Chem Prof

“Mr. Dayandante!”

Nagulat ako. Wala na siyang hawak na index card. Tumingin siya agad sa akin. Tinanong ako kung ano ang Effusion at Diffusion. Hindi ko alam. Sinagot ko na lang ang natutunan ko mula nung high school. Diffusion lang ang alam ko. Pero mabait naman siya. Hindi niya ipapaalam sa iyo na mali ka. Ikaw na lang makakaisip nun sa sarili mo. Isa siyang magaling na propesor. Kahit mahirap ang asignatura’y kay saya saya niyang ipinapaliwanag.

Siya ay naniniwala pa ring bomb explosion ang nangyari sa Glorietta.

Hindi dapat tayo “Nagkokonserba ng Enerhiya”. Ayon daw sa Law of Conservation of energy, Energy is never lost nor gained, it is converted from one energy to another. Kailangan daw nating ibigay ang specific na enerhiya na gusto nating ipakonserba. Gaya ng elektrisidad at kemikal na enerhiya.

Siya ay mayroong aktibong sweat glands.

Siya ay nakakalbo na. Makinis ang kanyang noo.

Siya ay madalas na nakaputing t-shirt sa labas ng klase. Nagpopolo siya kapag klase na namin.

25 Tugon to “Chem Prof”

  1. Sinong prof mo? Parang gusto ko siyang maging prof next sem [or kung kelan man ako (finally) magchechem16 :D ]

  2. Rhoda

    Minglana, Jim Josephus

  3. tenks sa add info… sa prof mo…
    waw. ayaw mo ng pisika??? enjoy nga un eh!!!

  4. Grace

    Opcors. I hate it. It is not enjoying.

  5. enjoy… tulugan.
    de promise, mejo gusto ko ang physics. puro intindi lang at bihira ang kabisado. ayaw ko kasi yung pakakabisaduhin pa ang periodic table.

  6. ay naku… may ganyan akong teacher pakalbo na rin… parang utak syang tinubuan ng utak.. natatakot nga ako pag sya na.. tapos madugo pa ung subject namain chemistry grabe andami kong unforgettable moments sa kanya.. sana ay pagpalain pa cla… nyahahahaha

  7. walang kwenta.

  8. ay grabe pareho tayo sinusumpa ng physics. haha. nakakamiss mag-chem! wala na akong chem for life. last sem na ‘yung last. buti ka pa mukhang nag-eenjoy sa science class mo. ayoko nang mag-ES10!

  9. Grace

    Akala mo lang walang kinakabisado sa Physics. Talo pa ata niya ang Biology sa hirap. Chemistry is the best.

  10. Repah

    Haha. Masaya ang mga prof sa unibersidad ko. May iba ibang katalinuhan.

  11. Jonell

    Nako Jonell. Pero di kita aawayin. Tuturuan mo pa ako ng MP diba?

  12. Joanne

    Ayan. Mag Chem tayo for life. Ako rin. The only one chem ko ito.

  13. onga. meron nga. pero madali lang intindhin. cguro, pg pilot lang aq gya ni dyoan, susumpain ko rin un. kuya ko nga sa upb, nagkaka-5 sa course nya: bs physics.

  14. Grace

    Mahirap ang BS Physics. Unimaginable ang mga ginagawa nila doon. Promise.

  15. Naalala ko ang physics teacher namin [at adviser] sa description mo.

    Siya ay nakakalbo na. Makinis ang kanyang noo.

  16. cguro nga. kaya inaatake ng singko.

    oi, di naman talaga makintab ang noo ni sir. ginagawa lang niya ang lahat para takpan ang makinis niyan noo.

  17. Chalk Dust

    Haha. Ang aming physics teacher ay bisakol.

  18. Grace

    Magbunyi! Itinatago niya ang kanyang pride.

  19. @ grace and grace

    sama n’yo, bakit ‘yung buhok ng ng physics teacher n’yo (at physics teacher ko rin dati) ang pinapansin n’yo. ‘di n’yo ba napapansin ang pabago-pagong kulay ng contact lens niya, ang madalas na pagiging oil-free ng face niya na pinaghihinalaang dahil sa paggamit niya ng face powder (sabi ng isang kamag-aral), at ang rosy cheeks niya (na ewan ko lang kung natural) at palaging may number 68 ang t-shirt na sinusuot niya tuwing Biyernes?

  20. Natawa ako about the Law of Conservation of Energy… hehehe. Kaya pala :)

  21. Joanne

    Nabitin na 69 ang 68. Joke.

    Haha. Pabayaan na natin sila. Ako rin naman, mapanghusga.

  22. Jathoughts

    Tama naman diba. Kahit nagsasayang ka ng energy, di pa rin siya nawawala. Lagi siyang nandyan.

  23. Jathoughts

    Salamat.

  24. dyoan, d ko kac napapancn ung contact lens nya. nasilawan kasi ako sa kislap ng ulo nya.

Leave a Reply