Imbak para sa Nobyembre, 2006

shin kam la tin shu kang shen

Posted in Pastorals on Nobyembre 29, 2006 by Padre Salvi

ung kanta lang ng f4 ang alam kong mandarin chinese. galing kasi kami ng hongkong kahapon kaya di pa rin ako makaget over sa rami ng nagsasalita ng chinese dun. mga chinese kasi dito, mayayaman.. mga makikita sa divisoria.. ayun, limited lang ang pananaw mo sa mga chinese.. ngayon ay nakakita na ako ng mga san cai na nagtitinda sa kalye.. dao na nagbubuhat ng kahon.. lei na nagbebenta sa 7 eleven, tim yap na kumakain sa jollibee, mikee at kim na pumapasok sa school, at kung sinu sino pa.. puro singkit ang makikita mo sa paligid.. pers taym ko kasi mag-eroplano, at lumabas ng luzon.. puro pilipino na lang ang nakapalibot sayo.. pero dun.. chinese naman.. ang weird.

naenjoy ko ang aming airplane trip.. wala lang.. pagbigyan niyo na ang aking innocence. nung biyernes naman ay pumunta kmi sa disneyland.. e2 ang prueba..

ayan.. wala lang.. nasa tren lang yan papuntang disneyland.. find the hidden mickey! hehe.. maganda sa disneyland.. ang kanilang crew ay mga magaganda at gwapong mga binata at dalaga.. oo promise.. matutuwa ka sa kanila.. ang ganda talaga sa disneyland.. gusto ko nga magtrabaho as crew member dun. kaya lang di ako marunong mag-chinese eh. sa america na lang! lahat pa ng crew member nila ay may english names.. ang mga notable members dun ay sina fatrick (oo fatrick..) ung guard na mabait.., si michael – isang gwapong binata na hindi maipronounce ang kanyang pangalan.. si eko- ang tour guide sa jungle cruise attraction na corny.. bilis niya kasi mag-english eh.. di namin maintindihan at monotonic pa.. kaya ung mga jokes niya.. magegets mo na lang pagkatapos ng ride na iyon.. si pure – ang cute nung name.. tpos ang ganda pa niya.. si alex – ung weird na nagsasalita ng mabilis na mandarin na di namin maintindihan.. nakakatawa lang siya magsalita..
nasabi ko na pers taym ko sumakay ng eroplano.. ako.. napahanga ako sa mga nagtatrabaho sa immigration.. wala lang.. kasi ang galing nila magconverse ng kanilang mga talambuhay habang nagtatype ng pangalan at tinatatakan ang pasaporte mo.. sa pilipinas kasi.. puro matatanda ang nasa immigration.. pero sa hongkong.. young ang mga immigration officers nila dun! mga magaganda’t gwapo pa.. parang mga crew members sa disneyland.. wala lang..
ang hilig nga nilang bumati ng hi at hello dun eh.. lalo na sa immigration na hindi mo ieexpect na babatiin ka.. nagiisnab at mga masungit kasi sa pilipinas eh.. hehe..
Advertisements

mr. tuesday for president

Posted in Pastorals on Nobyembre 24, 2006 by Padre Salvi

ang gawang ito ay purong kathang isip ng malikot na utak ni mr. tuesday..
kaya basa na! hehehe… kung medyo harsh para sa inyo ang mga sasabihin ko ay pasensya na po! hehe…never kong pinangarap na maging presidente ng pilipinas.. o di kaya ng earth (hi nika!)
kaya ngayon ay papangarapin ko na..

ang aking 14-point agenda as the president of the philippines:

