Alamat ng Selepono
Simula nung lumabas ang unang selepono sa Pilipinas n years ago, hindi nagpahuli ang pamilya namin at bumili din ng sariling selepono. Ang naaalala ko nun eh yung super laking Nokia 100 ang dala dala ni Itay. Sinabi pa nilang ipapamana nila sa akin ang seleponong iyon. Buti na lang at hindi natuloy.
![]()
Tumingin ka na lang ng patagilid.
Dahil napaka-amazing ng technology, mabilis na nawala ang Nokia 100 sa kamay ng pamilya namin. Dumating na ang mga unang call and text selepono sa Pilipinas. Di nagpahuli si Inay sa pagkuha ng sikat na sikat na Nokia 3210. Php 5,000.00+ daw iyon ayon sa kanyang mga anekdota. Sikat na sikat si Inay nun dahil sa bagong selepono niya.

Nokia 3210, the coolest phone in town [8 years ago]
Dahil sikat na sikat si Inay, binilhan niya rin ako ng aking sariling selepono. Ang Nokia 5110i. Sikat na sikat rin ako nun sa school dahil sa bago kong selepono. Nairita ata yung teacher ko sa akin dahil dun.
![]()
Nokia 5110i, ang seleponong super tibay eh kahit ibato mo sa kaaway, di pa rin masisira.
Nawili si Inay sa Buy and Sell nun, napagtripan niya ang selepono ko, kaya binigyan niya ako ng bagong selepono. Isang Ericsson na hindi ko alam ang tatak.
Pagkatapos nun eh nagsawa ako sa Ericsson kaya nagpabili ulit ako ng bago. Ang kuripot ng nanay ko, ipinamana sa akin ang kanyang 3210 dahil bumili siya ng bagong selepono.
Buti na lang eh napagtripan ulit ni Inay na ibenta ang 3210 kaya binigyan niya ako ng Nokia 2100. Alam kong 2100 ang number nun pero ibang selepono ang lumalabas sa screen. Basta 2100.
Well, as usual. Binenta na naman ni Inay ang akong 2100 kaya napalitan ito ng Nokia 1100. Smart Kid pa nga ang Sim Card nun.

Nokia 1100, may flashlight to. Haha.
Hulaan niyo kung anung nangyari pagkatapos.
Binenta na naman ni Inay ang 1100 pero napalitan ito ng Nokia 3100 na pamana sa akin ni Itay galing Saudi. Nakakapagsulat ito ng Arabo.

هذا هو نوكيا 3100. وقد رسائل بالعربيه.
[Binabasa ang arabic ng pabaligtad]
Dahil nagsawa ako sa Arabic na selepono, nagpabili ulit ako. Nokia 6610i. May radyo. Tumagal sakin to ng 3 years. FYI, di pa ito ibinebenta ni Inay. Sira kasi ang housing. Hahanapan niya pa raw bago ibenta ulit.

Ang seleponong minahal ko ng lubusan.
Syempre laging may kapalit ang selepono. Kaya ngayon ay bago kong selepono ay…. Nokia 2600 classic!
Ngayon lang kasi ako nakapagmay-ari ng seleponong may Bluetooth Capabilities. Oha!

