Imbak para sa Mayo, 2007

Super Hiatus

Posted in Liban, PBB, TV on Mayo 20, 2007 by Padre Salvi

Haha. Nasira ang modem ng computer namin. At ayaw niyang mag-install mula sa CD na nasa amin. Hmpfff. Nakakainis talaga. Hindi ko pa mapilit si mama na magpakabit ng mas mabilis na internet connection kagaya ng Smart Bro at Pldt DSL. Kaya heto ako ngayon. Nasa computer shop. Katabi ang mga nag oonline games. Mas bata sila sa akin. Pero sanay na sanay ang mga daliri nila sa O2 Jam. Haha. Mukhang mahihirapan ako makapag update ng mas madalas. Baka nga sa pasukan na ako makapag-update, kung saan maaawa sila sa akin na I desperately need Internet!

Anyways, nakapangako na ako kay Cat na mag-aaddiction meme ako. Pero hindi ko talaga siya magawa. I will promise na sa susunod ko na gagawin iyon. Sa lalong madaling panahon.

Akala ko talaga na si Blake ang maaalis. Nadala na ako sa mga previous seasons kung saan wala sa mga peybs ko ang nakakapasok sa Finale. Ang closest na yata eh si Elliott Yamin, na Third Place last season. Haha. Nagpaayos na siya ng ngipin! The best na ang smile niya ngayon. At talong talo niya si Taylor Hicks no. Dapat siya (Elliott) na lang ang pumasok sa Finale. Back to the topic. Natawa nga ako nung naalis si Melinda. Kasi halos lahat ng AI Fans na bloggers eh ang wish eh Blake-Jordin ang final two. Bihira lang mangyari ang wish na iyon kasi magaling talaga si Melinda. Pero walang imposible sa America. There will be always a shocker pagdating sa results show. Go Blake! Kahit si Jordin ang predicted kong mananalo.

Nakakainis na antaas ng percentage of votes ni Wendy. Mga tao talaga. Masyadong nawili sa Brendy. Pero ok na rin yun kasi napasok na si Kian. I’m rooting for Kian-Gee loveteam. Haha.

S.U.P.E.R Post 2

Posted in Pastorals, PBB on Mayo 16, 2007 by Padre Salvi

Naiinis ako sa Balik Bahay Box na pauso ng Big Brother. It is clear that they want more energy in the house because the housemates left are so boring. Zeke, Jasmin, Kian and Wendy indeed are dominant housemates. Di naman ako naiinis sa whole thing. Ang reason lang nung pagkadisappoint ko eh ang pagbibigay ng chansang makabalik si Wendy. C’mon! Pinaalis na namin si Wendy dun ah! At saka bakit hindi kasama si Dionne sa ipapabalik! Unfair!

Kaya nananawagan ako sa inyo. Wag iboto si Wendy! Yun lang po!

~~

Napag-alaman kong binabasa ng aking mga kamag-anak ang aking blog. (e.g Uncle Don and his officemates including his boss ( sabi niya ), Ate Kay ( kapag bored sa call center na pinagtatrabahuhan ) pawang mga taga David Clan). Hindi pa naman to nakakarating sa Dayandante Clan unless saliksikin nila ang aking friendster account. Kaya hindi na ako magpopost ng tungkol sa aking buhay pamilya dito. At naalala ko, mas lalo na ang love life. Prone ako sa mga asar, sumbong, hinanakit mula sa aking nanay at tatay kung hindi ko gagawin ito. Haha.

~~

Naalis si Lakisha sa American Idol. Sana eh sumunod na si Melinda Doolittle. I want a Blake-Jordin Final 2. Masyado na kasing oozing with talent si Melinda. Yung parang wala nang space para sa improvement. Ayoko ng ganun. Ayoko ng consistent. Gusto ko yung nag-iimprove.

 ~~

Reality Bits en Bytes

Posted in Pastorals, PBB, TV on Mayo 13, 2007 by Padre Salvi

Kung makakasali ka sa isang reality show, anu ito at bakit?

Para sa isang adik sa reality show, dream come true ang makasali kahit sa isang reality show na sinusubaybayan niya. Ako, more than willing ako sumali kahit ako pa ang unang matanggal dun sa game. Basta me experience, ok. Sasagutin ko muna ang tinanong ko last post bago ko ifeature ang mga sagot niyo dun sa comments box. Dun ko na rin rereplyan ang mga naging sagot niyo.

