Math

Sinong nagsabing walang Math sa buhay?

Background:

Ang nanay ko ay isang Math Teacher. Ang tatay ko ay isang Electrical Engineer. Ang kapatid ko ay Best in Math. Ang mga pinsan ko ay may kursong Accountancy, Mathematics, at Electrical Engineering. Ang isa ko pang pinsan ay 1.00 sa Math, kahit na nursing siya. Ang angkan namin ay mahilig sa pera.

Sinapupunan pa lang:

Nabilang ko na 8 months and 26 days ako sa loob ng sinapupunan ng nanay ko. Nakita ko sa orasan na 12:20 na ng umaga. Pero lahat yan ay hindi ko pa alam nung bata pa ako.

Pre-school:

Nalaman ko magbilang mula 1-100. Alam ko kung anong box ang greater than the other box. Alam ko na ring mag-add at subtract.

Grade 1:

Alam ko na Limang Piso ang binibigay sa akin ni Mama pag umaga. Sinusundo ako ng 10:00 am ng service. Mas napatibay ang kaalaman ko sa addition and subtraction.

Grade 2:

Napatayo ako sa klase dahil hindi ko kabisado ang Multiplication Table. Pinakuha kami ng exam ng teacher para malaman kung sino ang isasali sa contest, mataas daw nakuha ko. Hindi siya naniwala kaya pinag-test niya ulit ako, kasama nung ibang mga sasama ng contest. Ako daw highest. Wala silang nagawa. Ang hindi nila alam, nagrerepetitive addition lang ako imbes na magkabisado ng multiplication table. Patience is a virtue.

Grade 3:

Pinalo ako ng teacher ko sa Math. Maingay daw ako sa klase niya. Kasali pa rin ako sa contest.

Grade 4:

Iniyakan ko ang teacher ko sa Math kasi zero ako sa quiz niya. Pinanindigan ko na tama ang aking sagot. Ang topic ay arranging fractions from lowest to highest. Napag-alaman niyang tama ako. Zero tuloy yung katabi ko. Isinisi niya sa akin. May kaklase pa nga akong ginaya ang aking style. Sa science naman iyon. Hindi niya napanindigan ang kanyang sagot.

Grade 5:

Natalo kami sa Math contest. Kinurot ako nung trainor namin nung Grade 4. Hindi ako nakapagpasa ng set of exercises nun sa Math. Buti na lang, contestant daw ako. Kung hindi, bagsak ako sa Math.

Grade 6:

Hindi na ako kasali sa contest. Ang teacher ko sa math noon ay isang Japayuki ngayon.

First Year High School:

Wala akong kaalam-alam sa algebra. Nagpalit pa ng teacher ang dalawa naming Math noong High School. Kaya naman ang gulo ng buhay Math noon.

Second Year High School:

Lumevel ang kaalaman ko sa Algebra. Na-exempt naman ako sa test sa Trigonometry. Di ko naisip na magaling pala ako sa mga tatsulok. Kahit baligtarin mo pa ang Triangle, at gawing sila ang nasa tuktok, ang Sine ay laging Opposite divided by Adjacent. Dito ko unang nahawakan ang super calculator ng nanay ko nung college pa siya. Lucky charm ko ito kapag Trigonometry Long Test na namin.

Third Year High School:

May pangit pala na itsura ang Math. Kapag Geometry na ito. Nakakainis pala ang magprove ng mga bagay na naprove na dati pa. Mas nakakainis pala kapag naging Analytic Geometry ang Geometry. ilalagay mo pa kasi sila sa Cartesian Plane. Nagkaroon ako ng bagong calculator. Elibs ang Geometry teacher ko sa calculator na iyon.

Fourth Year High School:

Ang corny pala ng Math kapag corny ang teacher. Pero effective kapag sinamahan mo ng Religion ang Math. Dagdagan pa ng cheerleading at boom, makakatulong pala ito sa iyong buhay kolehiyo. Nakakatuwa din ang Calculus kapag katropa mo ang teacher. Lalo na kapag ikaw ang ginawa niyang Student Teacher at bigyan ka na lang ng mataas na grade. Nagka-medal pa ako tuloy sa Recognition.

First Year College:

Electronics and Communications Engineering ang course ko. Nalaman ko na mahirap pala ang Math, kapag inilagay sa Math Building ng UP. Nakaligtas naman ako sa subject na ito, na nangangain ng tao.

Sumabak na naman ako sa panibagong Math. Hindi na bago ang Math na ito sa akin, ang Calculus. Akala ko kasindali lang nung high school. 100 times harder pala, pag nilagay mo sa Math Building.

Summer 2008:

Magtatangka akong tatapusin ang Calculus at Linear Algebra ngayong taon. Pero walang katapusan ang Math kong kaagapay ng mga Electromagnetic Fields at Currents.

Antagal ko nang nililigawan si Math, sana sagutin niya na ako. Ibigay niya ang matamis niyang 1.00!

