Imbak para sa Hulyo, 2007

Toilet Dreams

Posted in Le Cinema, Pastorals, TV on Hulyo 28, 2007 by Padre Salvi

Wala akong maipost. Panoorin niyo muna ito. One of my favorite films by Sam Friedlander.

Broken Pipe Dreams ni Sam Friedlander. Enjoy!

~~

Oo nga pala. Belated Blogniversary to Padre Salvi (or Mr. Tuesday I say!)

Binura ko na ang una kong bakas sa pagbablog. As you may see, October 8 ang first post ko sa blog na ito. Pero ang kaunaunahang post ko sa balat ng blogging happened last Jul 23, 2006! Di ko man lang nabati ang sarili ko nun. Wah!

S.U.P.E.R Post 3

Posted in Kabulastugans, Pastorals, UP on Hulyo 22, 2007 by Padre Salvi

Balik na naman ako sa aking Substantially Uber Pathetic, Enigmatic and Random Post.

ES1

Naririndi na siguro kayo sa paulit ulit na pagbanggit ko sa subject na ito. Ano ba meron dito? Bakit ba di ako makaget-over dito? Kasi naman nakaka high ang subject na ito. 6 grueling hours every week na haharapin mo ang yellow plates tapos nosebleed lang ang aabutin mo dahil wala kang ibang magagawa kundi titigan ang problem kasi di mo alam kung paano sagutin. (Napagod kayo?)

Kinompyut ko ang plate average ko. I’m proud to say that my plate average so far is

9.87

Sosyal diba? Haha. Katatapos lang pala nung First Long Exam kanina [edit] kahapon [/edit] . I’m very happy na na-answeran ko naman ang lahat ng katanungan dun. Meron pa ngang question na sasabihin mo kung ano ang grade na makukuha mo dun sa question na iyon. Tapos it is followed by a quote about humility. Napilitan tuloy akong isagot ang “80”. Haha. Madumi kasi ang pagkakagawa ko eh. Di bale. 60 naman ang passing.

~~

Harry Potter 7

Ngayon [edit] kahapon [/edit] pala ang release ng inaabangan na libro ng sambayanan. Nainggit nga ako sa mga may kakayanang magpareserve ng libro. Wala kasing booklover sa pamilya kaya wala sa budget ang mga ganyan. Di  naman talaga ako booklover. I just loved magic kaya na hook ako sa HP na iyan.

Pero, ika nga nila, pag gusto may paraan. Nakalibre ako ng P1,400. Salamat kay Cielo at napagkalloban niya ako ng isang mahiwagang PDF file na naglalaman ng ikapitong aklat ni Horny Peter este Harry Potter.

[edit] Binilhan ako ni Mama kanina ng HP7. So, I have both copies. Legal and Illegal. Haha. Para kapag hinuli nila ako, sabihin ko, bumili ako ng book! [/edit]

Ang problema, wala man lang natupad sa mga theories ko. Except one. (Hindi ko na lang sasabihin, baka maspoil kayo)

Trip niyo ng HP7? Click here.

~~

Celpown

Nakita ko rin sa wakas ang cellphone ko. Pagtingin ko sa screen..

45 Messages Received

Grabe. Huli na ako pagdating sa mga Unli-han. Pinagtuunan ko yata masyado ang ES1 exam. Haha.

~~

Backmasking

Kagabi kasi, ipinadiscover sa akin ni Jonell alyas Emo Sevenfold ang misteryo ng backmasking. These things freak me out especially when they have very creepy results. Just go to www.jeffmilner.com/backmasking to hear some of the songs in reverse play.

~~

Padre Salvi: Ang Batang Ma-L

First time kong makapasok sa largest library ng Southeast Asia. Magdadalawang buwan na ako sa UP Diliman pero kakabinyag pa lang ng aking pagkatao sa loob ng lib na iyon. Frankly, di ko alam gumamit ng call number! Haha. Kaya hindi ko mahanap ang mga kailangan kong hanapin na mga libro. Pero nandyan naman si Ate Annabelle eh. Susugurin ko na lang ang tambayan nila para magpaturo ng call numbers. Hehe.

July 21

Posted in Kabulastugans, Kathang-isip, Pastorals on Hulyo 18, 2007 by Padre Salvi

July 21

– release date ng Harry Potter and the Deathly Hallows

– Engineering Sciences 1 First Semester A.Y 2007-2008 First Exam!

Excited na ang buong sambayanan para malaman kung anung kakahinatnan ng pagsusulit kong ito. Habang ang mga bata ay nagbabasa ng kanilang HP7 fresh from unopening the plastic, kaming mga lucky ones eh busy kung paano ipagkakasya ang 3 circle sa isang rectangle at gumawa ng mga planes na parallel at perpendicular sa isang plane. Malalaman ang buong detalye ng test sa July 21.