The Apprentice

Photo from http://apprentice.tv.yahoo.com (Season 5)

Kewl kaya kapag sumunod ka sa yapak ni Donald Trump at sumweldo ng di bababa sa $250,000 kagaya nina Bill Rancic, Kelly Perdew, Kendra Todd, Randal Pinkett, Sean Yazbeck at Stefani Schaeffer.  (o diba memorize ko!) Gusto ko sana makasali pero wala talagang pag-asa dahil asa pa akong may The Apprentice 26 by the time of 36 na ako. Unless gawin nga ito ni Donald Trump Jr na alam kong pagpapasahan ng trono ng Trump Corp. Kewl kaya ang gamitin ang iyong reasoning skills sa pagdepensa sa sarili mo sa mahiwagang boardroom. Walang wala sa kanila kung taga Harvard ka o High School Graduate lang. Malay niyo. Ako ang magiging unang Engineer/Junior CEO ng Trump Corp.

The Amazing Race

 photo from http://www.realitytvcalendar.com – Eric and Danielle: TAR 11 Winners

Gusto ko magtravel around the world. Gusto ko sumakay ng maraming eroplano. Kahit puro jet lag ang haharapin ko, carry pa rin!. Masaya yung feeling na nagpapaunahan kayo sa lahat ng bagay. Makakapunta pa ko sa Albania, Slovenia, Laos (or Lao PDR), North Korea, North Pole at sa Romania. Diba sosyal?

Big Brother

from http://www.realitytvworld.com – Big Brother House USA

Siyempre sino bang hindi gustong tumira sa isang magandang bahay? Di ko habol ang instant celebrity side effect ng show na ito. Ang gusto ko lang eh fulfillment of a wish. Gusto ko rin yung wala kang kontrol sa ginagawa mo. Tapos may mga secret conspiracies mula sa Confession Room. Astig Yun! Tapos may uber cool tasks at big prizes pa, what can you wish for? Haha.

Pinilit ko ang mga taong nakakachat ko madalas sa ym para sagutin ang tanong na ito. Eto ang mga answers nila:

Deejay wrote:

reality show ba kamo? gusto ko sa Amazing Raze. kasi makakatravel ka around the world. ayun. peace!

May bago nang reality show. The Amazing RAZE. JK Denib! Haha.

Poli wrote:

Kung makakasali ako sa isang reality show e The Joe Schmo Show! Gusto kong maging isa sa mga accomplice! Ang sarap siguro mang-gago at paniwalain yung “Joe” sa mga kalokohan na inuutos sa amin nung direktor. Lalo na sa dulo kung saan malalaman niyang acting lang ang lahat parang yung pelikulang The Truman Show! Siyempre Amazing Race din. Pangarap kong mag-travel sa buong mundo! Kung makakasali man ako e gusto kong kasama sa itinerary ang Prague, Bucharest, Monte Carlo, Bern at Tokyo!

Mukhang kewl din ang Joe Schmo Show. Parang gusto ko rin masali dun eh. Ako kung pipili ng lugar, pupunta ako sa Phnom Penh, Rangoon, Slovenia at Albania. Di pa sila pumupunta dun eh.

Daryll wrote:

Fear Factor! Kasi naman, puro kalokohan pinagagawa nila sayo doon. Eh yun yung mga trip kong gawin eh, sa bahay, sa school, sa kalsada. kahit san. Pero siyempre masarap din yung premyo nila. dollars. hehe. Amazing Race din! Kahit hindi ako manalo, basta maabot ko yung pinakahuling part ng race, para masulit ko lahat ng mapupuntahan, libra pa. instant vacation yun ah!!

Ayoko sumali sa Fear Factor. Matatalo ako agad dun.

Nika said:

Sasali ako sa Big Brother sa ibang bansa! para mwede makipag-ano. =))

Ako rin!

Aia said:

Ako. gus2 ko rin ng fear factor. pero utang na loob. sna wg matapat sken ung ipapalamon ako sa naglalakihang german shepherd. o khit pa padilaan sa shitzu. wla akong pake khet anong breeding ng aso. bsta ayoko ng aso. period. hahahaha.

ok lng sken malublob sa putik. kumain ng shake na ipis..bulate..catterpilar at kung ano ano pa. ok rin sken malublob sa malalim na pool. (dhil feeler ako, kunyari kakayanin ko yan khet nde ako mrunong lumangoy). inuulit ko lng talaga. at uulit-ulitin ko pa. khet madilaan lng ng aso. AYOKO. AS IN. A-Y-O-K-O.

ang pinakahuli.. dhil lab ko c joy. sinasagot ko tong tanong mo. at oo nga pla. pde rin pla sken ang big brother. kya lng ayoko magka-labteam dun. ahahaha. ang korni kc pg my labteam na. macoconcious na ko pg my ka-labteam o kya my shota dun. nde nman halata na ang haba ng sgot ko no? nde rin halata na gus2 ko ng angkinin ung blog ng boypren kong c joy. ahahaha. o cge na joy.