  1. di na pala ako president.. kundi prime minister dahil ang ating government system ay monacracy.. pinaghalong monarchy at democracy.. ang ating head of state ay si King Manny I. Ang Gen. Santos City ang bagong kapital ng Pilipinas.
  2. magpapatayo ako ng manila disneyland in honor of the “old” capital at ang malacanang ay gagawing entrance. ang pasig river ay ggawing wild river kaya fasten your seatbelts and your nose!
  3. magkakaroon ng call 926 hotline.. isang hotline ng LAHAT ng kailangan mo sa pang-araw araw katulad ng pag-oorder ng pagkain, pag-order ng jeepney code., pag-pareserve ng bride to be, pagpapakabit ng cable, at pagsusumbong sa pulis.. (press 13288 for massage.. 13289 for jollibee delivery.. 13290 for math tutors)
  4. nasabi ko sa number 3 ang jeepney code.. makukuha ito in a 9 digit alphanumeric characters (e.g A23TVB445 – ang first 3 ay seat number, ang last 6 ay plate number) para di magkaagawan ng kung anu ano.. mabibili sa mga jeepney stations o kaya pagtawag sa 926.
  5. ang bawat magsusumbong ng mga law violators ay may libreng starbucks at yellow cab (one grande coffee at 2 slices ng pizza of your choice)
  6. ang july 1 ay el filibusterismo day dahil walang holiday kapag july.. ang mga tao ay magiging characters ng el fili buong araw.. e.g ang mga simoun ay mga bumbay na nagpapapyb six.. ang mga juanito pelaez ay ang mga conyo..
  7. magkakaroon ng pagong television network na NDSL 26.. network ng mga di sikat at laos.. mainstar nila si cj muere
  8. magkakaroon ng english speaking pass dahil masyado na tayong nag-aadjust para sa mga foreigners.. kelangan nila munang matuto ng tagalog! unfair kasi! makukuha nila un kung alam nila ang basic filipino phrases..
  9. bawal magbikini ang mga babaeng hindi 36-24-36 ang vital stats sa beach.. instead ay magsusuot sila ng white shirt at cycling shorts.. sa men naman ay bawal magtopless kapag di six pack en abab ang abs.. nakakahiya kasi eh…
  10. merong mga deodorant refilling stations sa kung saan saan para di na atin maamoy ang fragrances all over manila.. nakakaburaot kasi ang body odor! hehe..
  11. magkakaroon ng uniformity ang mga people dahil pagsusuotin ko ng blue ang mga intelligent.. green ang mga athletic.. white ang mga blue collar-job people.. pede rin magmulticolored kung gusto mo..
  12. sa namibia lang pwede manganak.. sa france lang pede magpakasal
  13. walang pasok kapag december kasi maraming holiday … december 1-7 linggo ng mga tindero/a sa palengke…. 8-15- linggo ng mga expatriate, 16 – bisperas ng bertday ni king, 17 – bertday ni king manny I, 18- post-party celebration, 19-26 – christmas week (dahil atat kayo! isang linggo!) 27-31 – pahinga dahil napagod
  14. lahat ng walang kwentang artista ay ikukulong sa big brother house para sumikat at maging star sa fhm at mga sex video!

wala lang.. hapi bertday pala kay martin bukas! hehe.. hiatus for 3 or more days.. di muna makakadalaw.. dami project eh

you will lose everything

Posted in Pastorals on Nobyembre 23, 2006 by Padre Salvi
wala lang.. gusto ko lang ishare sa inyo ang mga harry potter pics na ito..
sa july 13 na ipapalabas ang harry potter 5!

ang teaser poster

ang trio

dumbledore’s army

ganda ni luna lovegood!

wala lang.. vote for me! hehe

my utak is divided into many pieces

Posted in Pastorals on Nobyembre 21, 2006 by Padre Salvi

mga miniclips ng mga gusto kong ishare sa inyo.. please comment on five or more clips (hehe.. demanding.. wag niyo na sundin)

