Imbak para sa Marso, 2007

Da Junyor Eygent

Posted in Kathang-isip, Le Cinema, TV on Marso 31, 2007 by Padre Salvi

Agent Cody Banks 

Name: Agent P726 a.k.a Padre Salvi
Position: Junior Agent of the Central Intelligence Agency
Mission: Find the person behind the voice of Big Brother
by being a Big Brother Housemate.

Joke lang. Si Agent Cody Banks played by Frankie Muniz ang nasa picture. Kung hindi niyo pa napapanood, si Agent Cody Banks ay isang 15-year old CIA agent. Actually may Agent Cody Banks 2 pa. Hindi na ako magsspoil ng kwento. Panoorin niyo na lang ang Agent Cody Banks sa AXN (pakalat kalat ang sked kaya better watch AXN kung anung sked niyo siya next mapapanood). Yung 2 naman, sa Star Movies.

Patuloy tayo sa topic ng pagiging agent. Napansin ko sa movie na ang isang agent ay matalino (check?), madiskarte (minsan?), at masikreto (hindi!). Napansin niyo na di ako sure na meron akong qualities na ganyan. Pero malay niyo, niloloko ko lang kayo na hindi ako ganyan. Yun pala Philippine Junior Agent of The CIA na pala ako. Ang mission ko pala ay maging PBB housemate kasi kinokontrol pala ni Big Brother ang mga utak ng housemates using a mind controller (dun sa Agent Cody Banks 2 nanggaling ang idea).  Baka naman meron na pala akong spy na nagmamasid sa bawat kilos ko at binabasa ang mga post ko. Wah. Isusubmit ko na ang mga I.P addresses niyo para matrace ko na kung sino sa mga links ko ang espiya ko pala.

Dun naman sa movie, nakahalik na si Frankie Muniz ng isang Hilary Duff at isang hindi ko kilalang babae mula sa ACB2. Nainggit nga ako kanyang kagwaphuan, kamandag at coolness kasi kahit kinse anyos pa lang yun, nakahalik na yun ng mga babae. Hindi lang yung tweetums na parang sa mga About your Love (mga tipong Rayver-Shaina), pero yung kiss na parang nilalasahan mo yung buong labi niya (masyado pa silang bata para sa french kissing) .  Na-amaze din ako sa kanya kasi marunong na siyang magdrive! Wah. Kailangan ko na ring matuto para maitakbo ko na ang crosswind namin at mapaikot ikot sa University Oval.

Hehe. Naisip ko nga kung magkakaroon pa uli ng pangatlong Agent Cody Banks eh magmumukha na itong James Bond kasi malaki na itong si Frankie ngayon. Baka hindi lang mga patweetums at pacute na kiss ang gawin niya. Baka talagang i-French na niya ang partner niya. Matalo pa niya si Pierce Brosnan. Naisip ko rin na kung hindi na siya mag-aAgent Cody Banks eh siya na ang papalit kay Daniel Craig (na hipon, kasi ang tanda ng itsura. katawan lang ang kailangan mo) bilang James Bond.

Naisip ko nga na kung member ka ng CIA, ang daming uber cool gadgets na makukuha mo sa kanila. Yung cellphone na nagiging sniper saka password detector. Saka cool pa yung mga kotse at mga headquarters nila. Ang cool rin na may access ka sa Pentagon at kung saan saan pang mga lugar na headquarters pala tulad ng basement ng Smokey Mountain (ay, nasabi ko. Pero try niyong pumunta dun. Di niyo alam kung saan ang entrance). Ayan, pinapatawag na ako ng aking partner mula sa aking watch-slash-communicator with over 578 uses sa aking mission. Sige.

Advertisements

A pols alarm

Posted in Pastorals, PBB on Marso 28, 2007 by Padre Salvi

Isang Himala.

Naging instant doctor ako nung ipatawag ako ni Mama, upang for the nth time, ay ayusin ko si Compy. Para talagang isang himala na hindi umatake ang Trojan na iyon (Bumalik na sa Troy) habang ibinabalik ko sa ayos ang pagkakainstall ng Windows XP Home Edition. Nakakainis rin na hindi na maibabalik ang mga dati naming files kagaya ng aming pictures sa Hongkong na nakalimutan kong i-burn. Pero sobrang saya na talaga akong balik na ulit sa ayos si Compy. I promise to him na hindi na ako magdodownload ng mp3 files na may kasamang Trojan.

