako. naadik din ako dyan no’ng araw eh. nong grade three ako. pero ngayon hindi na. mas gusto ka na ang pinoy bands.
Nobyembre 18, 2007 Sa 7:36 hapon
Mary Grace
Haha. Ako. Equal pa rin.