  • nagpalit lang ako ng layout..medyo sira sira pa kaya mapagtiisan niyo sana.. kung mas gusto niyo nung unang layout ko….edi un.. mas gusto niyo un.. pero nagsasawa rin ang isang blogger na katulad ko…..kaya nama’y magpapalit ako kung kelan ko gusto..(hehe.. nagdrama as if may pumipigil or tsutsutsu)
  • bertday ni filler pal babiera ngayon..kakaiba ang pauso niya ngayong bertday niya..inaannounce niya na bertday niya sa bawat taong nakakasalubong niya..at nakipagkasundo pa siya sa akin na babatiin siya everytime na mameet ko siya sa school..
  • napanood ko ang trailer ng harry potter 5 kanina.. nakakaintriga kasi ang kissing scene ni daniel radcliffe (although alam ko na dahil nabasa ko na ito) pero alam ko na smack lang iyon (another pag-eexaggerate ng mga movies).. sa july 13 na siya ipapalabas.. ano na kaya ang tawag sa akin kapag nanood na ako nun.. iskolar ng bayan? atenean? lasallian? or thomasian? hehe..
  • rugrats ang tema ngayon dahil trip ko lang.. dapat christmas eh.. pero i’m not that kind of person who anticipates christmas.. sa december 1 ko pa inaanticipate ang pasko.. kung mabasa niyo itong part na to.. sino ang pinakapeyborit mong rugrat? bakit?
  • dumating na ang robotics team ng makati science (nafeature na ito sa tv) at ok lang na 23rd sila out of 50 contestants.. malungkot ako kasi wala akong pasalubong.. pero we had a great fun kanina sa mga sabjeks namin.. si mam shawie lang ang wala..
  • ang acetylsalicylic acid ay aspirin.. masaya ang benzene structures at walang nakarelate sa part na ito..
  • iboto niyo ako dahil gusto ko makahall-of-fame (dinerecho ko na kayo ha.. un naman talaga gusto ko) just vote for me dun sa poll sa itaas!
  • last.. pinoy nga ang tumapos.. nanalo si pacman.. di naman talaga ako naexcite sa laban dahil di ko ito tinutukan.. (meron pa ngang inatake sa laguna i think dahil dun..) pero ako ay taksil at kumakampi kay morales.. wala lang.. para thrill lang.. maraming mga produkto ang di mag-aatubiling maglalaan ng malaking advertising fund para lang makuha ang appearance ni manny at ang kanyang pagkiling sa kanilang produkto.. hehe.. ang gulo.. buti nga walang sexy star na nagcclaim na kabit siya ni manny.. hehe.. desperadang magshowbiz.. hehe.. pinag-aawayan pa siya ng mga promotions at kung anu anu pang kaanuhan… sa susunod ay kay pacman na uli ako ngayon susuporta.. hehe..
  • gusto ko lang ilabas ang nararamdaman ko towards amazing race.. isang linggo akong magluluksa dahil naalis ang aking bet na sina erwin and godwin (cho brothers) wah. nahuli kasi sila ng pesteng pulis na iyon.. wah. wah. naiinis lang ako kasi naaalis ang back to back bets ko sa survivor at amazing race.
  • wala na tayong pambato sa survivor: cook islands dahil naalis na nga.. with a 4-2 vote.. si jenny guzon-bae.. samantalang naalis din last week ang isa pang filipinong si brad virata.. nabubuo na uli ang caucasian alliance.. and soo.. getting stronger.. ang nanganganib ngaun ay si nathan na torn between two alliances.. grabeh.. at di na naman kayo nakarelate dun..
  • nakakatuwa ang takeshi’s castle ng qtv.. isang reality show ng mga hapon na hindi ko lama kung ano ang purpose.. basta nakakatuwa siya.. try niyo makaglimpse sa qtv everyday para makita ang takeshi’s castle..
  • ang ganda ng punch line kanina ng kaklase kong pangalan ay KEITH SHINE..

isang kaklase: masakit ba mabunutan ng ngipin?

keithshine: di naman kasi may nilalagay naman na AMNESIA eh.. hehe

(tawa ako ng tawa.. meron pa palang isa..)

keithshine: double r ba ang derivative?

-the end-

pac y’all

Posted in Pastorals on Nobyembre 18, 2006 by Padre Salvi
Oi! Sowee po kung hindi ako nakabisita senyo.. kasi busy lang talaga ako.. ikkwento ko na lang ito ngayon
mabuti palang hindi magsalita ng tpos dahil eto..
ngayon ay hindi na naman ako makakadaan senyo..
kasi naman wala lang..
i never expected to be so busy this week..
di ko na nga naasikaso ang blog of the week.. kaya ngayon..
naunahan ako ni alyannajean at bamthegreat…
ka-tie ko pa si denib..
ok lang un..
thenks pala sa pagsuporta ninyo sa akin..
thanks talaga..
thursday
nanalo ako sa calculus quiz bee..
3rd place lang pero ok na yun..
friday
3rd place kami sa jingle competition..
ibinigay ko nga ang best ko dun eh..
grabeng exposure din un..
nung hapon ay naglaro ang buong maksci ng math bingo..
sa apat na taon kong paglalaro ko ay hindi pa ako nanalo kahit isang beses man lang.
nakatanggap ako ng isang daan pesos bilang premyo sa kwis bee.
ayos..
tinawagan ako ni mama dahil dumating ang si ate kay, kuya marben at kian (ang aking pinsan, kanyang asawa at anak)
manonood sila ng launching ng bench..
pabango nina richard at lucy..
edi takbo ako sa glorietta na isang sakayan lang mula sa skul..
putik.. traffic..
naalala ko na 6:00 ang palabas..
5:30 nun.. tapos naalala ko na naman ang filipino time..
(take note: ang filipino time ay hindi ibig sabihin na leyt lagi ang mga filipino.. actually, maaaga dumating ang mga pilipino ngunit ang mga leyt dumating ay ang mga importanteng tao sa isang event kaya nauurong ang oras ng pagsisimula ng palabas- namana natin ito sa mga kastila)
ayun nga.. umaprub ang filipino time theorem ko..
grabe ang trapik at isang oras kong nilakbay ang makati avenue papuntang glo.. (lakad-sakay)
pero di pa rin nagsisimula ang palabas..
nagsimula ito ng mga 7:02..
pero habang kami’y nag-aantay..
nagsawa kami sa commercial na ipinalalabas ng bench dun sa higanteng tv sa stage
eto ang order ng commercial