 ~~

Kanina ay pinagawa ako ng tula ni Mrs. Larcena. Para ito sa project na A Vision: Anthology of Creative Student Writings na under sa iEARN. Kailangan kasi nila ng isang poem na ibang language. Bigla namang naispatan ako nitong si Ma’am Larcena at biglang nagrekwes ng flash-french-poem. Ako naman tong si “Best in French” na gumawa ng tula. Heto ang ginawa ko kanina:

 Le Hibou

Le Hibou se tient toujours sur la branche de l’arbre,
Parmi les feuilles qui balancent avec le vent.
Ses yeux au loin comme si il ne dort pas
Et ses oreilles écoutant le silence de la nuit.

Ses ailes sont ternies dans blanc et gris
Et ses griffes si petits pourtant dièse.
Son corps, si invincible!
Il s’inquiète moins de froid de soirée.

Le hibou s’est agité ses ailes.
Il a monté au ciel foncé.
Je le vois vol d’une manière élégante.
Je ne peux pas l’aider mais adorer.

Mukha lang yan maganda kasi di niyo gets. Eto ang translation niyan:

The Owl

The owl stands still on the branch of the tree,
Among the leaves that sway with the wind.
Its eyes wide as if it does not sleep
And its ears listening to the silence of the night.

Its wings are tarnished in white and gray
And claws so small yet sharp.
Its body, so invincible!
It cares less of the evening chill.

The owl flapped its wings.
It soared up to the sky.
I see it flying elegantly.
I can’t help but to adore it.

O diba?

~~

Usapang PBB ulit!

Inannounce na ang next 6 sets of big red phone calls at ito ngang si Bruce ang nakatanggap ng 8th call na entitling him to have a secret date with another housemate. He surely had a good news. But the next 5 calls are the exciting ones.

  • 9th call – Sadako for a day

  • 10th call – Blindfold (w/o help from any other housemate) for a day

  • 11th call – Conquer a fear task

  • 12th call – Ahitin ang kilay

  • 13th call – The Judas’ Kiss where the recepient of the call will kiss one housemate which will be automatically nominated. (Exciting!)

Naparusahan nga itong si Zeke for being rude to the girls inside by being an Old-fashioned Filipina named Imelda. Nakakatuwa nga itong task na ito na super kailangan niyang maging babae. Hehe. Mukhang matitbo yata itong si Dionne.

Sa tingin ko na ang kanilang weekly task na Water Mill or No Meal ay magtatagumpay. Kailangan lang kasi dito ang kasipagan, na nakikita ko namang punung-puno ng ganito sa mga housemates. Manood na lang kayo this week para sa marami pang happenings.

A looooong hiatus awaits..

Posted in Liban, Pastorals, PBB on Marso 27, 2007 by Padre Salvi

Na-ring ang big red phone sa bahay namin. Dala ni Big Brother ang isang BAD NEWS.

Magkakatrojan ang computer niyo!

Ayun nga. Ipapaayos nga namin si Compy. Ipapareformat. Nagkasakit ang bestfriend kong si Compy.  HuHuHu. Ipagdasal niyo naman si Compy na sana gumaling na siya agad.

Anyways. Punta na naman tayo sa topic na favorite ko, ang PINOY BIG BROTHER.

Nung Sunday nga ay naalis itong si Jasmin. Not much to my dismay, si Bea naman ang nakareceive ng seventh call. Automatic Nomination. Si Dionne ay may hinaharap na kaso ng violation. Sa tingin ko ay Not Guilty tong Lovable Sweetheart na ito dahil mas kinakampihan ng mga housemates itong si Dionne dahil sa rudeness ni Zeke. Mainit na nga itong usapan sa aming classroom (Syempre, led by yours truly). Inilabas na rin kagabi ang second set of nominees. Sina Bea, Zeke, Dionne, Gee-ann at Wendy. Inirerekwes ko na kahit sino ang iboto maliban kay Bea. Bakit si Bea ang dapat maalis?

Nominees:

  1. Zeke – Bukambibig ng mga tao dahil sa kanyang mga issue towards her behavior and rudeness sa mga babae. Nalilink kay Dionne kaya dapat siyang mag-stay pa ng mas matagal.
  2. Dionne – Paano pag-uusapan si Zeke kung wala si Dionne. Si Dionne at si Zeke ay magandang topic kapag nabobore kayo. Maganda pa panoorin ang mga scandal nila. Tulad na lang ng Chocolate Scandal.
  3. Gee-ann – Marami siyang fans saka humble saka maganda.
  4. Wendy – Para marami pang away to look forward to. Maganda rin siyang tingnan with Robert.
  5. Bea – Parang nanay na walang kaaway. Boring sa mga discussions. Wala masyadong impact.

