Imbak para sa Pebrero, 2007

pauso ni mr. tuesday

Posted in Pastorals on Pebrero 21, 2007 by Padre Salvi

kantang pinapatugtog: total eclipse of the heart by westlife
nakuhang impormasyon: wala muna!

nawawala na ako. sabi ni billycoy. matindi kasi ang demands ng school namin eh. as a graduating student. marami kaming dapat asikasuhin kasi gagraduate na kami sa april 4. dats rayt! april 4. lagi naman eh. pati nung elementary ako. eypril din ako naggraduate. pabayaan niyo na yun. dahil nga gagraduate na kami. madaming projects ever. na ipapasa sa first week of march. pinagagawa kami ng poems sa english. (entitled “memory gems”). pinapagpasa ng first three chapters of research proposal sa organic chemistry with matching long test. powerpoint presentation in economics (take note: in tagalog. tatagalugin mo lahat ng isinearch mo na english.) at marami pang project na kahindik hindik at hindi kapost-post sa blog ko.

kumakalat na ung tag chuchu na magbibigay ka ng 5 random things about yourself. actually, i’m tagged by nika dati pa pero ayaw kong gawin. kaya ang sasabihin ko dun is… I”M TAGGING NO ONE. para mag-end na ang chain na iyon. kasi i will make another one. at iyon ang tinatawag kong. GIVE (AS MANY AS YOU CAN) RANDOM THINGS YOU WANT TO POST. o diba. pede na ngayon ipost kung may nanganak na ipis sa bahay niyo or kung anu anu pang walang kwnetang bagay na gusto mo nang IBUGA (historical allusuion: this word was quoted by our filipino teacher miss adoracion c. san pascual during one of her most memorable sermons.)
start na!

  1. tinitinda si spiderman sa kapitbahay namin. kaya kung gusto niyo bilhin. punta lang kayo sa block 20 lot 25 pinagsama village 2 western bicutan taguig city. pinagsawaan na yata ng kapitbahay namin ung spiderman na malaki. nakasabit na siya ngayon sa tindahan nila.
  2. nakita ko ang pinakauna kong scientific calculator. that calculator was so memorable to me. nangangailangan kasi kami ng sci cal nung second year dahil sa subject namin na trigonometry. iyon ang sci cal na nakakapagexempt sa akin sa periodical test. at nakapagbigay sa akin ng perfect na long test at 95 na grade. kahit 12 digits lang siya at hindi natural display, love na love ko ang calculator na iyon!
  3. for the first time since pinoy big brother celebrity edition ay lumabas si zanjoe at bianca sa tv na magkasama! bianjoe fans! still fighting! ako na lang yata ang natitirang alagad ng bianjoe fans pero wakoker. nakita niyo ba iyon kanina (8:34 pm, Thursday, February 22, 2207) nagsama sila uli. reminiscing the days! shet. manliligaw na si zanjoe! (kung naeewanan kayo na gusto kong magkatuluyan si zanjoe at bianca, pagpasensyahan niyo na lang ako at lagpasan ang part na ito ng post ko. i’m just a SUPER FAN!)
  4. sino ang nagpauso ng “lower” sa deal or no deal? so corny kasi. basta. lagi na lang lower. mali pa nga yung gamit eh. dapat “low” or kung nagmamaasim ay “lower amount”. basta ang corny talaga. tsaka napapansin niyo, kung super nangangailangan ang taong naglalaro, mababa ang narerecib niya.
  5. si piolo pala ay bench model? pinalitan na ang bilbord ni goma dun sa guadalupe. dahil sa pagbabalak niyang magsenador. pinalitan ngaun siya ni piolo na super akong nashock na model pala siya ng bench. kasama ang miniature sam milby na nandun sa bilbord na nakasipa sa malaking mukha ni piolo.
  6. may pasig river ferry na! madalas kong nakikita ang natatanging makati station ng pasig ferry dahil dun ako madalas sa guadalupe. sinasabing hanggang laguna nga ang ruta nito (uy bapor tabo!) hehe. sana ay makasakay din ako dun balang araw.
  7. im getting addicted to mythology. as of now ay katatapos lang namin ng jason and the argonauts. papunta na kami sa hercules’ 12 labors. ang saya saya nga nila eh. sana makakuha ako ng mythology subject sa up.
  8. ang award winning commercial ni prospero pichay. “pangarap kong tuparin ang mga pangarap mo. ako po si prospero pichay, pro-pinoy.” astigin din to eh. talo niya ang deodorant endorser na si mike defensor (walking ‘tol) at ang kung sino sino pang senator. wahh. mr. pure energy tong si prospero eh.
Advertisements