Mahahalata tau nyan Aia. Haha. Inaasar na nga ako ni Dianne tungkol dito eh. Haha. Hindi naman siguro magpapakain ng aso ang Fear Factor. Magpahila pwede.

Toni said:

gusto kong sumali sa…

AMERICAN IDOL
— what the? sinong bang ayaw sumikat at magka-album diba? may boses naman ako, ang problema nga lang eh kung kaaya-aya ba ang boses na ito. this is a reality show joy, right?

ROCKSTAR:________
— xet. ito lang ata ang nasisimulan ko at natatapos. kaya xa blanko kasi diba nauna INXS, then ngayon Supernova. gusto ko talaga yung mga ganitong shows kasi anything goes, at hindi pa wasted ang talent at pag-iisip mo. this is reality show joy, right?

My OWN
— i wanna be somebody’s shakira or beyonce you know. i wanna transform into somebody else, and get a date with someone seeking happiness from a pretentious aesthetic. this is a reality show joy, right?

D

Lahat yan reality show! Haha. Hilig mo pala’y talent search. Pero hindi mo talaga ako mapipilit na sumali sa Su-Fresh Star! Kayo kayo na lang. Mag-aaral pa ako ng ES1. Joke. I’ll be your number one supporter.

Jed said:

syempre Amazing Race! nakakatuwang mag-strategize under time pressure. added bonus na rin ang around the world trip! hehe.

Gusto kong sumali sa SURVIVOR.

Hindi lamang para makita ang aking maganda at ubod ng kaakit-akit na katawan sa buong mundo, gusto ko rin masubukan ang aking galing pagdating sa pag-strategize at surviving skills. Hehe!

Gusto ko rin sumali sa THE AMAZING RACE.

Aba, libreng around the world yun ah. Yun nga lang, sana hindi kami agad matanggal ng ka-partner ko. Tapos, makakakuha pa ako ng Amazing Race pouch. Haha! Ay, oo.. gusto ko rin makapagbukas perfectly ng isang clue. Yung iba kasi, bara-bara sa pagbukas. Gusto ko marinig yung “prrrrrrrrt!” Hehe!

Yun lamang po. Bow.

Ayoko sumali sa Survivor. Nakakapayat yun, at hindi ako makakakain.

Gen said:

amazing race, the fifth wheel(joke!), survivor, and big brother. nakatatamad mag-explain. )

Tinatamad din ako sumagot noh. Pero tayp ko ring mag-Fifth Wheel.

Marijuana said:

syempre amazing race. tapos dapat partner ko yung crush kong prof, maraming alam na languages yun eh, kaya dagdag sa advantage ng team namin haha D

Didiskubrehin ko kung sino ang prof niyo. Pero di kayo mananalo laban sakin! Bwahahaha. Kasama ko si Caces. Physically fit yun!

Tim Ang said:

Trip ko lang. kung sasali ako sa isang reality shu, sasali akosa Unan1mous tsaka AI anu pa ba Big Bro sa ibang bansa siguro para maktira. Extra Challenge sali din ako dun. May ganun pa ba?

Wala ng Extra Challenge. Nacocornihan ako dun! Tayp ko ring mag Unan1mous.

Mga pahabol dyan. Sa Comments Box lang.

State U! Let’s Go!

Posted in Kabulastugans, UP on Mayo 10, 2007 by Padre Salvi

Simula na ng aking buhay UP. Although sabi ng upperclassmen na madali lang ang enrolment para sa aming mga baguhan sa iskwelahan, nakakapagod pa rin siya. Aware naman ako na 6.02 x10^23 ang hirap ng enlistment sa darating na mga taon ko sa UP. Kaya wish me vitality, intelligence, strength, dexterity, agility at luck (RAGNAROK to ah!) sa pagpasok ko sa isang pagsubok that will determine my future.

Para simulan ang araw, may college briefing para sa EEE Department na naganap dun sa Auditorium ng Engineering. Actually, hindi kami nakarating dun sa lecture tungkol sa mga Orgs and EEE stuff kasi ba naman, 10:00 na kami nung dumating. Ang naabutan na lang namin dun eh yung Advising kung saan ibibigay nila ang Form 5a (kung saan makikita mo ang subjects na iyong inenlist sa Computerized Registration System ng UP Diliman) at ang iyong student directory (2 copies, don’t forget to sign it!). Sabi naman kasi sa sulat ng UPd, Passport Size ang dadalhing size ng pic, tapos, pagbungad ng student directory, 2×2 na ang kailangan nila. Anu ba yan!

Pagdating namin dun, napag-alaman namin na alphabetized ang advising na magaganap. Kawawa tuloy ang aking friend/coursemate/ym-mate/blogmate/frustrated blockmate/duckpin classmate/ex-hs classmate/textmate na si Kimberly Chierdezelle Cochingco WY. Letter W pa siya. Pagkatapos na dumaan sina Chua, Tan, Ong, Lim, Sy, Mahinhin, Maaalahanin, Hampas-lupa, Kutong-bato, Babang-luksa, Santos, Reyes, Cruz at DAYANDANTE, naadvise na rin siya after ko pang matapos ang aking enrollment. Grabe, sa tinagal-tagal din ng pilahan na dinanas ko sa enrollment, nag-aantay pa rin siyang maadvise. Kim, although you are alphabetically discriminated, hindi ka naman intellectually incapacitated at physically inept. Saka mag-asawa ka ng Aaaaaa ang apelyido para di mo na maranasan ang ganyan. Haha.

Kami ang pers batch ng mga Freshies na mag-eenrol. Kasama naming mga genius ng College of Engineering – EEE ang mga Inglisero/a ng College of Arts and Letters at mga Conyito/a ng College of Social Science and Philosophy (ayon ito sa isa pang taga-cssp na kasama ko). Nagsipilahan kaming lahat sa Engineering (as popular to us, freshies, as Melchor Hall) upang ayusin ang kanya-kanyang klaseng papasukan at magfill up ng aming historical (dahil pinakauna) na Form 5. Buti na lang eh nadiscover ko habang isinusulat ko pa lang ang pangalan ko na nakokopya pala sa ibang cashier’s at registrar’s copy ang isusulat mo sa student’s copy kaya natuwa ang aking tamad na kamay sa pagsusulat. Meron akong mga kilalang hindi nadiskubre agad ito at kawawang nagsulat sa tatlong kopya ng Form 5 nila.

Ayon sa Form 5 ko, magbabayad daw ako ng Php 21,376.00 lang naman sa tuition. Ang lokong Padre Salvi kasi, hindi nag-apply ng STFAP. Haha. Subukan ko na lang sa hinaharap. Pabababain ko muna ang kuryente at tubig namin para mas mababang bracket kung sakali. Haha.

Kinabukasan eh nagkaroon ng Freshman Orientation Committee. Pagpasok ko pa lang sa Assembly sa labas ng Auditorium eh napa-utang na ako kay Kim kasi gusto ko bumili ng Freshie Shirt na binebenta nila. Then nagpasign up na kami dun sa mga tao sa labas at bingyan kami ng brown envelop (symbolism ng innocence/ pagiging freshie accdg. to me) na may nakasulat na “Mabuhay Ka, Iskolar ng Bayan — UP DILIMAN”. Nagmistulang comedy bar ang Diosdado Macapagal Auditorium ng School of Economics dahil sa hosts na sina Kuya Jeff at Kuya Marvin. Natuwa naman ako dun sa Program lalo na sa mga Intermission Number ng UP Korus, at mga Orgs sa CMC na nakalimutan ko na kung anung pangalan nila. Tinuruan pa kami ng UP Cheers courtesy of UP Pep Squad. Sa bahay eh sigaw ako ng sigaw ng mga Hey! Hoh! State U! Let’s Go! at U-Na-I-Ba-E-Ra-Sa-I-Da-A-Da Na-Ga Pa-I-La-I-Pa-I-Na-A-Sa. Kewl na Kewl.

~~

Para sa aking next post, Ipopost ko ang inyong mga sagot tungkol sa tanong na ito.

Kung makakasali kayo sa isang reality show, anu ito at bakit? (pede dalawa o higit pa basta may explanation bawat sagot)

Paabutin ko muna ng higit sampu ang mga sagot bago ko ipost. Inaasahan ko ang inyong mga mabulaklak na mga rason!