—sam milby’s b/low jeans.. siya ay mapapagkamalang nakahubad habang nagpuptol ng dahon ng may macurious na isang lolang tingin ng tingin sa ibaba ni sam.. hanggang sa masira nito ang bracelet ng apo.. subsequently, magbubukas ang sprinkler at makikitang nakajeans si sam ngunit sooobrang baba nito.. nakaka-lss ang bg music nito na parang si sam din ang kumanta

—-ang seamless underwear ni rafael rosell while doing some yoga and flexibility poses (sooobrang elibs ako dun)

—-seamless underwear pa rin ni rafael ngunit nagtatatumbling na siya at kung anu ano.. (naelibs pa rin ako)

—-ang printed underwear ni andrew wolfe habang siya ay nagpapakalbo ng buhok.. tpos may tagline na “be brave”

—-ang underwear ni nicole scherzinger ng pussycat dolls na may tagline na “sometimes what you put on is sexier than what you take off..”

tapos bigla na lang namigay ng samples ang mga sooobrang x 10 to the 23rd level gandang mga models.. as in.. maeentertain ka na lang sa kanila kahit ilang oras mo silang titgan.. tapos pati ung mga male models.. as in suuper gwapo rin na parang gusto ko nang agawin ang looks nila at ilagay sa akin para ako naman ang maging heartthrob kahit isang linggo lang sa buong buhay ko.. pati ung mga babae sa likod namin ay naiintindihan ko ang pagiging malandi dahil talaga namang kahit langgam ay magiging malandi dahil sa kanila..

nakapasok kami doon kasi naman bumili kami ng napakaraming pabango ng bench.. kahit sa mga shows ay may racial discrimination.. ang malapit sa stage ay mga sooobrang v.i.p.. na puro leyt.. saka kami.. ang mga not so v.i.p.. at ang mga uzi sa labas ng barrier.. ung mga nasa soobrang v.i.p ay mga conyong lumaki.. as in ung mga conyo during entrance exams sa la salle, ateneo, up at ust ay sila sila rin.. lumaki lang.. pinabayaan ko na silang enjoyin ang lifestyle nila..

nagsimula ang show kasama ang mymp.. tpos naghost si iya at namigay ng christian bautista cds.. sayang at hindi kami nanalo nun dahil di namin kinapalan ang mukha namin.. pero nagtagumpay naman kaming nanalo ng rachelle ann go cd dahil sa lakas ng loob naming tinawag si iya at kami namay napaunlakan.. kumanta ang gwapo ngunit payat na si christian bautista at ang magandang sexy na si rachelle ann go.. dumating na rin si richard at lucy at nakapagpaautograph ng 5 posters.. ang kulit nga eh.. hehe

Saturday

nagbalak silang pumunta sa mall of asia at bertday ng auntie ko ngayon kaya naglayas kami sa bahay namin at naggala.. punta kami sa bhay ng auntie ko at kumain ng sobrang rami dahil nagutom talaga ako habang nagttravel.. nawili naman ako habang katext si nika at nagpapayabangan kami.. di siya makaangat sa akin dahil level na talaga ang pagkayabang ko kaya ganun.. nalasing din yata ako sa brandy na nakahalo sa black forest ng red ribbon.. nakita ko rin ang kaklase ko sa national kwis bee sa studio 23.. tpos dumerecho kami sa lupang binabalak bilhin sa laguna at saka binalak pumunta sa mall of asia..