Ayun. Si Bea ang natira.

Dun naman sa issue ni Zeke at Dionne. Nakakainis lang si Zeke kasi inilalaglag niya itong si Dionne. Halatang gusto rin ni Zeke itong pinaggagagawa ni Dionne pero pagdating sa reasoning out, nagmamalinis siya. Nakita ito ng mga housemates kaya siya ang nakakuha ng may pinakamaraming puntos. Isang example na ang chocolate issue. Pinapakuha ni Dionne ang Chocolate na nasa bibig niya kay Zeke dahil mahuhulog na ito at mamamalantsa siya. Si Zeke naman na parang gustong makipaghalikan ay kinuha ang chocolate sa pamamagitan ng bibig. Pwede namang kamay ang gamitin niya. Nakita pa ito ni Jasmin na nagpalaki nitong issue. Ayun.

Kayo, sino kinakampihan niyo sa dalawa?

Usapang Jeepney 2

Posted in Pastorals on Marso 23, 2007 by Padre Salvi

Nabasa niyo na sa USAPANG JEEPNEY (or kung hindi pa, optional kung babasahin mo muna ito) ang aking mga hinanakit tungkol sa mga baggage boy na driver, mga burloloy sa jeepney at mga experiences na hindi malilimutan. Ibinabalik ko ang usapang jeepney para pag-usapan naman ang mga spiderman. Di mo kilala si spiderman?

Spiderman (spay-der-man) n. – isang barker-slash-konduktor-slash-muscleman-slash-accountant-slash-stunt man-slash-everybody’s friend-slash-diktador ng mga pasahero.

May iba’t ibang klase ng spiderman. May bata (umaabot ng 10 years old) at di lalagpas ng mga 45 years old (duh, muscleman at stunt man nga eh. kelangan strong). Tinatamad talaga ang mga jeepney drivers sa amin kaya nangangailangan sila ng mga spiderman nila. Actually, beneficial ito para sa lahat. Kasi…

  • Makakapagconcentrate ang driver sa kanyang dinadaanan. Iwas aksidente.
  • Maibabalik ang sukli mo sa bente dahil si spiderman na ang iintindi sa bayad mo.
  • Si spiderman na ang aawayin mo kapag may problema kaya pwede mo na siyang sapakin without the cost of an accident.

Anyways, nainspire akong gawin ang post na ito dahil sa spiderman namin kanina. Siya ay nakasuot ng asul na t-shirt na may butas sa kilikili. Hehe. He is truly a stuntman kasi naman naka-57 (exagg.) poses na siya sa baras ng jeepney. (As we all know, kung saan matatagpuan ang mga spiderman). Ako na nga natatakot para sa kanya. Kasi ba naman, nag-140 mi/hr na yung jeepney tapos ang hawak lang niya dun sa baras eh parang nakacling lang ung wrist niya dun. (breathe naman..)

Isa sa mga di ko nakakalimutang spiderman ay yung pinakabata of all. Siguro mga 10 years old lang talaga siya (child labor). Papunta kami sa bertday ni Toni so sabay sabay kaming sumakay ng jeep. As a group accountant, ako ang nagbayad dun sa bata. Di yata nacarry nung bata yung sinabi ko.

“Bayad po, siyam na estudyante”

Grabe ba naman. Inutusan niya kami na isa isahin yung bayad. Eh nagkasuklian na kami. Na nose bleed lang yung bata sa 54 pesos na ibinayad ko sa kanya. Hehe.

Wala nang mas aadik pa kay Padre Salvi

Posted in Pastorals on Marso 21, 2007 by Padre Salvi

 Isang testimonial na natanggap ko sa ym kahapon.

adik ka. – gusot2007, 16, Pasig

Adik ako. Bampira siyaAswang siya. hehe. Joke lang paurong.

Nakita ko si paurong sa despedida ni denib. (Ihahatid na siya sa Airport mamaya). Hindi nga siya namukhaan ni Denib eh. Nilagpasan niya ito ngunit may parang ewan na sinundan ako ng tingin nung paakyat na ako sa MRT. Naisip ko, “Shet! Si Jonell na to!”. The rest is history.

Para sa kanya, adik na ako dahil everyday ako nagbubukambibig ng Big Brother. Updated ako dahil I go to forums, blogs, and the official website ng PBB. Adik ako kasi stat message ko na itext ang BB<space>GEE-ANN at KIAN. Adik nga ako.