(Alam niyo bang makakabasa kau ng summary ng Deathly Hallows sa Wiki on the day it will be released, merong mga adik na gumagawa ng chapter summaries ng libro habang binabasa nila ito. Haha. Nagawa kong maispoil na si Snape ang Half Blood Prince sa mga kaklase ko nung third year dahil sa discovery na ito!) Haha. Kaya wag magagawi sa internet habang hindi ka pa nagbabasa ng Deathly Hallows. Spoilers will haunt you!

Meron nga palang hacker na nagngangalang Gabriel na nagreveal kung sino ang dalawang mamamatay sa book 7…

Si Hagrid, papatayin daw ni Voldemort para mahuli si Ron at Hermione. At si Hermione, na ililigtas si Ron mula kay Voldemort. HINDI KAPANIPANIWALA ANG SPOILER NA ITO.  Si Lupin ang mamamatay! Ok lang si Hagrid, pero Hermione? Never ever (gotesco; coined from tim ang).

Ibinigay ito ng isang hacker na nagsabi na bad influence daw ang Harry Potter sa mga bata ayon kay Pope Benedict XVI kaya iniispoil daw niya para nakakabore na siya basahin.

Rebyu ng Ikalimang Haripotpot

Posted in Kabulastugans, Le Cinema on Hulyo 15, 2007 by Padre Salvi

Spoiler Alert!

Kanina lang eh nanood ako ng Harry Potter and the Order of the Phoenix. Pumasok ako na excited, lumabas ako na disappointed. Para sa mga Harry Potter Fans na katulad ko, binalasubas/binalahura (OA) nila ang kwento. Pagkasyahin ba naman sa dalawang oras ang 38 chapters na libro. Mas mahaba nga dapat to sa Goblet which has 37 chapters. Wah. Maglilista na lang ako ng mga points kung bakit ko gusto at ayaw ang film na ito.

Pro-HP5

  • Ok lahat ng characters. Walang um-OA. Sakto sa roles na ginaganapan nila ang inarte nila on screen.

  • I love Luna Lovegood! Mukha siyang malditang babae kapag tingnan pero kapag umarte na, Lunang-Luna!

  • Ang ganda nung sets. Lalo na yung Ministry of Magic.

  • Ang ganda nung graphics. I love the Thestrals, Centaurs, Dementors and Grawp!

  • Nakakakilig yung kissing scene. Haha.

  • Si Kingsley Shacklebolt ay African. Kewl!

Anti-HP5

  • C’mon, di man lang nagsalita si Lupin dun.

  • Walang Quidditch. Walang Ron as Keeper

  • Hindi prefect si Ron, Hermione at Draco

  • Ambait ni Grawp ke Hermione

  • Duh, nagpensieve po si Harry ng dalawang beses. Asan yun? Hindi na lang bigla nalalaman ni Harry ang lahat ng kelangan niya malaman

  • Hindi si Cho ang nagsumbong sa DA. Hindi rin siya pinainom ng Veritaserum.

  • Sa tren nila nakita si Luna.

  • Hindi pinarusahan ang buong DA. Anim lang ang nahuli sa kanila.

  • Hindi during OWLs nag paputok sina Fred and George

  • Hindi nagtuturo ng Music si Flitwick

  • Si Dobby ang nagturo ng Room of Requirement. Hindi to alam ni Neville.

  • Duh, di naman minanmanan ni Filch yung DA eh.

  • How the hell did they know about the spell “Levicorpus”?

Nako. Sana gandahan naman nila ang Half Blood Prince

~~

Speaking of Harry Potter, may blind item ako sa inyo. Sino kaya itong blogger na ito na na-iisyu (iniisyu ko) sa isang taong nakasalamin. Classmates kasi sila sa isang subject at ka-boom! May conspiracy na nangyari.

Clue:

G-18

Posted in Kabulastugans, Pastorals, Pics, UP on Hulyo 11, 2007 by Padre Salvi

[edit] nawala ang tres picture para sa isang nagbabagang post [/edit]

Ang G-18 ’07-’08 [inspired sa shirt nina jake]

ay mga sugarol….

Playing 1,2,3 pass. Find me!

Nigel is the master gambler.

Ginagambala ang buong Engineering sa ingay.

ay kontrobersyal…

Kontrobersyal talaga!

O diba, nakontrobersya ka sa ginagawa nila no!

Sino ang nasa likod ng mahiwagang folder at pamaypay? [Huwag mo na lang isipin, tingnan mo na lang yung nakapose]

Babae: Wag mo sasabihin kung sino ako! Nakikita na ako kapag igoogle mo ko eh!

ay star-studded…

Showing na ako ngayon! Harry Potter and the Order of the Phoenix! Gumagawa ako ngayon ng potion!