pagdating sa napakalaking mall of asia ay.. ayun.. nagkagulo dun sa playground na puro jumping castles.. kasi nadeflate ung isang jumping castle at may nastuck na mga bata doon at nanganganib masuffocate.. nabad trip ako kanina dahil pinilit nilang kumain sa jollibee na may soobrang daming tao.. tapos kinain pa nila ang aking exclusively orderd french fries.. napakahaba ng pila sa counter kaya thanks to my uncle na nagshort cut sa lines through a crew para sa aking french fries..

pinanood namin ang fireworks display na sooobrang ganda.. na as in natulala na lang ako sa space.. ang nasa likod namin ay amaze na amaze din at hindi mahawi sa labi niya ang nasaksihang fireworks display na lahat naman sa paligid niya ay napanood.. naiintindihan ko siya dahil siguro dun na lang niya maieexpress ang kanyang niloloob..

pumasok kami sa department store at umabot sa toys section.. super nailabas ko ang aking childish side at mag-isang nilaro ang mga makikitang try-me sa mga laruan..

kaya pala pac y’all ang title ng post na ito dahil nakakaintriga siyang pakinggan at bukas na ang laban ni pacquiao laban kay morales.. GO MORALES! hehe.. mas kailangan ni morales ang pera na mapapanalunan dahil mayaman na si pacquiao dahil sa mga commercial nya.. na ang latest pa ay ang nike ad sa may guadalupe – the mother of all billboards – at mga pumupuno sa whole pages ng mga dyaryo at kung anu ano pa..

super idol ko rin si tim yap.. nahawa lang ako kina dianne pero gusto ko siya talaga dahil isa siyang conyong ma-something.. basta di ko maiexplain..

di po si mr. tuesday ung tinutukoy ko sa baba.. ang nasa baba ay tinatawag kong ben-zayb.. ben-zayb is a guy pero ipinangalan ko sa girl.. may rason dyan pero secret ko na yun.. clue: si tuesday girl ay isang blogger!

due to the insistent public demand..

Posted in Pastorals on Nobyembre 16, 2006 by Padre Salvi
OI! SA SABADO NA AKO MAKAKABISITA SENYO KASI BUSY LANG ANG INYONG MR. TUESDAY! SANA AY MAINTINDIHAN NINYO!

hehe..
nauto ko kayo!
gusto ninyo ang lablayp ko?
hehe..
ayoko nga..
JOKE!
sige na nga.. ako naman nag-initiate na simulan ang paksa.

bago mo ito basahin..
kailangan ng malaking kaalaman sa mga love stories sa tv..
at matinding imahinasyon..
meron ka na nun?
sige.. kung nanonood ka ay isipin mo ang lab story nina eli (john lloyd) at princess (bea)
ang sweet nung dalawa! kilig! kilig! kilig!
pero kung di ka kapamilya or bea-john fan..
isipin na lang ang lab story ni san cai at dao sa tanyag na meteor garden..
ganun.. then pagsamahin mo ang lab story nina john lloyd at bea at ni sancai at dao..
naisip mo na? ay, oo nga pala.. pati lab story ni romeo at juliet.. parang paminta mo lang na isahog sa iyong hinahalong love story..
masarap na?
ayan.. pagkatapos mo gawin iyan ay isipin na ako ang guy at isang nagngangalang bianca ang girl..
kung iniisip mo na iyan ang lablayp ko.. hindi iyan..
warm up pa lang..
hehe..

