Imbak para sa Hunyo, 2007

On Da Lot

Posted in Le Cinema, TV on Hunyo 29, 2007 by Padre Salvi

Sa kabila ng kabilaang assignments at kung anu-ano pang kabusyhan na ginagawa ko sa UP, I managed to watch On the Lot on Star Movies kanina. 12 na lang ang natitira. Ang first 6 ay gumawa ng Comedy Shorts. Eto ang tumatak sa isip ko.

On the lot – Dr. In-law

Advertisements

Ang Nakakapagod na Buhay Kolehiyo

Posted in Studies, UP on Hunyo 26, 2007 by Padre Salvi

Nung June 20 ang huling araw ng pagpasa ng UPCAT Forms ng mga taga-Metro Manila. Nagkalat ang mga aspiring Isko at Iska in their school uniforms. Narealize kong college na pala ako. Nag-aaral na ako sa unibersidad na pinapangarap ko, a year ago. Nagdugo man ang ilong ko sa UPCAT, tuwang-tuwa ako at nasabit pa rin ako sa aking first choice of course.

Masaya pala maging kolehiyo. Nanggaling ako sa isang iskwelahan na magsasawa ka sa mga mukhang makikita mo. Sa UP ay iba. Kapanapanabik ang bawat araw mo dahil iba’t ibang mukha ang makakasalamuha mo doon. Masarap tumingin sa mga kakaiba ang pananamit. Sa mga pantasya ng mga kalalakihan at kababaihan na rin. Sa mga nang-aagaw pansin, sa mga ayaw magpapansin pero pinansin mo pa rin, sa mga dating kaibigan, sa mga bagong kaklase, sa mga blockmates, sa mga blockmates ng iba, sa mga MBB ang kurso at sa mga 3 beses nang nagshift ng course. Masaya din kapag naglalaro ka sa isip mo ng “Spot that Innocent Freshie” or ang mas patok sa akin ngayon “Spot that UPCAT Taker”. I find it easy to separate the Isko/as to Non-Isko/as. Dumaan na ako sa sitwasyon na iyan. Ang mga baguhan lang ang magtatangkang bisitahin si Oble. (Ang hirap kaya niyang lakarin, at wala naman akong mapapala) Bumababa sila sa mga unlikely places na bababaan ng isang istudyante. (In my case, may nakasabay ako kaninang bumaba sa gilid ng College of Educ. C’mon. Anung gagawin dun?)

Pito ang aking mga asignaturang kinukuha. Apat doon ay ang tinatawag na General Education Subjects na required sa lahat ng kurso. Isa doon ang P.E. Apat ang kailangan namin para sa buong pananatili namin sa UP. At dalawa doon ay ang Majors. Kung saan kailangan namin to satisfy some pre-requisites ng iba pang majors na kukunin namin sa hinaharap. Masasaya naman ang unang linggo sa mga subject na ito.

GE 1 – Geog 1 (Places and Geographical Landscapes in a Changing World)

Si Ma’am Evangeline Katigbak ang prof namin dito. Wala naman akong masasabi sa kanya. OK naman ang Geog. Hindi nga lang ako maka-ride sa mga discussions dahil bagung-bago ito sa utak ko. Ang totoo eh hindi ko pa binabasa ang book na binili ko. Haha. Masaya daw to kasi may field trip. It is scheduled somewhat in September.

GE 2  – Bio 1 (Contemporary Topics in Biology)

Si Dr. Annabelle Herrera ang prof namin dito. Sabi niya, this is not just your ordinary Biology. We will discuss “blockbuster” news in Bio and we will learn to appreciate life up to the very little cell in our body. Nakakatuwa naman at walang quiz dito. 3 beses lang ako mag-aaral dahil 3 lang ang exams dito (2 kung maeexempt ako sa finals). Mababa ang uno rate (90-100).

GE 3 – Kas 2 (Ang Asya at ang Daigdig)

Si Dr. Dedina Lapar ang prof namin dito. Walang exam. Report lang. Ewan ko kung matatatawag mong enjoy ang klase. (Kasi ayaw ni Erwin). Ako, nag-eenjoy ako dahil sa subject na ito pinakamagulo ang block namin. She is filled with her Erap Jokes. At mahilig talaga siya sa jokes grabeh.. Lagi siyang may banat sa lahat. Kaso ang problema 99% nito corny. Mahilig siya sa mga lengwahe ng kung anu ano. Kaya nga magsesearch na ako eh. Buti na lang I know French. Gotta search Chinese dahil yun ang napunta sa aking topic.

GE 4 – English 10 (College English Composition)

Si Dr. Maria Rhodora Ancheta ang prof namin dito. Natutuwa ako sa kanya dahil sa kanyang witty humor. Nakakatakot siyang mag-english. Para bang wala ka nang maisasagot kung sakaling kauspain ka niya. Pero mabait naman siya. Hindi siya tulad ng iniisip kong terror na English Teachers (She is the opposite). Ok lang sa akin na harapin ang sangkatutak na position papers at kung anu anu pa. Makakatulong naman kasi ito sa akin sa hinaharap.

PE – Duckpin Bowling

Si Sir Edwin Barber ang prof namin dito. Absent na agad ako sa unang meeting. Bukas pa lang ako makakaattend ng klase namin. Sabi ni Tim ay maglalaro na raw kami bukas. Pinag-aralan ko na nga ang scoring system eh. Para wa siyang ma-say. Haha. Natatakot nga lang akong lapitan siya bukas at manghingi ng classcard baka batuhin kami ng bola ng duckpin. Haha.

Major 1 – Math 17 (College Algebra and Trigonometry)

Si Ma’am Odessa Consorte ang prof namin dito. Salamat kay Leithold at hindi na ako kailangang mag-notes sa klaseng ito. Araw-araw namin itong kinukuha (except Wed. syempre) kaya lagi kaming updated sa mga happenings sa Math Building. Trivia: Hindi pa ko nakakakain sa Math Bldg Cafeteria.

Major 2 – ES 1 (Engineering Drafting)

Si Sir Arturo Gonzales III ang prof namin dito. 6 na oras sa isang linggo kung saan nakakakita ako ng aking kinatatakutang yellow plate (Nag-uuwi pa ako ng isa every isang linggo). Madalas ang tulo ng dugo dito (Either di mo nagets kung paano mag inscribe ng isang circle sa isang hexagon or natusok ka ng compass na hawak mo.) Kapiling namin si Kuya Alvin (Ang Student Assistant) na siyang nagchecheck ng aming plates. (Salamat Kuya sa mataas na grade ko sa unang dalawang plates.. alam kong ipinahamak ko ang sumunod na dalawa). Ready na Ready siya sagutin ang aming sangkatutak na tanong at punan ang mga hindi namin naintindihan kay Sir. Sulit na sulit ko nga ang 3 oras na ibinibigay sa paggawa ng plate (2 lang pala kasi 1 hr is for discussions). Wah! May Take-Home plate pala kami ngayon. Better get going!

Are you “Hiro”-ic Enough?

Posted in Kathang-isip, Pastorals, TV on Hunyo 23, 2007 by Padre Salvi

Setting: Sa hapag-kainan, katatapos lang ng hapunan.

Nanay: Salvi (di tunay na pangalan), ilipat mo nga yung channel ng TV!.

Salvi: (nagconcentrate na parang si Hiro Nakamura)

*sa mga di nakakaalam ng Hiro Concentration look, ito yung ipipikit ang mga mata ng parang pinipilit mong pasakitin ang ulo mo at lagyan ito ng maraming wrinkles*

Nanay: O, ano ginagawa mo?

Salvi: Nililipat po yung channel gamit ang utak.

Nanay: Autistic ka talaga.

Sinubukan kong magconcentrate (privately) baka sakaling may mangyaring unusual. Masyado kasi akong nadala ng storya to the point na inakala ko na ang sarili ko na meron akong heroic powers. Sa mga hindi nanonood ng Heroes, ang synopsis nito’y mga indibidwal na may kakaibang kakayahan. Kaya siguro naaadik ang mga tao dahil kewl na kewl talaga ang mga powers nila. Mas kewl pa kung pagsasama samahin mo sila para kalabanin ang villain.

