mane thecel phares – juan crisostomo ibarra

kantang pinapatugtog: loveteam by itchyworms
nakuhang impormasyon: Nawawala ang chapter tungkol sa love story ni Elias at Salome sa Noli Me Tangere.

adik na ako sa el filibusterismo.
adik na kung adik.
grade conscious na kung grade conscious.
pero excited na ako sa long test sa el fili next week.
weird no.
well ako lang naman ang isa sa mga na carry sa istorya nito. (2 kami ng friend ko, si martin)
actually, sa sobrang adik ko, kabisado ko ung mga chapters.
pero di ko pa rin matatalo si jonell.
(wala nang tatalo sa kaadikan+kagalingan ni jonell sa subject na filipino)
as of now, nasa chapter 37 na kami – ang hiwaga..
medyo nakakainis lang si isagani dun dahil kinuha niya ang lamparang regalo ni simoun at itinapon sa ilog.
(ang regalo ni simoun ay isang lamparang may lamang nitroglicerina)
gusto ko nga ang mamatay na sila lahat. wala lang.
(super war freak na ko kung gayon)

weird reactions with relation to el fili

  1. adik ako kas super galing magkwento ang filipino teacher namin. isa nga si Bb. Adoracion C. San Pascual sa mga favorite kong teacher. kahit siya ay mataray (kalevel ni maricel soriano – mdalas nga siyang ikinukumpara dun). dahil din sa kanya. favorite ko na rin ang filipino. hehe..
  2. ayaw ko sa mga taong mali ang pagpronounce ng name ni ben-zayb [ben-za-ib dapat ayon kay ma’am sp]. hehe.. naiinis lang talaga ako.
  3. fan ako DATI ng juli-basilio loveteam. ngayon ay maria clara-crisostomo ibarra na ako. mabulok na ang isagani-paulita!
  4. napakaimportante ng role ni padre sibyla dun. promise, nafeel ko siya. (i’m sarcastic sa statement na un)
  5. tanga si simoun. tanga. tanga. tanga.
  6. nasan na si placido penitente? 3 chapters lang nilabasan nun eh. namely: chapter 12 placido penitente; chapter 13 ang klase ng pisika; chapter 19 ang mitsa
  7. feel ko. dapat ay si donya victorina at juanito pelaez ang ikasal. mas masaya yun!

may mga tanong ako sa inyo, sana ay sagutin niyo lahat. open questions naman siya eh. pero kailangan ng knowledge sa el fili..

  • sa tingin niyo, bakit simoun ang pangalan ni crisostomo sa el fili? pede amang cris o kaya tomo?
  • natanong ko na ito dati: sino kay isagani, basilio at placido ang magiging bida kung may third book pa?
  • ano ang title nito?
  • sino ang favorite niyong love team?
  • sino ang favorite niyong pari?
  • ano ang favorite niyong chapter?
  • ano ang pwedeng theme song ng el fili kung ito ay magiging soap opera?
  • sino ang mga gaganap? (e.g: sam milby – padre salvi, KUNYARI LANG!)

or kung ano pa gusto niyo icomment, filipino teacher niyo, o kaya noli me tangere.. tumatanggap din ng ibong adarna at florante at laura.. pero ang korni nung dalawang huli.. basta..

Advertisements

26 Tugon to “mane thecel phares – juan crisostomo ibarra”

  1. jonell – nako. inatake mo ang arkibo

  2. Maria Clara Says:

    ipaglaban mo ang gusto mo!

  3. Pagpapapatayin ko kayong lahat..!!!
    Di niyo masisisi si Basilio..bilang isang tunay na kaibigan, nagmalasakit pa rin siya kay Isagani kahit alam niyang sekreto lang dapat iyong tingkol sa lampara..Hindi rin natin masisisi si Isagani na isa ring tunay na nagmamahal sa isang babaeng hindi naman siya binigyan ng halaga,.. Wlang dapat sisihin sa nobelang ito.. Tanging ang baluktot na paniniwala lamang natin na “Ang dahas hindi kayang ituwid ng isa pang dahas” ang dapat sisihin.. Sana’y puro pagmamahal ang isa-isip nating lahat…Adios Amigos, Amigas..