le vingt quatre chanteurs/chanteuses

Posted in Pastorals on Pebrero 15, 2007 by Padre Salvi
kantang pinapatugtog: theme ng american idol
nakuhang impormasyon: ryan seacrest is so vain.

top 24 contestants.

choose your favorites!

Alaina Alexander
Rudy Cardenas
Antonella Barba
Jared Cotter
Melinda Doolittle
Jason “Sundance” Head
Stephanie Edwards
Paul Kim
Gina Glocksen
Blake Lewis
Leslie Hunt
Sanjaya Malakar
Lakisha Jones
Nicholas Pedro
Amy Krebbs
Chris Richardson
Haley Scarnato
Brandon Rogers
Sabrina Sloan
Chris Sligh
Jordin Sparks
Phil Stacy
Nicole Tranquillo
A.J. Tabaldo

ako ngayon si cupid. nasaan na kaya ang aking psyche?

you had me at hello

Posted in Pastorals on Pebrero 14, 2007 by Padre Salvi

kantang pinapatugtog: follow through by gavin degraw
nakuhang impormasyon: ang mg linyang “you complete me”, “you had me at hello”, “show me the money” at “help me help you help me” ay nangggaling sa pelikula ni cameron crowe na Jerry Maguire starring Tom Cruise.

masyado akong adik sa jerry maguire ngayon!

sino na nakanood nun?

wala nang masabi.

o teyk mi tu da istarbak

Posted in Pastorals on Pebrero 12, 2007 by Padre Salvi

kantang pinapatugtog: sa ilalim by kjwan
nakuhang impormasyon: wala. ang hirap lang ng calculus.

nung weekend ay pumunta kami sa province (dagupan, pangasinan)
pupunta lang kami kasi makukumpleto na naman ang angkan (oldo di talaga kami kumpleto)
kasi dumating ang aking uncle at auntie na nurses sa america.
one en a hap da lang kami dun tapos kahapon ay umuwi na kami.
kahapon ay nag stop over kami sa hacienda luisita na pag-aari ng mga aquino/cojuangco.
ayun. dahil 2 visit na lang ay makakarecib na kami ng mga kapatid ko ng loyalty award sa jolibee, guess what? nagjolibee kami. unexpected no.
e yung mga matatanda nag istarbak kasi ayaw nila kumain. nakulangan yata sila sa kape dun sa dagupan.
e ayun.
hindi na ako naibili ng mocha frappe na lagi ko lang natitikman kapag dinadala siya ni kim sa skul (oo nga pala. nominated siya. iboto siya sa www.salaswildthoughts.blogspot.com! siya si exposedvanity. ok?)
nakakainis. pero i managed to save a cup na pinaggamitan ng tatay ko. lalagyan ko yun ng milo saka maglalakad papuntang iskul. o diba sosyal! hehe joke lang.

bakit ba ang mahal mahal ng istarbak?
ang isang grandeng cafe ay naikain ko na sana ng dalawang two piece burger steak with extra rice na dalawa at nakalarge pa ang coke.
kape lang naman iyon.
kape ng sosyal.
kape ng mga conyo.

ako nga, nahihiya talaga ako magpunta sa mga sosyaling restaurant at mga lugar tulad ng istarbak.
bakit?
una, maraming foreigner
pangalawa, kung pilipino naman iyun, conyo.
nakakainis.

