Archive for March 31, 2008

Math

Posted in UP with tags on March 31, 2008 by Padre Salvi

Sinong nagsabing walang Math sa buhay?

Background:

Ang nanay ko ay isang Math Teacher. Ang tatay ko ay isang Electrical Engineer. Ang kapatid ko ay Best in Math. Ang mga pinsan ko ay may kursong Accountancy, Mathematics, at Electrical Engineering. Ang isa ko pang pinsan ay 1.00 sa Math, kahit na nursing siya. Ang angkan namin ay mahilig sa pera.

Sinapupunan pa lang:

Nabilang ko na 8 months and 26 days ako sa loob ng sinapupunan ng nanay ko. Nakita ko sa orasan na 12:20 na ng umaga. Pero lahat yan ay hindi ko pa alam nung bata pa ako.

Pre-school:

Nalaman ko magbilang mula 1-100. Alam ko kung anong box ang greater than the other box. Alam ko na ring mag-add at subtract.

Grade 1:

Alam ko na Limang Piso ang binibigay sa akin ni Mama pag umaga. Sinusundo ako ng 10:00 am ng service. Mas napatibay ang kaalaman ko sa addition and subtraction.

Grade 2:

Napatayo ako sa klase dahil hindi ko kabisado ang Multiplication Table. Pinakuha kami ng exam ng teacher para malaman kung sino ang isasali sa contest, mataas daw nakuha ko. Hindi siya naniwala kaya pinag-test niya ulit ako, kasama nung ibang mga sasama ng contest. Ako daw highest. Wala silang nagawa. Ang hindi nila alam, nagrerepetitive addition lang ako imbes na magkabisado ng multiplication table. Patience is a virtue.

Grade 3:

Pinalo ako ng teacher ko sa Math. Maingay daw ako sa klase niya. Kasali pa rin ako sa contest.

Grade 4:

Iniyakan ko ang teacher ko sa Math kasi zero ako sa quiz niya. Pinanindigan ko na tama ang aking sagot. Ang topic ay arranging fractions from lowest to highest. Napag-alaman niyang tama ako. Zero tuloy yung katabi ko. Isinisi niya sa akin. May kaklase pa nga akong ginaya ang aking style. Sa science naman iyon. Hindi niya napanindigan ang kanyang sagot.

Grade 5:

Natalo kami sa Math contest. Kinurot ako nung trainor namin nung Grade 4. Hindi ako nakapagpasa ng set of exercises nun sa Math. Buti na lang, contestant daw ako. Kung hindi, bagsak ako sa Math.

Grade 6:

Hindi na ako kasali sa contest. Ang teacher ko sa math noon ay isang Japayuki ngayon.

First Year High School:

Wala akong kaalam-alam sa algebra. Nagpalit pa ng teacher ang dalawa naming Math noong High School. Kaya naman ang gulo ng buhay Math noon.

Second Year High School:

Lumevel ang kaalaman ko sa Algebra. Na-exempt naman ako sa test sa Trigonometry. Di ko naisip na magaling pala ako sa mga tatsulok. Kahit baligtarin mo pa ang Triangle, at gawing sila ang nasa tuktok, ang Sine ay laging Opposite divided by Adjacent. Dito ko unang nahawakan ang super calculator ng nanay ko nung college pa siya. Lucky charm ko ito kapag Trigonometry Long Test na namin.

Third Year High School:

May pangit pala na itsura ang Math. Kapag Geometry na ito. Nakakainis pala ang magprove ng mga bagay na naprove na dati pa. Mas nakakainis pala kapag naging Analytic Geometry ang Geometry. ilalagay mo pa kasi sila sa Cartesian Plane. Nagkaroon ako ng bagong calculator. Elibs ang Geometry teacher ko sa calculator na iyon.

Fourth Year High School:

Ang corny pala ng Math kapag corny ang teacher. Pero effective kapag sinamahan mo ng Religion ang Math. Dagdagan pa ng cheerleading at boom, makakatulong pala ito sa iyong buhay kolehiyo. Nakakatuwa din ang Calculus kapag katropa mo ang teacher. Lalo na kapag ikaw ang ginawa niyang Student Teacher at bigyan ka na lang ng mataas na grade. Nagka-medal pa ako tuloy sa Recognition.

First Year College:

Electronics and Communications Engineering ang course ko. Nalaman ko na mahirap pala ang Math, kapag inilagay sa Math Building ng UP. Nakaligtas naman ako sa subject na ito, na nangangain ng tao.

Sumabak na naman ako sa panibagong Math. Hindi na bago ang Math na ito sa akin, ang Calculus. Akala ko kasindali lang nung high school. 100 times harder pala, pag nilagay mo sa Math Building.

Summer 2008:

Magtatangka akong tatapusin ang Calculus at Linear Algebra ngayong taon. Pero walang katapusan ang Math kong kaagapay ng mga Electromagnetic Fields at Currents.

Antagal ko nang nililigawan si Math, sana sagutin niya na ako. Ibigay niya ang matamis niyang 1.00!