  4. ANG PANGALAN KO AY GALING SA MGA LETRA NG TUNAY KONG PANGALAN NA JUAN CRISOSTOMO IBARRA… SIMOUN..> lahat ng mga letra ay matatagpuan sa pangalan ko… At ang ibig sabihin ng pangalan ko na Simoun ay “It is Heard” na nangyari sa el fili kung saan ako ay pinapakinggan at pinaniniwalaan ng lahat ng aking mga kasamahan..kabilang na nga rito sila Basilio, Kabesang Tales, mga suki ko sa pagtitinda ko ng alahas^^hehe oh sige….=) paki add mo na lang ako friendster ko Charlemagnepapz@yahoo.com ….sana malaki ang naitulong ko saiyo….Te Amo.

  5. merong ikatlong libro ang noli at fili. ang title if im not mistaken is ang misa.

  6. ahahhahah 6aling n6 sa6ot ualan6 cKuents

  7. ahahhahha anuh yun cge kung san kau masaya suport nalangboth of them and you harhar

  8. demonyo kung demonyo mas kamukha neo nmn c hudas mga letrang maaangas dapat itapon sa butas kung kya neo ko pre cge tapatan neo

  9. JUAN MAKABAYAN Says:

    sana mabasa niyo to… ang salitang simoun ay nangangahulugang “poison gas” sa salitang arabic. ito ay isang uri ng bagyo na nagsu2ffocate sa mga taong nakakalanghap nito. gaya ng tunay na intensyon ni simoun. nilalason ang utak ng kapitan heneral upang masuffocate ang mga filipino para magrebolusyon sa mga espanyol..

  10. baliw si simoun!! dapat sinarili na lang niya ung mga plano niya. . kung ganun ang nangyari edi sana tagumpay ang balak niya! anyway, wala na rin namang tayong magagawa. . may maganda namang naidulot ung buk na un.. kahit medjo weird sya.. grabe si rizal, ang dameng nakatagong lihim sa el fili na dapat ikaw ung makatuklas! ilove el fili kahit mejo sakit sa ulo alamin nung mga gusto ipahiwatig ng mga sitwasyon..

  11. Donya etchosera Says:

    hanep. ang cool nyo, hindi ko inakalang may mga taong adik sa creations ni JR haha. Twilight na kasi ang uso ngayon ee, anyway, sa author, i like the way you express whatever you feel. 🙂 na-praning ako dun aa. haha.
    kahit konte may na-add sa utak ko, sana nasa long test namin to. haha 😀 Keep it up!

  12. Sa dami ng nagpapatype sa akin ng summary ng El Fili ay naaadik na rin ako… ang nakakainis lang ay bakit nagpakamatay si Papa Simoun!!!! Sayang,,, bilib na bilib na pa naman ako sa mga strategies nya…. At ito namang si Mama maria Clara ay nachugi din!!! Diba nakakapag-isip kung ano ang maaaring mga susunod na mangyayari dahilsa pagkamatay ni Simoun? Pero ang favorite kong love team dati ay juli-basilio, pero ngayon xmpre,,, Ibarra- Maria Clara na rin….. at kung magkakaroon ng book 3 at feel kong bida ay si Basilio,kasi,,,… wala lang feel ko lang….. Para sa title namn ay….. walapa akong maisip eh…. Tnx sa inyo!!!! kala ko ako lang ang adik sa El Fili eh….. hehehehe

  13. bakit ganoon yung mane thecel phares..
    haha.. hindi naman iyon yun..
    sakin kung bakit simoun? ay siuembre kung cris edi malapit, katunog lang, edi baka matunugan lang din siya..

    ang gusto kkong bida si Basilio.. Aztig kaya..

    Senyor Basilio..

    Basilio Huli.. ahehe.. nauwi lang sa wala.. kawawa naman.. ikakasal na bali.. kamanyakan kasi ng mga pari..

    paborito ko ay ang unang kabanata.. sa ibabaw ng kubyerta(dibisyon ng barko, yung tabla ba) kasi aztig ng usapan.. feelingera pa si Donya Victorina na kaya mabagal ang Bapor Tabo ay dahil sa mga Indiyo, Indiyo din naman siya..

