Padre Salvi in Hongkong
1/6 of the World’s population are Chinese. Di mo feel? Sa Hongkong pa lang, magsasawa ka na.
Nang-imbita ulit si nanay na pumunta ulit ng Hongkong. Kung nabasa ninyo ang post ko noong nakaraang taon, nasa Hongkong kami noon. Ibig sabihin, baka makita niyo kaming pagala-gala doon tuwing first week of December. Pero di naman every year.
Hongkong at night
Dahil tinatamad akong magsulat in paragraphs, ibubullets ko na lang ang aking mga hinaing.
Naamaze ako sa:
-
Honesty ng mga tao doon - ang bus fare mo ay isushoot mo lang sa parang alkansya nila. Di na bibilangin ng driver. Pati sa train nila. Kalahati lang ang bayad ng bata sa matanda. Pero walang nagmomonitor kung ang ticket mo ay pambata o pangmatanda. Naisip ko tuloy na kung mga Pilipino yun, bibili sila ng pambata para makatipid. Hay nako, minsan ayoko ng pagiging resourceful ng mga Pilipino. It is pushed to the limits.
-
Harry Potter sold in Vending Machines – Oo. May Harry Potter sa Vending Machine. It’s the coolest thing I’ve ever seen.
-
Twice the size of our Yakult - Haha. May Yakult Grande pala. Eenjoyin talaga to ng mga Yakuleros out there.
-
7-11 everywhere – sa tren, sa kalsada. Kahit saan may 7-11
-
The Elders are alive and kicking – game na game ang mga matatanda sa lahat ng rides sa Amusement park. Baka mapahiya ka pa kung ikaw dyan eh takot na takot sumakay sa roller coaster tapos sila, nangunguna pa sa pila. Tapos, yung mga service crew pa nila, mga matatanda din. Sa 7-11, Mcdonalds etc. Lahat yata ng kabataan nila, napunta sa Disneyland.
-
Cool Costumes -ang costume ng mga taga Disneyland ay super cool, to the point na gusto mo nang magtrabaho dun.
-
The English Name Mania – nagsstart na nga silang yakapin ang English sa kultura nila kaya nagsisimula na sila sa kanilang mga pangalan. Lahat na yata ng maisip mong English name, meron na. Natawa lang ako dun sa guard na ang pangalan ay Vincent. Pangalan kasi ng bata ang Vincent, pero matanda yung guard na yun. Sa Ocean Park naman, Wendy ang pangalan nung isang nagpapatakbo ng children’s ride.
-
The Cool Train System – buong Hongkong ay nakakunekta sa iisang train system. Kaya naman one stone’s throw away lang ang mga lugar doon dahil all you need is one ticket [to paradise].
- The Dirtless, Pollutionless City -kaya Ok lang siguro sa mga tao doon ang hindi pagligo dahil di ka naman masyadong madudumihan doon. Mayayaman lang kasi ang may kotse doon. Halos lahat ay umaasa sa tren, taxi at bus kaya naman hindi masyadong polluted ang mga daan, at wala pang traffic. Isa pang maganda dun, kapag pinawisan ka eh hindi ka naman manlalagkit.
- Cool Airport - ang airport na yata nila ang busiest among the others. Kaya naman super laki nito at super nakakatuwang pasukan.
- The Hi-Bye system - Sabi ko nga, niyayakap pa lang nila ang English kaya naman ang number one sa kanilang vocabulary ay ang Hi at Bye. Hindi sila nahihiyang isigaw ang words na ito sa mga dayuhan na makakasalamuha nila. Lalo na sa Disneyland, mga matatanda pa ang mga nagmimistulang bata dahil sa Hi-Bye system na ito.
Pictures pala. Nasa multiply. Wala pa yung Ocean Park. Nasira kasi yung Camera sa Disneyland. Haha. Nasa selepono ni nanay ang pics namin dun.
Eto patikim.

Human Sized Buzz Lightyear
Ang Walang Kamatayang Disneyland Garden Pic


Disyembre 5, 2007 Sa 7:48 hapon
kaya pala nakita kita noong ako’y namamalimos sa hongkong…. hehehe…
Disyembre 5, 2007 Sa 9:01 hapon
Mr. Pencil
Oh. Ikaw yung kumakanta dun? Joke.
Disyembre 5, 2007 Sa 9:04 hapon
sarap sigur(ad)o ng buhay sa hk. nagiging kamukha mo na tuloy si mickey mouse at si buzz lightyear sa kakapasyal.
Disyembre 5, 2007 Sa 9:31 hapon
wow buti ka pa. ako miss ko na japan lolz.
Disyembre 5, 2007 Sa 10:46 hapon
Grace
Haha. Matagal na kong Buzz Lightyear. Haha.
Disyembre 5, 2007 Sa 10:47 hapon
Arnel
Haha. Buti ka pa, nakaJapan na.
Disyembre 5, 2007 Sa 11:51 hapon
Gusto ko din pumunta sa HK (kasi may Disneyland) pero di kami do’n pupunta this Christmas kundi sa Singapore. Ayos lang din.
Disyembre 6, 2007 Sa 4:09 hapon
hong kong… where east meets west. yun ba yon? sana makapunta rin ako doon samdey.
Disyembre 6, 2007 Sa 6:31 hapon
“The English Name Mania”
-mas maganda pa rin kung hindi sila masyadong gagamit ng mga english names.. Mas maganda yung kung ano talaga yung nakagawian nila.. Cute pa rin talaga pakinggang yung mga chinese names.. Swerte mo nakapunta ka na dyan.. pag sawa ka na sa hongkong, minsan try nyo din pumunta ng korea.. Super ganda din daw dun..
Disyembre 6, 2007 Sa 6:41 hapon
cguro, pede mo xang palitan kung umuuga-uga na. gandang sideline yon.
Disyembre 6, 2007 Sa 11:23 hapon
Skwayred
Balak din ni Ina na pumunta ng Singapore. Haha. Kewl sa Hk I tell you.
Disyembre 6, 2007 Sa 11:24 hapon
Chalk Dust
Haha. Kapag nagkatrabaho ka na. Masaya mangibang bansa, for a pasyal.
Disyembre 6, 2007 Sa 11:25 hapon
Angel
Haha. Mas maganda ang English names. Mas madaling kabisaduhin. Para sa ikauunlad ng mundo ito.
Disyembre 6, 2007 Sa 11:26 hapon
Grace
I’ll get to that. Pero uunahin ko muna ang pagiging crew ng Disneyland.
Disyembre 7, 2007 Sa 11:54 umaga
wow saya naman!
Disyembre 7, 2007 Sa 6:31 hapon
Dean
Talaga!
Disyembre 7, 2007 Sa 9:12 hapon
ang kewl naman. wala lang.
Disyembre 7, 2007 Sa 11:22 hapon
Joanne
What a comment.
Disyembre 9, 2007 Sa 10:41 hapon
waw, ibang klase kang mangarap
Disyembre 20, 2007 Sa 11:30 hapon
Grace
Haha. Mangangarap na nga lang. Lubusin na!