Baka isa dyan, makita mo sa PBB Teens Season2

May aaplyan siyang role, abangan mo na lang kung ano..

dedicated sa ES1…

Teka, anu ba yung ginagawa nila?

Eto! Ang mahiwagang plate!

O, Lectures! Para masolve mo naman yung plate!

at higit sa lahat.. GOOD-LOOKING!

Naks! G-18. ECE kami lahat! Mangunguryente sa inyo!

at ang photographer with his friend..

salamat sa pics! http://flukyjinx.multiply.com

Go G-18!

So stressful

Posted in Kabulastugans, Stories on Hulyo 7, 2007 by Padre Salvi

May sakit ako ngayon. Di ko alam kung anung rason. Eto ang mga hinuha ko.

  • Nagpaulan ako nung Thursday.

  • Andami kong kinain na kung anu-ano.

  • Napagod ako sa kalalakad. (Acad Oval, Math Bldg to AS and Engg)

May kwento pala ako.

Lagi akong bumababa sa overpass kapag uuwi na ako. Nakakatamad na kasing maghanap ng jeep na tinatawag na ikot kung saan hindi mo na kailangan umakyat sa mala everest na overpass sa tapat namin. Yung iba naman, nagreresort sa pagtawid sa C5. Hindi sila natatakot kahit mataas ang mortality rate dito. Nakow.

Tapos, sa jeep na iyon, 3 na lang kami dahil nga ang karamihan samin ay nagresort na sa pagtawid sa C5. Eto ang sumunod na nangyari.

tawiran.jpg

Click to enlarge image.

Ako (Sumabay yung isa pa): Manong, sa over pass po!

Manong: Eto overpass! (See picture)

Ako: Dun po ang overpass!

Manong: (Grudgingly drove his way near the overpass at tumingin ng masama samin)

Reaction: C’mon, kahit nasa tiyan pa lang na baby, alam na hindi yun overpass. Tapos ang sama pa ng tingin niya. Sobra pa nga binayad ko sa kanya kasi di niya ko diniscountan for being a student. Tapos galit pa siya. Hindi ko naman kasalanan na naging jeepney driver siya. Request nga lang namin na ihatid kami near the overpass eh. Para naman kasing aatras siya pagkababa namin. Nakow. Kaya di tayo umaasenso eh.

Padre Salvi: The Mall Rat

Posted in Kabulastugans, Le Cinema, Pastorals, TV on Hulyo 1, 2007 by Padre Salvi

Every week ako nasa mall. Isang mall (OR ISANG COMPOUND NG MALLS) lang naman ang pinupuntahan ko. Kung adik kayo sa pamamasyal, syempre alam niyo ang Glorietta at ang mga katabi nitong SM Makati, Greenbelt, Landmark at Park Square. Pag nasa mall kasi ako, tahimik akong tao. Nag-eenjoy ako sa mga taong nakakasalamuha ko. Masaya manood ng mga iskandalo sa loob, manghunting ng mga artista, maghanap ng “The One”, magcanvass ng pwedeng ipabili kay mama, makibonding sa mga kasinggwapo ko (haha) at kumain ng kumain! Eto ang mga ilan kong mga observations sa mga tao sa mall:

  • Divided ang masa accdg to footwear. Ang mga Higher Low Class at Lower Middle Class ay nakasapatos na medyo luma na. Ang Higher Middle Class ay may sapatos na medyo bago pa. At ang mga High Class (at nagpapaka high) eh naka tsinelas.
  • May kumakalat na Mall hunks and Babes kung saan finoflaunt talaga nila ang kanilang gorgeous body. Ang mga mall hunks eh nakasando lang, exposing their developed biceps and triceps, pinapabakat nila ang kanilang well trained torso (o tinatawag kong man-boobs) at pinapasilip ang kanilang armpit auxillary hair. (Asogue sa tagalog). Ang mga mall babes naman eh as usual, in their mini skirts and spaghetti straps exposing their well developed boobs and coca cola bottle bodies. Sila ang tinatawag kong “millimeters away from nakedness”.
  • Kapag weekdays eh nagiging lobby ng high school students ang mall. Guilty ako sa ganyan. Haha.
  • Madaming foreigners along with their Filipina buddies. Koreans lang ang walang kasamang Pinay. Ang kyut ng mga anak ng mga foreigners na puti. Parang pinalaking Barbie at Ken.

Adik na ako sa The Lot. Eto ang isa sa pinakafavoritest ko:

Adam Stein’s Dough: The Musical

[gawa pala ni Shalini Kantayya yung previous movie]