    I gotta feeling.. haha.. feelingero kasi si simoun na mapapasabog ang bahay ni Kapitan Tiago eh.. Di tuloy natuloy..

    Kapuso kasi ako.. kahit sino, basta wag o.a.

  14. paborito ko palang pari.. si Padre Camorra.. ay sadyang camura-mura talaga.. ahahaha..

  15. – eh Simoun kasi..? yun ung gusto ni Rizal? :))
    – shempre si Basilio. Nung Noli palang andun na sya di gaya nila Placido at Isagani. saka malaki ang parte nya dun sa nobela.
    – MakaMisa. echos.
    – Mamatay na ang Paulita-Isagani loveteam. Lalakerang palaka. Syempre dun ako kay Ibarra/Simoun-Maria Clara. Lalo na sa Noli, gustong gusto ko yung mga linya nila.
    – Padre Florentino. pero kung kabaligtaran, si Padre Salvi. Manyak!
    – syempre Kabanata 23. Dun kasi nalaman na mapupunta sa wala ang mga efforts ni Simoun.
    – theme song.. Gulong ng Palad? choss.
    – Simoun – Roeder Camanag (adik sa Teatro); Donya Victorina – Juana Change (astig); Juli – Angel Locsin?; Paulita Gomez – Anne Curtis (try nyo); Basilio – Papa Piolo!..

    – bahala na sa ibang characters. ♥

    * weew. mas adik ako sa El Fili kesa sa Twilight.. Baket?! HAHAHA

  16. “Tanga si Simoun. Tanga. Tanga. Tanga.”

    PANALO. :))

  17. Pasingit. Aliw naman tong post na to. Hindi ko naappreciate yung Noli and El Fili nung HS – siguro dahil boring yung teacher tsaka tamad ako magaral. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano sila kaastig. Nakakatuwa ding isipin na may kabataan palang mas gusto pa ang mga nobelang to kesa sa Twilight series. Gudjab. 🙂

  18. ano ba talaga ung mane thecel phares?
    love team?

  19. Simoun, alam mo, isa kang maliksing bala. Magpaplano ka na nga ng iyong himagsikan eh palpak pa. Subalit ako tuloy ang naturing na isang magnanakaw pero di nila alam na bomba yung laman ng lampara at ako ang nagligtas sa buhay ng mamamayan, habang kayo ni Basilio ay nagsialisan. Mabuti nga at may kaibigan akong si Chichoy. Siya ang lumigtas sa buhay ko dahil ikaw ang naging salarin, di na ako kaya bahala ka na hahaha!

  20. Telegrama ng Pag-ibig (Hindi naibigay kau Paulita dahil nagkasakit ang tagapagbalita)

    Paulita, Paulita, mahal kong Paulita
    Kung ika’y akin lamang, tayo sana’y magiibigan pa
    Ngunit nakita ko na ang tunay mong katangian
    Pera lang ang iyong kapakanan

    Para lang ako madaling nabilanggo,
    Hindi mo ako hinintay, humanap ka pa ng bago
    Akala mo hindi ako magtatrabaho?
    Hintayin mo lang akong maging enhinyero

    Pupunta na ako sana, subalit kayo na ni Juanito
    Masayang-masaya ka, pero parang hindi kontento
    Alam kong ika’y nagtataka
    Kung bakit hindi ako nagpapakita
    Ay naroon pala ako sa kiosko,
    nagnanakaw ng lampara

    Pero akala mo ako’y mahirap?
    Hindi, linigtas ko ang sana’y aking pangarap

    -Isagani

  21. Alagad Ni Dory Says:

    kami rin ay naging estudyante ni mam san pascual. share langs. =))

  22. What a great publish on mane thecel phares – juan crisostomo ibarra | The Padre Salvi Pastorals.
    Most Impressive!

  23. ano po ba ang ibig sabihin ng mene thecel phares?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: