Monthly Archives: March 2008

Sinong nagsabing walang Math sa buhay?

Background:

Ang nanay ko ay isang Math Teacher. Ang tatay ko ay isang Electrical Engineer. Ang kapatid ko ay Best in Math. Ang mga pinsan ko ay may kursong Accountancy, Mathematics, at Electrical Engineering. Ang isa ko pang pinsan ay 1.00 sa Math, kahit na nursing siya. Ang angkan namin ay mahilig sa pera.

Sinapupunan pa lang:

Nabilang ko na 8 months and 26 days ako sa loob ng sinapupunan ng nanay ko. Nakita ko sa orasan na 12:20 na ng umaga. Pero lahat yan ay hindi ko pa alam nung bata pa ako.

Pre-school:

Nalaman ko magbilang mula 1-100. Alam ko kung anong box ang greater than the other box. Alam ko na ring mag-add at subtract.

Grade 1:

Alam ko na Limang Piso ang binibigay sa akin ni Mama pag umaga. Sinusundo ako ng 10:00 am ng service. Mas napatibay ang kaalaman ko sa addition and subtraction.

Grade 2:

Napatayo ako sa klase dahil hindi ko kabisado ang Multiplication Table. Pinakuha kami ng exam ng teacher para malaman kung sino ang isasali sa contest, mataas daw nakuha ko. Hindi siya naniwala kaya pinag-test niya ulit ako, kasama nung ibang mga sasama ng contest. Ako daw highest. Wala silang nagawa. Ang hindi nila alam, nagrerepetitive addition lang ako imbes na magkabisado ng multiplication table. Patience is a virtue.

Grade 3:

Pinalo ako ng teacher ko sa Math. Maingay daw ako sa klase niya. Kasali pa rin ako sa contest.

Grade 4:

Iniyakan ko ang teacher ko sa Math kasi zero ako sa quiz niya. Pinanindigan ko na tama ang aking sagot. Ang topic ay arranging fractions from lowest to highest. Napag-alaman niyang tama ako. Zero tuloy yung katabi ko. Isinisi niya sa akin. May kaklase pa nga akong ginaya ang aking style. Sa science naman iyon. Hindi niya napanindigan ang kanyang sagot.

Grade 5:

Natalo kami sa Math contest. Kinurot ako nung trainor namin nung Grade 4. Hindi ako nakapagpasa ng set of exercises nun sa Math. Buti na lang, contestant daw ako. Kung hindi, bagsak ako sa Math.

Grade 6:

Hindi na ako kasali sa contest. Ang teacher ko sa math noon ay isang Japayuki ngayon.

First Year High School:

Wala akong kaalam-alam sa algebra. Nagpalit pa ng teacher ang dalawa naming Math noong High School. Kaya naman ang gulo ng buhay Math noon.

Second Year High School:

Lumevel ang kaalaman ko sa Algebra. Na-exempt naman ako sa test sa Trigonometry. Di ko naisip na magaling pala ako sa mga tatsulok. Kahit baligtarin mo pa ang Triangle, at gawing sila ang nasa tuktok, ang Sine ay laging Opposite divided by Adjacent. Dito ko unang nahawakan ang super calculator ng nanay ko nung college pa siya. Lucky charm ko ito kapag Trigonometry Long Test na namin.

Third Year High School:

May pangit pala na itsura ang Math. Kapag Geometry na ito. Nakakainis pala ang magprove ng mga bagay na naprove na dati pa. Mas nakakainis pala kapag naging Analytic Geometry ang Geometry. ilalagay mo pa kasi sila sa Cartesian Plane. Nagkaroon ako ng bagong calculator. Elibs ang Geometry teacher ko sa calculator na iyon.

Fourth Year High School:

Ang corny pala ng Math kapag corny ang teacher. Pero effective kapag sinamahan mo ng Religion ang Math. Dagdagan pa ng cheerleading at boom, makakatulong pala ito sa iyong buhay kolehiyo. Nakakatuwa din ang Calculus kapag katropa mo ang teacher. Lalo na kapag ikaw ang ginawa niyang Student Teacher at bigyan ka na lang ng mataas na grade. Nagka-medal pa ako tuloy sa Recognition.

First Year College:

Electronics and Communications Engineering ang course ko. Nalaman ko na mahirap pala ang Math, kapag inilagay sa Math Building ng UP. Nakaligtas naman ako sa subject na ito, na nangangain ng tao.