Nabuo ang tagline na “Save the Cheerleader, Save the World” dahil sa pagkabigo ni Future Hiro Nakamura na patayin si Sylar gamit ang Kensei Sword. Nakuha ni Sylar ang powers nitong si Claire Bennet kaya nakapagregenerate agad itong si Sylar. Binalikan ni Future Hiro itong si Peter Petrelli upang iligtas nga itong si Claire na tinatangkang kuhanan ng powers ni Sylar.

Nangailangan silang iligtas ang mundo dahil sa precognitions nitong si Isaac Mendez na sasabog ang buong New York dulot ng isang “exploding man”. Sinuportahan ito ng pagkakamaling pagteleport ni Hiro sa future kung saan nung araw na iyon mismo sumabog ang mundo.

Isa sa mga paborito kong character ay si Hiro Nakamura kasama ng kanyang side kick na si Ando Masahashi. Elibs ako dito kay James Kyson Lee (Ando) dahil nakaya niyang kabisaduhin ang lahat ng lines niya in Japanese whereas he is a Korean. Sabi ng iba, he is speaking Japanese in a Korean Accent. Ang hirap kaya magkabisado ng lines na hindi mo naiintindihan. Haha.

YATTA! (I did it!) Nakapag time travel si Hiro mula October 2 sa Japan to November 8 sa New York.

Hiro Nakamura can manipulate the space/time continuum which means he can teleport, stop time and travel through time. Halos lahat ng kanyang lines sa series is spoken in Japanese kaya natutuwa ako sa kanya. Interesting din ang tandem nila ni Ando Masahashi.

Listahan ng mga characters at their uber cool powers:

  • Claire Bennet – Spontaneous Regeneration

  • D.L Hawkins – Phasing

  • Isaac Mendez – Precognition

  • Hiro Nakamura – Manipulation of the space/time continuum

  • Matt Parkman – Telepathy

  • Nathan Petrelli – Self Propelled Flight

  • Peter Petrelli – Power Mimicry (and can retain it)

  • Micah Sanders – Technopathy

  • Niki Sanders – Superhuman strength

  • Claude – Invisibility

  • Hana Gitelman – Cyberpathy

  • The Haitian – Memory removal, Power Negation

  • Mr Linderman – Healing Others

  • Eden McCain – Persuasion

  • Ted Sprague – Radioactive manipulation

  • Sylar (Gabriel Gray) – Intuitive understanding of how things work (plus the powers he acquired by killing other “special people”)

  • Candice Wilmer – Illusion Casting

  • Charlie Andrews – Eidetic Memory

  • Meredith Gordon – Pyrokinetic Manipulation

  • Brian Davis – Telekinesis

  • Dale Smither – Enhanced Hearing

  • Zane Taylor – Molecular Manipulation

  • Sanjog Iyer – Can enter into your dreams

  • Molly Walker – Can find the location of a person by thinking of them 

Kung ako tatanungin, gusto ko ng powers ni Peter Petrelli tapos hahanapin ko sila isa isa para magaya ang powers nila. O diba! 

May iiwanan akong tanong, kung may super power ka, ano iyon at bakit?

~~

[edit] 24 juin 2007

HAPPY BIRTHDAY

REYNA JUANA!

Siya ay labing-anim na taon na! Haha.

Of Mango Shakes, Tasteless Pasta and Men

Posted in Kabulastugans, Pastorals, UP on Hunyo 19, 2007 by Padre Salvi

Guess what?

Bumangon na si Padre Salvi!

Di ko lang ma-iskedyul ang aking blog hopping dahil ako ngayon ay OA sa ka-GChan (GC = Grade Conscious). Pinapanatili ko ang aking good first impression. Kelangan kong pumasa sa aking mga unang subjects sa Peyups. Reward na sa akin kung maka-uno ako (tres lang para sa ES1).

