My Dad, The Barber.

Dahil nga high school teacher itong si Inay, inis na inis siya sa mga buhok naming mag-aama na sobrang haba. Ilang beses na rin niyang inasar ang buhok ko na pinangingitlugan ng ibon. Tutal, enrollment na bukas at kailangan ko ng new look para ipakita sa aking mga batchmates, nagdecide na akong magpagupit.

As usual, eyeballs lang ang maigagalaw mo pag ginugupitan ka na. So habang iniikot ko ang eyeballs ko around the room, nakita ko ang isang buong pamilya na sumugod sa barber shop na pinaggugupitan ko nung sandaling yun. Pagpasok na pagpasok nila ng BS [Barber Shop] at nakita kong nakasumbrero yung isang bata.. alam ko na kung ano ang pakay nila.

Flashback

Nakabili si Itay nun ng hair shaver sa isang department store. Alam naman natin na hidden desire ng mga Tatay ang maging barbero ng kanilang mga anak. Tayo naman ang mga batang walang kamalay-malay sa pinaggagagawa ng mga Tatay natin. Nagpower-tripping siya na gupitin ang buhok naming magkakapatid. As usual, panganay is always first. Kaya sinabak na ako sa gupitan. Inexpect ko na na hindi magiging comfortable ang session na iyon. Pinatunayan pa nito ng iyak ko habang ginugupitan, kaya naman tumakbo na kami ng tatay ko sa nearest barber shop para ayusin ang gulo. Hindi na kailan man nag power tripping si Itay at naging Electrical Engineer na lang siya sa tanan ng kanyang buhay.

Pag-alis nung bata ng sumbrero, anlaki na nung damage nung tatay. Pinigilan ko lang yung ngiti ko nung sinabi nung tatay na itira ang patilya nung bata. Tapos sabi nung barbero, destroyed na raw masyado yung patilya para itira pa. Kawawang bata. Isang biktima ng mga power-tripping na tatay.

Kaya sa magiging asawa ko, alam ko na kung anong power tripping ang gagawin ko sa magiging anak natin. Gantihan lang yan!

33 Tugon to “My Dad, The Barber.”

  1. Gosh Carl! Haha! Exciting yang ganyang power tripping ha! Buti ang tatay ko hindi naisipan gawin yan.

  2. (naalala ko yung asa libro ni bob ong) nakakaawa talaga ang mga anak. pati nga ang kapatid kong babae, biktima. magiging kaawa-awa siguro ang kalagayan ng anak mo. duguan ang ulo. :lol:

  3. sivickionline Sabi ni:

    astig!

  4. Brent

    Isa ka sa mga swerteng nilalang.

  5. Grace

    Haha. Hindi naman duguan. Yung tipong iiyak lang siya s dahil sira sira ang buhok niya.

  6. Vicki

    Mukhang speechless ka ata.

  7. indi ako nakarananas ng ganyan sa tatay ko,,,sa kuya ko…OO..ahaha

  8. hehehe…nakakatuwa nga yung mga ganung tatay eh, shempre kakaisip ng mabuti sa kanilang mga dayunyor nabibiktima ng mga eksperimento nila. :D

    wawa naman yung magiging anak mo, sana maging mas marunong na barber ka na lang kesa sa tatay mo diba? hehehehe. :D

  9. hahahaha!!! nakakatawa naman yun.. lol. kung ako yun hahagalpak ako sa tawa.. alam ko na ang magiging junior padre salvi.. wahahaha! gantihan eh.. eh di magiging, padre salvi, the barber ka din.. ahahahahahaha!!!

  10. hoy! kulang pa ako ng isang ge!

  11. hahahaha!! buti na lang di ako ginanyan ng tatay ko.. ay, babae pala ako.. hehe!