Sumabak na naman ako sa panibagong Math. Hindi na bago ang Math na ito sa akin, ang Calculus. Akala ko kasindali lang nung high school. 100 times harder pala, pag nilagay mo sa Math Building.

Summer 2008:

Magtatangka akong tatapusin ang Calculus at Linear Algebra ngayong taon. Pero walang katapusan ang Math kong kaagapay ng mga Electromagnetic Fields at Currents.

Antagal ko nang nililigawan si Math, sana sagutin niya na ako. Ibigay niya ang matamis niyang 1.00!

Nagdecide ako na kumuha ng Summer Classes ngayon kaya kaunti lamang ang aking bakasyon days. Ang gagawin ko lang naman this summer is:

  1. Matulog [Kelangan ko nito]
  2. Manood ng PBB Teens
  3. MagInternet
  4. Manood ng DVD
  5. Mag-aral ng Calculus
  6. Manood ng American Idol
  7. Manood ng Survivor Micronesia
  8. Manood ng TV [in general]

Ansaya ng Buhay Summer ko.

~~

May kwento pala ako sa inyo. Sa Chemistry namin kasi, may exemption ng Finals. If you got a total of 572 points, exempted ka na. Eh ang nangyari, 571.43something ang points ko. But my Kind, Genius, Lovable and Handsome Chem Prof decided to exempt me. Pero nirecommend niya na magFinals daw ako kasi mataas naman daw ang mga grades ko sa tests. Pero hassle ang mag-aral. Help me decide naman.

MagFifinals ba ako o hindi? 

Ngayon [12 am na pala] = End ng Sem
Sa Unibersidad na pinapasukan ko, ang end ng Sem ay may ibig sabihin na:
  1. May Finals ka pang aabangan.
  2. Pag-ikot mo sa ang buong unibersidad para maghanap ng iyong pre-final standing, nagbabaka sakaling ma-exempt ka sa pagkuha ng Finals.
  3. Pag-ariba ng mga professors sa kareremind na may make-up classes pa, kapalit ng absences nilang hindi ang estudyante ang may kasalanan.
  4. Pagkapagod ka sa karereview ng sakop ng buong asignaturang mahirap.
  5. Paghabol ng mga requirements na ipinagpalipas mo dahil “malayo pa naman ang deadline”.
  6. Pagharap sa isa na namang matinding enrolment pagkatapos ng iyong inaasam na bakasyon.
  7. Pagpaalam sa mga classroom crushes at seatmates. Umaasang pagsasamahin ulit kayo ng CRS.
  8. Pagpaalam sa mga inaasam na professors. Umaasang pagsasamahin ulit kayo ng CRS.
  9. Pagtakas sa mga prof na nagpapaulan ng singko o maaga mo nang natakasan dahil nagDROP ka na.
  10. Bawal nang humiram ng libro sa library o pagsauli na ng overdue na librong nung unang araw ng sem mo pa hiniram.
  11. Mag-aantay ka na lang sa CRS kung singko ka sa Class Card at saka makikiagaw sa enrolment para iretake ang subject.
  12. Langit para sa mga nagcram noong mga huling araw.
  13. Kasiyahan para sa mga gagraduate, University Scholars at College Scholars.
  14. Pagsubok para sa mga Undergrads at Maximum Residency Rule pips.
  15. Gawaan ng mga Do’s and Don’ts para sa susunod na sem. Hindi naman ito nasusunod.

March 14 - Problem Set in Chem Lab

March 15 - 3:00 - 5:00 pm EEE 31 4th Long Exam

6:00 - 8:00 pm EEE 11 3rd Long Exam

March 16 - 9:00 - 11:00 am Chem 16 3rd Long Exam

March 17 - 4:00 - 6:00 pm - Math 53 5th Long Exam

March 18 - DUE - BLACKJACK MACHINE PROBLEM EEE 11 [Sinong nakakaalam                             nito? Patulong naman!!]

- End of Sem

March 20-23 - Holy Days (off to Dagupan)

March 24 - 9:15 - 11:15 - Math 53 Finals

1:00 - 5:00 - Fil 40 Marathon

March 25 - 28 - Ang aking mini-bakasyon

March 29 - Chem 16 Finals (can be exempted)

10:00 - 12:00 - Finals in EEE 31 (can be exempted)

March 31 - April 1 - Tentative FR ng Ckt.

April 2 - 11 - Registration for Summer Classes

April 11 - Start of Summer Classes.