~~

Nakakainis na walang Big Brother 24/7 sa cable namin. Tinawagan ko ang sky cable at nalaman na 2000 pesos ang pagpapakabit nito. Pumayag na si mama pero boom… WALA! Nakakainis. Nakakainis.

Nakapagdraft na ako ng aking istorya. Ang titulo’y Les Frères Nick. Magkakaroon ng page ito kaya kung naipublish ko na ang unang kabanata ay magkakaroon na ito ng laman!

Hanging Question: Adik ba talaga ako?

Burado na si Daniel

Posted in Pastorals on Marso 17, 2007 by Padre Salvi

Si Daniel ang simbulo ng aking malungkot na sarili. Naisipan kong gumawa ng isang kwento tungkol sa kanya. Ngunit nawalan na ako ng ganang ituloy pa iyon.

Napakacorny nito at parang gumagaya lang sa istayl ni Jonell, 16, Pasig.

Isa si Jonell, 16, Pasig, sa mga ecstatic nung lumipat na ako from blogspot to wordpress. Ang saya kasi ng environment dito at hindi nakakatempt ang pagpapalit ng layout at pag-eedit ng mga contents. Sa mga naiinis na magpapalit pa sila ng links upang palitan ang link ko, sorry po! Kung gusto niyo pong ilink ko kayo. Feel free to FLOOD my comments box with your request. Free rin po yan sa questions about anything but forgive me if i can’t answer your question.

Naisip ko na talaga na gagawa ako ng storya. siguro pag-iisipan ko muna ng mabuti. Pagtiyagaan niyo na lang na basahin kung ganun. Pagbigyan niyo na ako sa aking gustong gawin.

I digress. Pumunta ako sa www.forums.abs-cbn.com at nakita na pinag-uusapan nila ang tungkol kay Zeke at Dionne. Ayun. Magandang topic. Isang proposal na title ng istorya ko ang sumulpot. Sila ang ilan sa mga pangunahing tauhan. Well, balik sa issue. Dionne insists to sleep with Zeke even if their secret task is already finished. Is somebody falling in love with someone here? Dionne has a boyfriend outside the house but the world sees Dionne always mingling with the boys. Makaapekto kaya ito sa impression ng mga tao sa kanya?

x-ray yourself!

Posted in Pastorals on Marso 15, 2007 by Padre Salvi

May bago akong pauso dito sa blog ko. Ang PBB Season 2 Update. Matatagpuan siya sa hulihan ng aking mga posts starting today.

Ayun nga. Kaninang pag-uwi ko, habang naglalakad patungo sa aming bahay. Biglang nagsipasukan ang mga emosyon sa katawan ko. Meron akong narinig na isang super familiar tune na bigla ba namang piningot ang aking tainga.

Pomp and Circumstance March No. 1

by Sir Edward William Elgar

Medyo nahulaan niyo na yata kung anu yan. Para sa mga 4th year high school bloggers. Maririnig na natin ang martsang iyan ngayong buwan. (para sa amin, sa isang buwan pa.)

Ayun nga. Meron kasing commencement exercises ang mga preparatory pupils sa aming covered court. Edi nag-award sila ng kung anu anu. Syempre, ako naman tong si curious, nood ako. Naabutan ko ang isang maliit na batang pupunta na sa stage para sa kanyang award na Best in Writing, Science, Math, Reading etc.. Sabi ko, “Aba, matalinong bata to ah. Kinarir lahat.” Naisip ko bigla na lahat sila ay mayroong multiple awards (para sa kanilang multiple intelligences.) Naalala ko tuloy na nung nursery ako, ako ang NATATANGING “Best in Reading” samin. Grabe, ang geek na katulad ko na Best in Reading ay ganito ngayon. Nangangapa ng texto sa Filipino at apat na grading na nasa lower half ng ranking ng test sa Pinoy (Kapag highest to lowest ang usapan e maikukuwento ko pa ang nangyari kagabi sa Pinoy Big Brother bago matawag ang score ko). Alam niyo naman ang mga test sa Pinoy, puro texto. Grabe. Back to the Graduation, Ayun nga, multi-talented yung bata na yun. Pero meron akong narinig na kakaiba.

BEST IN GEOGRAPHY

Shet. Nosebleed. Naisip ko tuloy, “Uy, alam nung bata idistinguish ang mga bundok sa mga burol.” Yun ba yung tipong kapag nasa daan, “Nay, diba Mt. Arayat yun!”, o kaya, “Ang liit naman yan, mas mataas pa yung Mt. Apo dyan eh.” Yun ang tinatawag na mga whiz kid. Ngunit, alam din kaya nila ang capital ng Argentina? (Buenos Aires!) Mongolia (Ulaan Batar!) Very Good! Eh, Philippines? (General Santos City!) Edi humanga na ako dun sa batang iyon. Aalis na sana ako, e meron pang isang nakakuha ng Best in Geography. Siguro mag-bestfriend sila. Mga topic nila sa kanilang mga usapan.

