Archive for January 15, 2008

Chem Prof

Posted in Blind Item, Studies, UP on January 15, 2008 by Padre Salvi

“Mr. Dayandante!”

Nagulat ako. Wala na siyang hawak na index card. Tumingin siya agad sa akin. Tinanong ako kung ano ang Effusion at Diffusion. Hindi ko alam. Sinagot ko na lang ang natutunan ko mula nung high school. Diffusion lang ang alam ko. Pero mabait naman siya. Hindi niya ipapaalam sa iyo na mali ka. Ikaw na lang makakaisip nun sa sarili mo. Isa siyang magaling na propesor. Kahit mahirap ang asignatura’y kay saya saya niyang ipinapaliwanag.

Siya ay naniniwala pa ring bomb explosion ang nangyari sa Glorietta.

Hindi dapat tayo “Nagkokonserba ng Enerhiya”. Ayon daw sa Law of Conservation of energy, Energy is never lost nor gained, it is converted from one energy to another. Kailangan daw nating ibigay ang specific na enerhiya na gusto nating ipakonserba. Gaya ng elektrisidad at kemikal na enerhiya.

Siya ay mayroong aktibong sweat glands.

Siya ay nakakalbo na. Makinis ang kanyang noo.

Siya ay madalas na nakaputing t-shirt sa labas ng klase. Nagpopolo siya kapag klase na namin.