HAPI EYTINT BERTDAY KAY Bb. Mechelle Mapalo Manzanilla! hehe. ang aking butihing kaklase

grades are only numbers. (tugugsh sa mga grade conscious na kagaya ko)

Posted in Pastorals on Pebrero 9, 2007 by Padre Salvi

kantang pinapatugtog: good day by the click five
nakuhang impormasyon: 48.39 na lang ang dollar!

bigayan ng grades namin ngayon.
kadiri.
at ginagawa ko itong post na ito sa library namin.
saya no.
nagtingin tingin sa frendster.
wala akong magawa!
ipost ko na lang grades kong nagsibabaan pababa. (meron bang nagsibabaan pataas?)

english —> dating 94 ngayon ay 92, 2 points down
say ko: aasa pa akong tataas yan. ibinaba ko ang periodical test ko, saka ang third grading period ay simula ng literature mode. kaya bababa talaga siya grabe..

filipino —> dating 91 ngayon ay 89, 2 points down
say ko: ngayon lang talaga ako nangangarir. mababa ang periodical test at awput na ipinapasa ko kaya ganun. lahat kami ay bumaba fyi.

advanced algebra with trigonometry and statistics —-> dating 88 ngayon ay 96, 8 points up
say ko: wow. pero kinarir ko talaga ang math eh. i joined and actively joined the math week. mataas ako sa periodical at mastery test. contestant pa ako sa mtap kaya naman dapat lang na iyan ang grade ko.

physics —> dating 91 ngayon ay 90, 1 point down
say ko: di ako kumuha ng quiz (na isa) at hindi nagpasa ng notebook. pano kaya naging 90?

economics —> dating 90 ngayon ay 90, retained
say ko: ewan ko. wla naman akong ginagawa sa eco namin eh. ok na iyan.

technology and livelihood education —> dating 93 ngayon ay 95, 2 points up
say ko: thank you sir job! heeh wala kaming ginagawa sa tle kasi nagttrain si sir job pero binigyan pa rin niya kami ng mataas na grade.

music, arts, physical education and health —> dating 93 ngayon ay 97, 4 points up
say ko: ang ceiling grade kasi is 99. di ako nagpasa ng tahong shells (na requirement) but have to dance para magkaroon ng grade kaya 97 lang ako. ok na yun.

values education—> dating 88 ngayon ay 90, 2 points up
say ko: that means bumait na ako.

journalism and print media —> dating 95 ngayon ay 91, 4 points down
say ko: grabe.. di nga kapanipaniwala na 95 ako sa journ nung 2nd grading eh. miraculously naperfect ko ung 2nd grading perio. eh ngayon, wala nang swerte, kaya bumaba talaga siya ng todo.

differential and integral calculus —> dating 93 ngayon ay 98 (the highest grade!), 5 points up
say ko: kung bago lang kayo sa blog ko, di niyo siguro alam na student teacher ako sa calculus, syempre as an incentive, me dagdag ang grades ko (by exempting me in passing notebook and mastery test) kaya natutuwa ako. thanks sir joga!

organic chemistry —> dating 91 ngayon ay 95, 4 points up
say ko: kinakarir ko rin iyan eh. may natatagong galing pala ako sa chemistry na hindi ko nalalaman. hehe.

computer (microsoft visual basic 6.0)—> unknown to 87 (da lowest grade!)
say ko: ironic ng buhay ko. nakaharap naman ako sa computer lagi pero ang baba ko. hehe. kasi naman eh. i truly and fully understand the concept of visual basic 6.0 kaya naman mataas ang grade ko dun (sarcastic)

francais —> dating 94 ngayon ay 95, 1 point up
say ko: masaya nga eh. pero sumablay yung periodical ko kaya ganun. isa lang ang itinaas. pero ok lang iyon.

general average for the third grading: 92.89 (may units pong katumbas ang bawat subject at hindi basta add all 13 and then divide)
class standing: suspense pa. di pa alam eh.

total: 9 points down; 26 points up! saya no. good work mr tuesday!

upcat passers! narecib niyo na ba ung sulat galing sa up? saya ko nga eh. ang enrolment ng ece ay sa may 7 at ang orientation ay sa may 8. saya nga eh. kahit maraming gagawin ay ok lang. go up! go future and present iskolar ng bayan! hehe..

uber random talaga to eh.