nainspire ako gumawa ng post na ito dahil nga sa insistent public demand na pinipilit pigain sa akin ang wlang kwentang lablayp ko.. (ineexaggerate ko lang ang lablayp.. crush ko lang ang tinutukoy ko eh) hehe..
isa pa ay dahil sa mga nakakakilig na posts ng ibang bloggers (e.g camille, ate ikay, dwight at si denib na gagawa pa lang – pwamis.. kakaiba lablayp nyan ni denib.. sobwa!)
(medyo naudlot dahil sa kissing scene ni sam at anne – bakit kaya di sila nagganunan ni toni g. sa you are the one?)
anyways, dun nga sa aking crush..
hehe..
crush ko siya nung third year..
naging prom date ko pa..
(alam kong mababasa mo to! wla lang..)
( at dianne, magreact ka na lang personally sa akin..)
ayun..
nagsimula ang aming pwendship sa pagsabay niya sa akin sa jeep..
magkalapit kasi kami ng bahay..
(natatandaan ko pa na sinabi niya sa akin na iyon ay approximately 600 steps)
hehe..
tapos nung february 22..
isang ice breaker ang pumilit sa aking sagutin ang tanong na “sino ang crush mo sa section natin?”
tanda ko sa market market pa iyon..
at take note.. kasali siya dun..
hehe.. nagkalabuan na kami at di nagpansinan..
siguro ay tumagal ito hanggang bakasyon at ewan ko na kung pati nung first day of classes.
di ko na siya crush nun. (ewan ko ngayon)
(magrereact na naman si dianne ng “move on”)
ngayon ay magkasundo na ulit kami..
although naiilang pa rin ako sa kanya..
siya yata di naiilang
tumatabi pa rin nga sa akin sa jeep eh..

nagkataon na isang araw ay sabay kaming nakapagunlimited sa globe at eto ang sample text..

mr. tuesday: sige magtanong ka ng kahit ano sa akin. (di ko inexpect na magrereply siya.. pero nagreply nga)

siya: bakit di mo na ako kinakausap?

mr. tuesday: ewan. nahihiya ako sa ‘yo.. di ko talaga alam kung bakit

siya: weird.

ayun.. wala lang.. magcomment kayo ng kahit ano.. ang laplayp na walang kwenta..

ang lablayp.. oops!

Posted in Pastorals on Nobyembre 13, 2006 by Padre Salvi

binabalak ko na sanang gumawa ng post tungkol sa aking lablayp..
pero nandito ang buong pamilya ko..
kaya tungkol na lang sa pakikipag-away ko sa aking nanay dahil sa computer..

maikling post lang to!
(sowee pala at di ako nakakabisita kasi busy lang po.. enuff para bumoto at gumawa ng post na ito..)

ayun.. nanood na nga ako ng amazing race..
at nadisappoint ako at sinabi nila sa preview na maghihiwalay na ang cho brothers at bama alliance..
huh? hehe..
maka cho-brothers ako! pakialam ko kina bama..
di sila kawalan..
dun nalang ako sa barbies at sa mga adik na kaibigan ni aras..
hehe.. di kayo nakarelate no!
kaya punasan niyo na ang noses niyo (dahil sa nosebleed)
at eto na ang kwento..
ayun nga! natapos ako manood..
naisip ko na gagawin ko pala ang physics assignment ko..
di ko naipasa kanina..
(kasi di ko ginawa at di ako umattend ng klase kanina)
ok lang.. malakas naman kami dun eh..
ayun nga..
nung gagawin ko na..
nagcocomputer si mama..
binubook nga niya ung hotel sa hongkong..
hehe.. nainis lang ako nang hindi niya ako pinagamit..
(sinasabi niya ngaun na babawasan na ang baon ko dahil kasasabi lang sa news flash ang rollback ng pamasahe)
as if naman susundin iyon ng mga tusong drivers..
bak to the kwento..
ayun nga.. naibook na niya..
pero humirit pa! kailangan niyang malaman kung saan ang hotel..
eh ayun! with the help of me, nahanap namin ang website ng kanilang hotel!
grabe.. sa sobrang tagal niyang binasa yung webpage na mas mahaba pa sa blog post na ito eh makakabisado ko na yata un! hehe..
tapos ayun na nga! ung mapa papunta dun sa hotel..
saka niya lang nalaman na malapit ito sa train
(sinabi ni papa na ang lahat ng hotel dun ay malapit sa train)
at sa airport.. hehe
(kung sakaling mahuli ako dun.. takbo agad sa airport)
parang ang kulang na lang sabihin
ma, maggoogle earth ka na lang kaya..
(sa isip ko lang sinabi un!)
hehe..

LAB YU MA! HEHE!

ayun.. pero kung gusto niyo ng kwento ng lablayp ko! rekwes niyo lang sa comments box na ito..
at saka pala! may napili akong titulo para sa sequel ng el fili! ang title ni deejay.. with matching explanation pa kanina sa skul.. maganda ang plot! medyo kopya lang ang title pero ok na un!