33 Tugon to “Math”

  1. mahal na mahal mo nga ang math… meron ba kayong “window cards” nung elem.? (yung may maramig butas na paglalagyan mo ng sagot sa mga tanong na +, -. * at / dun) pinunit ng teacher ko ang xerox copy nun (na sinagutan ko) sa harap ko dahil ambaba daw ng score ko. ngeon, di ako makapaniwalang sumasabak na ako sa mga math contest..

  2. Grace

    Meron. At hate na hate ko noon iyon. Mahabang sulatan kasi ang nagaganap. Hindi nakabase sa window cards ang ikagagaling mo sa Math ng High School.

  3. grade two ako noong una akong nagkaroon ng medal sa MTAP. favorite medal ko ‘yun ever. hindi kasi nagta-tarnish hanggang ngayon.

    never ko ring makakalimutan ‘yung MATHirang MATHibay ng UP Math Majors’Circle. Isang hulang “NO SOLUTION” na sagot ang naging dahilan kaya nakaabot kami sa semifinals. kawindang ‘yun.

    Napasagot ko si Math for two sems. Binigyan niya ko ng matamis na 4.00 = 1.00. haha. wala na rin pala akong Math subjects sa mga susunod na sems. hay, mamimiss ko si Math.

  4. peyborit ko ang anal geom nung hayskul pero aware na ko noon na mahirap ang math sa up kaya nag-film ako.. hehehe!

  5. Joanne

    Buti ka pa, may kwatro ka na. Ako, hanggang 1.25 lang ang naaabot. Haha.

  6. Lingling

    Haha. Keri ko naman ang Math sa UP. Kaya lang, hindi ko lang mauno. Haha.Gusto ko rin naman kasi makatikim ng Uno.

  7. haha! analytic geometry ang pinakaayaw ko nun! ka-miss magka-uno sa physics, trigo saka algebra!

  8. Enoch

    Ako, kung icoconvert mo into the college system ang grades ko nung high school, maraming uno. PEro ang hirap maka-uno sa unibersidad ko eh.

  9. henyo ka pala sa matimatika. good for you!

  10. Bonniefazzyoo

    Haha. Hindi hayop. Gusto ko lang ng matematika more than any other subject.

  11. Math is the best subject in the whole world.

  12. You know, you don’t have to ruin everything. When we say everything, we mean all the things laid down already. Get?

  13. Carl…. nosebleed….

  14. Jester Leon

    Gets na kita.

  15. Lei

    Grabe, anung nosebleed dyan?

  16. ano ba ang nasa math bldg..? ang alam ko lang dun, sobrang layo daw nun..

  17. Jester Leon

    Kilala mo si Jervin Ruiz?

  18. Grace

    Basta may Math [insert number here] na subject ka, dun mo kukunin. Matindi ang math kapag dun mo pinag-aralan. At hindi siya malayo. Lahat ng buildings sa UP ay walking distance. Haha. Akala lang ng mga UPCAT Takers na ang layo ng Math Building.

  19. psshh.. Hindi ka tao. Halimaw ka, kaya’t hindi ka nakain ng Math. :P

    Lagot ako sa removals.. .. .. :( (

  20. Rhoda

    MAG-ARAL KA NA KAYA. Papasa ka sa 53 nyan.

  21. sinusundo ka ng 10:00 nung grade 1? di ba hanggang 12 ang klase?
    haha. natawa naman ako. dami kong naalala.

  22. Meh. This Monday, pramis. [Or rather, today. Hahaha. Mamaya. :) Salamat Carly. :D

  23. Martin

    Section 18 ako nun. 6-10 klase namin. haha.

  24. Rhoda

    God Bless sa removals bukas!!

  25. Too bad wala pang differential calculus yan at matrix equations. gaad. whattagreat way to remind me of my final exam nito lang. 25 pages. puro numbers. durog talaga. hehe

  26. Kuya Joe

    May Matrix kami. Math 114.

  27. kasi naman, matagal ka nang umiikot sa up, kaya walking distance na lang iyon sa’yo.

  28. Grace

    Haha. Oo nga eh. 4 na sems din akong may subject na Math.

  29. patricia anne lanugon Sabi ni:

    last year… ( grade 5 ako hehehe) first time ko nag ka medal sa mtap ***
    xempre sooooooperrrrrr saya kc first time ko makasali sa mtap nnalo pa ako ( districit 1st; division 2nd; NCR;5th ; regional 3rd) and dat’s bcoz of my team mates…. abigail nicolas and faustina oqueriza and our trainor……. mr. mario t. endico!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  30. patricia anne lanugon Sabi ni:

    wooow yan din po ang gsto kung course!!!

  31. ,.,.

    sa katunayan poh yan poh ung gxtoh kung course
    kc maganda xa ehh

    tsaka nakakachallenge yun ehh
    kea q nguxtuhan,.,.

    madali lng amn un ehh,.,.

Mag-iwan ng Tugon