Iiwan ko lang sa inyo ang isang makapagdamdaming kwento ng isa kong blockmate na si Nikko. Si Nikko ay isang batang mahilig makipag food trip sa mga blockmates pagkatapos ng ES1. (Note: Ang ES1 ay isang asignaturang puro pagdodrawing ang ginagawa. Exclusive for Engg Students ng UP siyempre.)

Unang Trip: CASAA (Ang PudKort ng UP). Siguro’y di alam ito ng karamihan, o sadya niya nga lang bang natiyempuhan ang notorious nitong Mango Shake. Try niyo tikman! Ewan ko kung saan nabibili. Basta in one of the stalls dun.

Ikalawa at Latest na Trip (dahil di pa matatapos dyan ang trippings): Katag (Kainan at Tagpuan, located sa ilalim ng Faculty Center) Pasta Madness (or whatever you may call it) ngayon ng Katag. Syempre sinubukan namin. Dahil naubusan kami ng Baked Mac, naisipan kong mag-lasagna habang sila (kasama si Nikko siyempre) ay nag Carbonara! Mukhang hinahabol yata ng walang lasang pagkain itong si Nikko.

Good Trip: Ibinigay namin ang walang lasang carbonara sa isang nangangailangan. Naghanap kami ng PET boy. Well! Mababait ang mga BS ECE Block G-18 students no. (Maliban kay Erwin.. JOKE!)

Antayin niyo na lang ang aking pagbisita. May balak akong i-edit ang mga nilalaman ng aking blog at ang mga links, papalitan ko na ang mga nagpapachange links, ilalagay ko na ang mga nag eex-links and other stuff. Medyo busy lang talaga ako dahil may Take Home Plate kami! Woohoo!

ES1, ES1, kahit tres lang….

Posted in Kabulastugans, Pastorals, UP on Hunyo 17, 2007 by Padre Salvi

Ikakabit na “raw” ngayong week ang aming Smart Bro. Sabi sa akin ng aking butihing Ina. Sa mga hindi pa nakakakaalam, kalalagpas lang ng aking unang linggo sa aking bagong mundo, ang Unibersidad ng Pilipinas.

Kasama sa aking fun-packed week ang aking first plate sa ES1.. ang aking dreaded subject. Manginig-nginig ang kamay ko habang nag lelettering ng mga capital letters. I never managed to make a perfect O or a Q, pero tinanggap pa rin ng ES1 Student Assistant na si Kuya (I forgot his name, basta na-uno niya ang ES1) ang plate ko. Sinabi ko sa sarili ko.. pagbubutihan ko ang mga susunod na plates to get a three or higher… or even an exemption.. Totoo kaya na you can’t judge your ability in ES1 by your first plate?

Update

Posted in Pastorals on Hunyo 7, 2007 by Padre Salvi

Marami na rin ang nakakamiss sakin (feeler lang..)

Mag-aapply na si Mama bukas ng either DSL or Smart Bro. Haha

Antayin niyo na lang ako next or next next week. Haha

Nood kayo On The Lot. Super Ganda. Haha.

Nood din kau ng Heroes sa RPN (Episode 14) or sa C/S (Episode 3) or sa Star World (Sa Sept.) or sa DVD (up to 21 lang, Php 80.00) o sa www.nbc.com

Maraming kwento talaga ang mababasa niyo pagkabalik ng internet namin.

Save Padre Salvi.. Save the world.

Posted in Pastorals on Hunyo 4, 2007 by Padre Salvi

Hiatus pa rin

Ipagdasal niyo na pumayag si Mama at Papa na magpakabit kami ng DSL.

Sabi nila 85% na ang chance.. Well, better get going para madagdagan ng 15%!

Currently addicted to Heroes. I have only 2 episodes left to watch on YouTube (dahil kulang ang pesteng pirated dvd ko)

Maraming kwento ang mababasa niyo once na maaccomplish ko na ang mission kong pilitin si mama at papa magpakabit ng DSL.