Posted in Pastorals on Pebrero 7, 2007 by Padre Salvi

kantang pinapatugtog: hide and seek by hale
nakuhang impormasyon: oxalic acid is a dicarboxylic acid. its IUPAC name is ethanedioic acid.

mga bloggers. blogkadahan. people of the blogosphere. dumarating sa point na wala ka nang maipost na kung ano. kaya kung ano na lang nangyari sa akin ang ipopost ko. bahala na kung langawin ang post na ito. kung di niyo naiintindihan… ang “que voudriez-vous dire?” ay “what do you want to say?”.. game?

super pagdating ko sa bahay ngaun. of course i will expect na pagagalitan nila ako kasi 8:30 na eh. and di ako nagkamali. pero sinalubong ako ng mga relo. as in talagang relong water resistant, meron pang free watch na wristband. oh.. say niyo dun? pero wala nang tatalo kung gaano kaexcited kapatid ko (11 years old, grade 5, MCA Montessori School, Taguig, near Libingan ng Bayani). excited siya na gamitin ko ang alarm clock feature ng bagong watch ko. hehe..

aftermath nung french: grabe kaninang umaga ay pinapagfrench niya ako. i was like “alis na ako”. hehe. ayaw ko nga. hehe. ngayon ay meron kaming banner (na 11cm x 8.5 cm) sa school. natuwa nga ako eh. although kahit ako ay di maintindihan ang nakasulat dun. basta clear lang sa akin na nakalagay ang pangalan ko doon. CARL DAYANDANTE. sosyal.

dun sa tinutukoy kong long test sa el fili, 68/70 ako dun. 2 mistakes lang ha. highest in the class along with sophia ureta. pero naperfect siya ng aking filler pal na si dianne villapando. wala na kong masasabi tungkol doon. pero may season 2 pa ng test bukas. saya nga eh.

may tanong lang ako sa inyo. sa english IV niyo ba, nagdiscuss or magdidiscuss ba kayo ng following?:

sonnet 29 by william shakespeare
song by christina rossetti
sonnet 75 by edmund spenser
the solitary reaper by william wordsworth
the lamb by william blake
the tyger by william blake (super report ko ito!)
the chambered nautilus by oliver wendell holmes jr.
the rime of the ancient mariner parts 1-7 by samuel taylor coleridge
stopping by woods on a snowy evening by robert frost
the blessed damozel by dante gabriel rossetti
the man with a hoe by edwin markham
the charge of the light brigade by alfred, lord tennyson
chicago by carl sandburg
annabel lee by edgar allan poe
invictus by william ernest henley
cupid and psyche (mythology)
pegasus and bellaphora
the quest for the golden fleece
oedipus rex
hercules’ 12 labors

feel ko kasi kami lang nagdidiscuss ng ganyan sa buong pinas. super nose bleed na ko. pero they are the best poems ever. hehe.

matagal ko na tong sinasabi. sa up na po ang pasok ko. kaya ung mga iskolar ng bayan at magiging iskolar ng bayan, antayin niyo ko dyan sa diliman! hehe..

ang pagkabuhay ni padre salvi

Posted in Pastorals on Pebrero 3, 2007 by Padre Salvi

welcome to my wordpress blog. ginawa ko ito para magkaroon ako ng labasan ng iba pang hinanakit. nakadarama na kasi ako ng i-blog-mo-na-agad syndrome. kung saan parang ang lahat ng bagay ay gusto mo nang iblog. pero may current post ka pa sa blog mo. so nangangailangan ka ng pangsalo ng iyong urge. (alam ko ung urge na naiisip mo, alisin ang kalibugan, kahit unti lang) hehe..

tanong niyo. bakit ba padre salvi?

sagot ko: bakit hindi?

the same thing lang iyan ng pagiging mr. tuesday ko. ang pagiging mr. tuesday ko ay simbulo ng aking pagkamasayahin sa kabila ng magulong buhay. ang pagiging padre salvi ko naman ay pagpapakita ng softer side ko. naaawa rin ako sa ibang tao. di laging masaya si mr. tuesday.

si padre salvi ay ang pinakapaborito kong pari sa el filibusterismo. ang kyut ng pangalan niya. ang tahimik ng character niya. sana ay tangkilikin niyo ang blog ko na ito.

au revoir.