We’re like Ocean’s Eleven, Faraday!

fara-edited.jpg

Ipinaalala ni Nika sa akin ang Faraday. Namimiss ko ito ng sobra. Nostalgic na naman ako. Iniisip ko lahat ng mga happenings na kasama ko ang IV – Faraday. Lahat yata ay kawalang hiyaan. Eto ang ilan sa mga hindi ko talaga malilimutang sandali:

  • 696 [The Faraday D-Day] - Kaya 696 ay dahil nangyari ito noong September 6, 2006. Dahil sa sobrang pagkatamad naming umattend ng aming Values Subject ay naisipan naming taguan ang aming Values Teacher na si Gng. Eugenia Jamito. Tamang-tama at ang naunang subject namin ay TLE na subject ng aming butihing Adviser na si G. Job Alzaga Ferrer. Nagtago kami sa TLE Room at kami nama’y pinagtakpan ng nasabing adviser. Pagkaalis niya’y nakonsensya kami at bumalik sa aming classroom. Sabi nami’y naglinis kami ng Robotics Room.
  • Kapag pinagalitan, yumuko; Kesehoda at ilan pang mga aral sa buhay na matututunan kay Bb Adoracion San Pascual – Kesehoda. Ibig sabihin ay “bahala na kung…” Talaga namang enjoy ang bawat Filipino Class namin dahil sa mga mabibigat na sermon ng aming resident “Aling Dory”. Isa pang hindi ko malilimutan ay ang sermon niya tungkol sa mga estudyanteng pinapagalitan. Kailangang wag ka tumingin ng derecho sa taong nagagalit sayo to show some respect. Ang ibig sabihin daw nun ay pagpapakumbaba. Lastly, namimiss ko na ang malutong niyang Punyeta. Haha.
  • The Lupe Scandal – Naisipang magdala ng cd itong kaklase naming si Hans. “Lupe” starring Andrea del Rosario. Katatapos lang kasi ipalabas ng Merchant of Venice na aming topic sa English IV. Napabayaan kami sa loob ng AVR kaya nagdesisyon sila na iplay ang Lupe CD. Eh biglang dumating si [Yaya Lupe] at sinabing may klase kami sa subject niya. Habang nagkaklase kami’y naglalaptop siya tapos may nagpakalat na nanonood daw siya ng Lupe sa laptop na iyon. Thus, she garnered the nickname Lupe. [We included Yaya because of our hatred towards her]
  • Ang Istorya ni Lupe at Ian – Mahaba ang narating ng istoryang ito. Nagsimula ito ng makita naming magkasama ang Resident Chickboy-slash-Clown-slash-Physics Teacher-slash-Basketball Coach na Sharp Shooter-slash-Dennis Trillo Lookalike-slash-Beer Belly Boy na si G. Andrian Mesa. Thus, the story of “Ian” and “Lupe” was formed. Dito nabuo ang kwento ng Faraday Family kung saan si “Kuya Ian” ang panganay ni Mami Xyrza at Daddy Job [See this post for a background of the Faraday Family] na nagkarelasyon sa aming Yayang si Lupe. The story goes on and on and on.. Isinabuhay ang kwentong ito sa aming Exhibit sa susunod na bullet.
  • Ang Paghihiganti ni Lupe – Ito ang Science Exhibit namin. Science Exhibit??? Oo. Pinasukan yan ng Science. Pero ito’y isang horror house. As you go on the “House of Lupe” may kokolektahin kang mga piraso ng panyo na makukuha mula sa mga multong nagtatanong ng tungkol sa Science. [Ako Master ng Station 1]. Nabasa niyo naman siguro ang istorya ni Lupe sa previous bullet. Pero ang nangyari kasi eh pinatay daw ni Mayordoma [yet another character] si Lupe dahil forbidden ang pagmamahalan nila ni Ian. Haha. Trabaho ng pumapasok sa exhibit namin na tulungan si Lupe. What a crazy story..
Ayan. Halata namang namiss ko talaga ang High School.
I Love You Faraday!!
We’re like Ocean’s Eleven.
Remember the Ipod, The Gm’s and other
foolproof techniques during our Periodical Tests?
Haha. Scandalous! [and Libelous!]
Para makita ang post ni Nika sa Multiply.. click here.

14 Tugon to “We’re like Ocean’s Eleven, Faraday!”

  1. have a blessed 2008!!

    haha.. ako naman, new year’s resolution: magpataba!!

    haha!!

  2. ang onti n’yo sa klase. bakit ‘yung isa iba ‘yung kulay ng uniform?

  3. aaaaaaaaaaa. scandalous! libelous! awwwww. :( ((((

  4. Mr Pencil

    Isang Manigong Bagong Taon din sa iyo.

  5. Joanne

    Kaunti lang talaga kami. 32 na ang pinakamarami.

    Dun naman sa kakaibang uniform, iyon ang bagong uniform ng Makati. Hindi lang inimplement sa batch namin. Kung baga, uubusin ang lahi ng mga lumang uniform.

  6. Nika

    Haha. Libelous ka. Ikaw naaalala ko dun.

  7. haha it was fun reading that post.

    miss ko rin ang high school life. haaay.

  8. DQ

    Grabe. Enjoy talaga. Nakakamiss![ang kalai.. joke]

  9. wow! na-miss ko bigla ang high school life ko…

    happy 2008 po! :D

  10. Sherma

    Ako ngang isang taon lang nawalay sa pagiging high school eh.

  11. hahaha! ang saya. :] nakakamiss nga..
    (kala mu kung faraday eh’noh.. wahahaha!)

  12. Marife

    Oo nga. Kala mo kung Faraday. Haha.

  13. waw, antindi nman ng pagkakaibigan nyo… kipitap ha

  14. Grace

    Syempre naman. Haha. I lab Faraday.

Leave a Reply