Yeah. I love you New Cellphone!
[Edit] Phoneyeta naman eh. Kawawala lang nitong seleponong ito. Wala akong selepono for 3 years? Sabi kasi ng tatay ko. Pero keri ko naman yun. Buhay naman ako ng walang selepono eh. Ang hindi dapat alisin sa buhay ko eh Internet at TV [/edit]
Abril 21, 2008 Sa 6:51 hapon
Huwaw! New cellphone! Magpa-cheeseburger ka naman! Burger! Burger! Burger! = P
Samahan mo na din ng San Mig Light. Mga limang bote. Hahaha! = D
Abril 21, 2008 Sa 10:02 hapon
honga! burger ! burger! burger! Lols
sana di tulad ng selepono ang gurl sa buhay mo, na kung alin ang bago yun ang gus2
(managaral p daw b? hehe ala lang
)
Abril 23, 2008 Sa 11:26 umaga
masyado ka kasing updated eh. nawala tuloy.
buti pa ang 3315patapon na cp ko, walang nagkakainterest dun…
Abril 24, 2008 Sa 7:38 hapon
Nice naman.
Mahirap ang buhay pag nawala ang tv at net, naku. Hindi bale na ang cellphone.
Abril 27, 2008 Sa 4:10 hapon
Ayun… Sana pinabenta mo na rin sa nanay mo at bumili ka ng 5110- wala ng mgkakainteres, may pambato ka pa sa kaaway mo… wahehehe…
Abril 27, 2008 Sa 6:20 hapon
ay sayang naman at nawala yung bago mong cellphone!! ako din ganyan, papalit-palit ng fone..
Abril 30, 2008 Sa 1:13 hapon
dumaan din ako sa Nokia 1100 at Nokia 6610i. Sony Ericsson na ko ngayon.
ang naalala kong phone ng papa ko dati ay ‘yung sa Smart BillCrusher. ‘yung cellphone mismo pwedeng ipang-crush eh. haha.
grabe. kawawa ako ngayon. wala kaming net sa bahay ay dito ako sa areneow nagnenet para libre. hehe. I love pldt talaga.
Mayo 5, 2008 Sa 7:14 hapon
hoy andito pa rin yung cellphone ng tatay ko, yung unang picture na pinost mo. ewan kung anong model, ancient sya. hahahaha andito pa rin.
may recycling plants ba for cellphones ang pinas?
Mayo 7, 2008 Sa 9:27 umaga
magandangistorya ng selepono
Mayo 7, 2008 Sa 7:44 hapon
Ayos ah.
Unti unting ebolusyon. Hmm. Sama mo yung mga sinaunang model pa, yung nokia na mukhang dos por dos na pedeng ipanghataw, pati yung Telital na tatak ng shelpon na kyut. wahahaha.
sa pagkakatanda ko, yun ang magulang nung mga shelpon. ^_^
kaso, alagad ka pala ng nokia. kampon naman ako ng ericsson. ^_6
bluetooth-an tayo since may blootooth features.
ay may mga shelpon sa bahay na sinauna pa, haha. ^_6 yung pinakamatibay na shelpon na kahit ilublob mo sa tubig eh keri lang gamitin ulet pag natuyo. nagamit din sya sa tomb raider I. haha. ^_6
nakalimutan ko lang ung brand nung unit na yun.
Mayo 21, 2008 Sa 9:34 umaga
“Phoneyeta” is the term ha. Lol.
Mayo 21, 2008 Sa 11:19 umaga
Gasoline Dude
Hindi na ko magpapaburger. Nawala na ang selepono eh.
Mayo 21, 2008 Sa 11:23 umaga
Koreanmine
Don’t worry. Di ako ganun sa babae. Haha.
Mayo 21, 2008 Sa 11:24 umaga
Grace
After 3 years lang ako naging updated. Tapos after two months, nawala na.
Mayo 21, 2008 Sa 11:25 umaga
Margaret
Sinabi mo pa.
Mayo 21, 2008 Sa 11:26 umaga
Janjie
Phased out na kaya yun.
Mayo 21, 2008 Sa 11:27 umaga
Lingling
Mukhang after 3 years pa ako bibilhan ulit ng panibagong phone.
Mayo 21, 2008 Sa 11:40 umaga
Joanne
Ganun din ata ang selepono ni Papa dati. Billcrusher din.
Mayo 21, 2008 Sa 11:42 umaga
Weyn
Baka meron na. Hindi pa namin napapag-aralan yun eh.
Mayo 21, 2008 Sa 11:42 umaga
Finch
Salamat sa compliment.
Mayo 21, 2008 Sa 11:44 umaga
Earthlotus
Sosyal naman yung seleponong iyon!
Mayo 21, 2008 Sa 11:45 umaga
Ralmon
Korek. Phoneyeta talaga yung nagnakaw ng selepono ko.
Agosto 25, 2008 Sa 12:47 hapon
hay nku day,,,, ka loka tlaga ung story ng lyf mo kaka inzpired hah azzzzztig,,….”’
Oktubre 11, 2009 Sa 6:05 hapon
naks! haha galing naman nito
D