Maikling Post dahil busy si Padre Salvi

Posted in Pastorals, TV, UP on Mayo 8, 2007 by Padre Salvi

Hehe. Enrollment kahapon sa UP at buong araw ako nandun. Finalized na nga ang schedule ko eh. Eto:

Time Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday
8:30 – 10:00 Geog 1 Geog 1
10:00 – 11:15 (M17);12:00 (D) Math 17 Math 17 Duckpin Math 17 Math 17
11:30-1:00 Bio 1 Bio 1
1:00 – 2:30 ES1 ES1
2:30-4:00 Kas 2 ES1 Kas 2 ES1
4:00-5:30 English 10 English 10

Mamaya naman eh orientation namin sa School of Economics. Pakalat kalat na naman ang mga inosenteng batang katulad ko sa UP.

Updates:

  • Nominated si Dionne at Nel. Go Dionne pa rin!

  • Nanalo sa Amazing Race All Stars si Eric and Danielle. C’mon, ang galing ng spoilers.

Spidey 3 Rebyu

Posted in Kabulastugans, Le Cinema, Liban on Mayo 5, 2007 by Padre Salvi

  

 May Spiderman 4 pa, hindi pa kinakasal si Peter at MJ.

– Joshua Joy Dayandante, 11, Kapatid ni Padre Salvi

Buong linggo ako wala kasi na-outing ang buong family. Pumunta kaming Dagupan, our hometown, para makipiyesta sa Bangus Festival. Sa rami ng bangus dun eh akalain niyo ba namang isang bangus lang ang kinain ko. Oo. Isa lang, mula sa Sinigang na Bangus ni Nanay. Tapos nung miyerkules eh umakyat na kami ng Baguio. Sinama namin sa aming itinerary na panoorin ang pinakaaabangan ng lahat, ang Spiderman 3. Kahit weekday nung araw na iyon, napuno ang SM City Baguio na ipinagmamalaki ang kanilang “Largest Seating Capacity sa lahat ng SM”. Partida pa na 4 na cinemas nila dun eh puro Spiderman 3 ang ipinapalabas.

Dun na tayo sa topic.

Cast

Peyborit villain ko dun eh si New Goblin, na hindi pantay ang mga mata. Joke lang. Favorite ko na si James Franco no. Haha. Pero hindi ako kasing adik kay James Franco tulad ni Toni. Si Tobey Maguire naman eh master na ang pagsasalita nang hindi pinapakita ang kanyang ngipin. Astig. Di lang ako masyadong sang-ayon sa gumanap na Venom na si Topher Grace. Kung naglalaro kayo ng Marvel vs. Capcom, ang katawan ni Venom dun eh uber Maskulado tulad ng kay Sandman. Napag-alaman kong si Topher Grace pala eh lead star ng The 70’s show. Kaya pala namumukhaan ko siya dun sa film. Ayos din ang role ni Bryce Howard as Gwen Stacy na bumuo sa Love Rectangle nina Peter Parker, Mary Jane Watson at Eddie Brock Jr.

Screenplay, Effects, at kung anu anu pang may kinalaman sa kwento.

Antagal pala nung palabas, kasinghaba ng isang Harry Potter Film. Pero no doubt that it was the best of the Spiderman Trilogy. Pero mas maganda sana kung hindi nila pinagsama sama ang lahat ng problema ni Spiderman sa iisang film lang. Pero cool na cool pa rin ang mga fight scenes nila. Siyempre, the best fight scene eh yung last laban ni Spiderman, na may something cool na nangyari na hindi ko pwedeng sabihin kasi baka maspoil ko kayo. Pagdating naman sa lablayp ni Spiderman, di ko masyadong nafeel na kalove triangle pala nila si Gwen Stacy. At hindi ko rin nafeel na boyfriend pala ni Eddie Jr. si Gwen. Nako. Masyado yata silang nagconcentrate sa mga laban eh di na nila napagtuunan ng pansin ang storyline ng relationship ng mga characters. Sana talaga may Spiderman 4.

~~

Bullet Updates

  • Umalis na si Eric Dill as lead vocals ng The Click Five. Nako. Maganda pa naman boses nun.
  • Naalis si Phil Stacy at Chris Richardson sa American Idol. Go Blake! Hope you’ll win!
  • Final Three of TARAS – Dustin and Kandice, Eric and Danielle, Charla and Mirna. Go Charla and Mirna!
  • Nominated: Wendy, Dionne and Saicy. Alisin si Saicy! Go Dionne!
  • May papasok na bagong housemate mamaya. Isang Nanay. Wahaha.
  • Premiere ng House of Carters sa Monday, as if manonood ako?