  12. lakas trip nung tatay na yun ah.. talaga bang yun ang hidden desire ng mga tatay sa kanilang anak na lalake.. haha..

    malamang talaga magagalit ang iyong ina kasi titser pala xa.. haha.. :)

  13. Maldito

    Baka naman ginawa sa kanya yun ng Tatay mo. Tapos nadala na ang tatay mo. Tapos yung kuya mo, gumanti.

  14. Aling Baby

    Haha. Magtetrain ako para maging barber.

  15. Marife

    Ipopost niya rin sa blog niya na ginupitan ko siya.

  16. Tim

    Kunin mo GE ko. Haha.

  17. Lingling

    Ang gagawin sayo ng nanay mo. Isustuck ang rollers sa buhok mo. Tapos pupunta ka sa salon para ayusin nila. Bwahawhaw.

  18. Walong Bote

    Talagang magagalit nga. Ilang araw din akong pinag-initan ng nanay ko dahil sa buhok ko.

  19. hahaha! buti tatay ko hindi pinangarap na maging barbero. kakapagupit ko lang din nung may29. haha :D

  20. Neex

    Kailangan ata sa school mo. Samin, choice mo lang.

  21. may libreng seminar ba sa pagiging barbero hehe

  22. Nakakatawa yung power tripping ni itay. Buti wala kaming razor dito.

  23. Arthritis Guy

    Ang alam ko meron.

  24. Ralph

    Reregaluhan ka ni tatay Edsa ng shaver.

  25. hmm.. flashback sa side ko rin :D

    inis ako sa buhok ng pamangkin kong 7 years old dahil pinapahaba niya dahil gusto daw niyang maging model ng shampoo. eh yung buhok niya mukhang buntot ng kabayo at ang nipis pa. kase, kung gugupitan mo ng maiksi at pantay na gupit, maganda ang maging tubo nito habang humahaba.

    ako: pst. gupitan ko buhok mo panget na eh lika dito
    (tumingin bro ko na tatay ng batang pamangkin ko at bumulong “wag na wag mong pakialam ang buhok niyan magwawala yan”)
    my pamangkin: (mukhang iiyak at napatingin sa tatay)

    at dahil ako ng BIG tita sa bahay, walang magawa mga bata kundi sundin ang lahat ng gusto ko. :D

    my pamangkin: (hikbi habang umuupo at pumupwesto para gupitan)
    ako: tanggalin mo muna tshirt mo para di ka mangati mamaya
    my pamangkin: (hubad ng tshirt biglang “waaaaaaaaaa! papaaaaa! wawa uwawaaaa!) titaaaaaa!! uwaaaa!
    ako: tumahimik ka at uumpisahan ko na baka masugatan ka (sabay puwesto ng gunting)
    my pamangkin: (iyak na ng todo) uwaaaaaaaaaaaaaaaaa!
    bro ko: huy tigil mo yan ate

    joke lang naman yun di ko naman gugupitin. sori po sa pamangkin ko. alam ko di tama ang ginawa ko, share ko lang senyo kung gano nga kalakas ang “power trip” na yan. di lang sa lalake kundi maging sa babae din! haha!

  26. ngek ang haba pala nyan haha!

  27. Banana

    Haha. Ok lang yan Ate. Nainspire ako sa kwento mo.

  28. wahaha. kawawa naman ang mga anak na lalake. wapak.

    pero wag ka, sa babae naman ginagawang barbie doll ang mga anak.
    ipit dito ipit doon. hayyy…

  29. Eloiski

    Iba iba ang torture sa mga anak na babae at anak na lalaki. Ang malas naman ng mga anak na may “barberong” tatay at “barbie enthusiast” na nanay.

  30. hahahhahaha! ang kulit hahahhaha!

  31. Colleen

    Makulit talaga.

  32. in fairness ke itay, at least nag effort sha. hahaha

  33. anakngpating Sabi ni:

    parang nasama na rin to entry na to sa bob ong books anyway
    ang mga tatay talaga lakas mag trip eh hindi naman sila barbero nyahah

Leave a Reply