Archive for December, 2007
Mga Pangungumpisal ni PadreSalvi
Posted in Blind Item, Jinxes, Kabulastugans on December 7, 2007 by Padre SalviHaha. Kinuha ko to mula sa baul ni Joanne. Ang cool kaya ng post na ito. Ako na ang mangungumpisal ngayon.
Direksyon:
Sumulat ng mensahe o saloobin mo sa kinseng katao sa mga susunod na numero nang hindi sinasabi kung sino sila. Malaya kang manumbat, manisi, magmura (huwag naman), magtapat (yikee!) o magsabi ng kahit anumang gusto mong sabihin sa kanila.
Game!
- Haha. Crush pa naman kita. Pero mukhang may boyfriend ka na eh. Nakita ko sa Friendster Account mo. Crush lang to. Walang promotion to the next level. Sana makita kita ulit sa jeep.
- Amplastik mo talaga grabe. Kala mo naman, desperado akong maging friend kita. Hoy, imudmod ko yang mukha mo sa snow. Ang sarap mong murahin.
- Ikaw, number 3, wala lang. Binura ko na ang nakaraan. Alam kong masaya ka na sa ginagawa mo ngayon.
- Four, good luck sa pag-ibig mo. Support lang ako sayo all the way. Text kalang sakin. Pero di ako pwedeng maging love doctor, alam mo naman yon.
- Di mo pa rin ata nahahalata na may inis sayo si number 6. Mag-usap na kaya kayo.
- Six, kausapin mo si number 5. Ikaw na gumawa ng paraan. Baka lumala pa yan. Hala. Kawawa kami ni number 4 kapag nagkagulo.
- Haha. Natutuwa ako na sanay na pala ako sa kadramahan mo. Mahigit isang taon na rin tayong magkakilala. Kamukha mo talaga si Frosti. Wala lang. Pahiram ng Queer as Folk mo. [grabe, kung di mo pa nakilala sarili mo]
- Oi, meet tayo in person. Isang jeep ka lang naman eh. Oo. Ikaw yun, wordpress blogger. Isasama ko si number 7 at si Martin. Bloggers reunion tayo. Ikaw nga yon. Sinabihan na kita na may message ka dito. Eto na yung message na tinutukoy ko.
- Oi. Haha. Ang vain mo kaya. Hindi ko tinetake as negative to. Pero ma pagkairita kasi ako sa sobrang vain. Not just in terms of photos. But, the being OC. Wala lang. Maaadapt ko naman siguro yun.
- Sorry kung lagi akong parasite. I will try to be mutual. Haha. Ikaw nagtuturo sakin pero mas mataas pa nakuha ko na grade kesa sayo. Haha.
- Haha. Feel na feel na natin ang pseudo relationship. Baka di ito maintindihan ng ibang tao. Alagaan daw kita sabi ng special someone mo. Naging babysitter pa tuloy ako.
- I hate your character. Nakakairita ka lang. Pero tolerable naman. Pero ulit, kapag sumobra, nakakainis talaga.
- Haha. Bat ba super pawisin ka? Nakakadiscourage tuloy tumingin sayo. Eh kailangan ko pa naman yon para makauno. Gamitin mo yung portable electic fan mo lagi.
- Haha. Nagtago ka pa para hindi ko makita ang picture niyo. Nako. Matagal ko nang alam yan. Sinabi na sakin dati ng ex mo. Sige. Alagaan mo siyang mabuti.
- Bakit ang suplado mo? Ambaba nga ng ibinigay mo saking score sa test. Buti nalang mabait yung ibang nagcheck. Nako.
Padre Salvi in Hongkong
Posted in Hongkong, Pastorals, Pics on December 5, 2007 by Padre Salvi1/6 of the World’s population are Chinese. Di mo feel? Sa Hongkong pa lang, magsasawa ka na.
Nang-imbita ulit si nanay na pumunta ulit ng Hongkong. Kung nabasa ninyo ang post ko noong nakaraang taon, nasa Hongkong kami noon. Ibig sabihin, baka makita niyo kaming pagala-gala doon tuwing first week of December. Pero di naman every year.
Hongkong at night
Dahil tinatamad akong magsulat in paragraphs, ibubullets ko na lang ang aking mga hinaing.
Naamaze ako sa:
-
Honesty ng mga tao doon - ang bus fare mo ay isushoot mo lang sa parang alkansya nila. Di na bibilangin ng driver. Pati sa train nila. Kalahati lang ang bayad ng bata sa matanda. Pero walang nagmomonitor kung ang ticket mo ay pambata o pangmatanda. Naisip ko tuloy na kung mga Pilipino yun, bibili sila ng pambata para makatipid. Hay nako, minsan ayoko ng pagiging resourceful ng mga Pilipino. It is pushed to the limits.
-
Harry Potter sold in Vending Machines - Oo. May Harry Potter sa Vending Machine. It’s the coolest thing I’ve ever seen.
-
Twice the size of our Yakult - Haha. May Yakult Grande pala. Eenjoyin talaga to ng mga Yakuleros out there.
-
7-11 everywhere - sa tren, sa kalsada. Kahit saan may 7-11
-
The Elders are alive and kicking - game na game ang mga matatanda sa lahat ng rides sa Amusement park. Baka mapahiya ka pa kung ikaw dyan eh takot na takot sumakay sa roller coaster tapos sila, nangunguna pa sa pila. Tapos, yung mga service crew pa nila, mga matatanda din. Sa 7-11, Mcdonalds etc. Lahat yata ng kabataan nila, napunta sa Disneyland.
-
Cool Costumes -ang costume ng mga taga Disneyland ay super cool, to the point na gusto mo nang magtrabaho dun.
-
The English Name Mania - nagsstart na nga silang yakapin ang English sa kultura nila kaya nagsisimula na sila sa kanilang mga pangalan. Lahat na yata ng maisip mong English name, meron na. Natawa lang ako dun sa guard na ang pangalan ay Vincent. Pangalan kasi ng bata ang Vincent, pero matanda yung guard na yun. Sa Ocean Park naman, Wendy ang pangalan nung isang nagpapatakbo ng children’s ride.
-
The Cool Train System - buong Hongkong ay nakakunekta sa iisang train system. Kaya naman one stone’s throw away lang ang mga lugar doon dahil all you need is one ticket [to paradise].
- The Dirtless, Pollutionless City -kaya Ok lang siguro sa mga tao doon ang hindi pagligo dahil di ka naman masyadong madudumihan doon. Mayayaman lang kasi ang may kotse doon. Halos lahat ay umaasa sa tren, taxi at bus kaya naman hindi masyadong polluted ang mga daan, at wala pang traffic. Isa pang maganda dun, kapag pinawisan ka eh hindi ka naman manlalagkit.
- Cool Airport - ang airport na yata nila ang busiest among the others. Kaya naman super laki nito at super nakakatuwang pasukan.
- The Hi-Bye system - Sabi ko nga, niyayakap pa lang nila ang English kaya naman ang number one sa kanilang vocabulary ay ang Hi at Bye. Hindi sila nahihiyang isigaw ang words na ito sa mga dayuhan na makakasalamuha nila. Lalo na sa Disneyland, mga matatanda pa ang mga nagmimistulang bata dahil sa Hi-Bye system na ito.
Pictures pala. Nasa multiply. Wala pa yung Ocean Park. Nasira kasi yung Camera sa Disneyland. Haha. Nasa selepono ni nanay ang pics namin dun.
Eto patikim.

Human Sized Buzz Lightyear
Ang Walang Kamatayang Disneyland Garden Pic