BiG (bes in geograpi) 1: Kahapon, naghike kami sa Mt. Makiling, sa Los Banos, Laguna.

BiG 2: Ngek, sinearch ko yun sa wikipedia kagabi. Ang liit nun kumpara sa Mt. Everest na kaaakyat ko lang kanina.

BiG 1: Grabe, pumunta ka sa Nepal kanina?

BiG 2: Hindi, dun ako sa Tibet side umakyat.

BiG 1: Ah, ganun. Sige, di ko pa memorize yung 50 states of America eh. Iwanan na kita.

Sige, masyado na tayong nagconcentrate sa mga batang iyon. Di niyo talaga mafefeel na super adik ako sa Pinoy Big Brother kapag hindi niyo pa ako nakakausap. Ako na ang nagsasabi na bawat buka ng bibig ko ay dapat may kasamang Big Brother. Hehe. Ang isang magpapatunay na ako ay uber adik sa PBB ay si Jonell Borbon Estillore, 16, Pasig.

Nakausap ko siya nung Tuesday at Kahapon tungkol sa wala lang. Ginulo lang talaga namin ni Dianne ang buhay niya. Sa telepono ay nagsusulputan na lang ang super random topics dahil wala kaming magawa sa buhay. Mga ilang beses din niyang ipinarating sa akin na ako ay super adik. At isa rin siyang manunuligsa sa aking conyo grammar. Enough na.

Ay, last na ito. Tungkol pala sa aking title. Ang “X-ray Yourself” ay isang phrase na pinasikat ni Filler Pal Martin sa kanyang A-Z Poem. Ang A-Z Poem kasi ay isang Pattern Poem na kailangan naming gawin sa asignaturang English IV. Kami ay maaatasang gumawa ng tulang nagsisimula sa mga letra ng alpabeto, kumpleto pati mga tugma. Ang buong batch tuloy ay nawindang kung anong ilalagay sa mga letrang X at Z. Eto pala ang aking A-Z Poem.

Away from the earth I lie

Beneath the asteroids that fly

Comets and meteors I see

Dwindling in my eyes like a flea

Each of the plantets I will land

Far away galaxies in the reach of my hand

Going to the moon is no problem

Having my space ship ready, just turn on the system

In space I will float in air

Jumping up and down or even visit the aliens’ lair

Knacking the codes that they write

Learning the cultures that they incite

Moments that passed, I do not mind

Next to the stars, all the things I will set aside

Over the black hole, I will glide

Pluto, Neptune and Uranus will be my giant slide

Questing through space, I will not get tired

Roaming along and dodging the bullets that martians fired

Seven light years from the earth, not too bad

‘Til I enjoy the exosphere, I will not get sad

Unveiling new discoveries, telescopes I don’t need

Vortex, Andromeda and Betelguese won’t be a nosebleed

Waking up from this dream I will hate

Xylophones I heard from the gate

Yet, my dream I had in my mind was bore

Zergs and extraterrestrials I will not abhor

Pagpasensyahan niyo na ang aking digression sa letter X. Wala lang talaga akong maisip.

pbb update!: Kahapon ay natapos na ang secret task nitong si Zeke at Dionne. Medyo ang kanilang drama na “Falling In Love with each other” ay nagiging totohanan na. Nagagalit na ang mga Gee-annatics dahil mukhang si Dionne na ang kukuha ng titulong “First Girlfriend ni Zeke”. Anyways, nakita nga sila kanina ni Mickey habang itinatakas ang pagligo ng mga secret housemates kaya medyo nanganganib ang buhay nilang dalawa. Sana nama’y ibigay na sa kanila ang Exemption sa nomination dahil sa kanilang hard work and perseverance. Abangan na lang ang mga happenings sa BB House by tuning in sa mga updates at sa primetime telecast mamayang 10 pm. In the meantime, iboto niyo na kung sino ang gusto niyo PUMASOK sa bahay ni kuya kina BODIE, MIKAH, MARI at JEREMY. Kung ako tatanungin, si Bodie at Mikah ang gusto ko. Yun lang.

Sige, mag-aaral pa ako ng English at Calculus para sa test bukas!